Chapter 3.

25.2K 634 153
                                    

CHAPTER 3.

Kasama ko sina Sasha, Zara at Carmela. Ngayon na kami mageenroll. Ilang weeks mula ngayon ay Señior highschool na kami. FINALLY.

"Huy, paano kapag nagkahiwa-hiwalay tayo ng section?" Zara.

"Oonga. Feeling ko mags-shuffle, eh.." Carmela.

"'Di yan. Edi magmakaawa ulit tayo kay Principal..." Humalakhak ako nang maalala kung ano ang ginawa namin noong mga grade 6 kami. Kadalasan kasi pag graduating ay shinashuffle ang sections. Sana ngayon ay hindi na.

"Wait... May boylet." Pasimpleng nginuso ni Sasha 'yong guy na mestizo sa cashier. Tinitigan ko iyon at tama sila, boylet nga. Kaso, para sa akin, mas pogi at mas may charisma si Anton.

"I dare you to ask for his number..." Kumindat si Zara kay Sasha.

"Wooops! That's just so basic!" She flipped her hair at tumayo.

"Hello... Transferee ka?" He approached the mestizo guy. Nilingon siya ng guy at ngumiti.

"Oo."

"Patingin ng registration for mo.." Hinablot iyon ni Sasha mula sa pagkahawak ng lalaki. "Uyyy! St. Mark ang section mo? Naks! Sana maging classmate kita!"

"Hindi mo pa ba nakukuha 'yong reg form mo?"

"Nako, hindi pa... Nakapila pa kami, eh." Lumingon si Sasha sa gawi namin. "Anyway, nakikita mo 'yang  magandang naka itim? She's Anna Olivia and she's asking for your number." Nilahad ni Sasha ang phone niya kay mestizo.

Aapila sana ako nang harangin ako ni Zara at Carmela. They even covered my mouth! Damn it!

Ngumiti sa akin si mestizo guy, natawa kay Sasha pero nilagay naman niya ang kanyang numero doon. Whaaaat?

"Thank you! Bye bye!" Ngumiti si Sasha sakanya at umalis na si kuyang mestizo.

"Hoy! Palakang kanal ka! Bakit ako?!" Salubong 'ko sa peste 'kong kaibigan. Ugh!

"Wala lang... Gusto 'ko lang ulit makita na nagliliyab sa selos si Anton. Just even before we graduate, gusto ko ulit makakita ng boxing." Pukineyney. Kaibigan ko po ba talaga ito?

"Gago ka! Magaaway lang kami niyan! Hay nako!"

"Okay lang. Masaya din kayo panuorin magaway.."

Napairap ako sa kawalan. Great. My friends are really fantastic!

Nang matapos kami sa enrollment ay nagcelebrate kami dahil magkaka-section padin kami. And my gosh, mas lalo silang natuwa kasi kasection namin si kuya mestizo. Ugh!

"At dahil kasection natin si Pogi... Cheers!" Tinaas nila ang kanilang mango juice. Sapilitan 'kong tinaas ang akin at ininom ito.

"At dahil tanga si Sasha, subo!" Sumubo kami sa mango bravo namin. So yummy!

"At bakit naman ako tanga?!" Apila ni Sash.

"Kasi 'di mo nakuha ang pangalan ni boylet number 1! Hooray! Ang tanga tanga mo! Kaibigan talaga kita!" Niyakap pa siya ni Zara. Hay. My friends are weirdos.

After namin kumain ay bumili kami ng school supplies, nagpa-manicure pedicure at nagpa-massage. Ganito talaga kami mag-chill. Unlike ng ibang mga ka-edad namin na may night out na.

Our night out is movie marathon, foodtrip at kwentuhan. Unlike sa iba na inom, beerpong, body shot and etc. My squad >>>> your squad.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon