Chapter 28.

16.6K 456 126
                                    

CHAPTER 28.

Lunch time pumasok si Coleen. Naging kapansin pansin siya dahil sa nangyari sakanya kagabi. So what? Ugh. Nabibitter ako. Stop it, Olivia.

"Coleen paano 'yan? Kailan kayo magsisimula ni Anton sa pag-practice?" Tanong ng aming president.

"Later. Sasabihan ko siya." Ngumiti si Coleen. Ugh. I hate her!

Later?! Samahan ko kaya si Anton para sure na walang magaganap? Ugh. Trust, Olivia. Trust him!

"Olivia, iaassign ko kayo bilang designer ng costume nina Anton and Coleen. Okay lang ba 'yun? Para may contribution kayo. Kasi the rest of the class will support Anton and Coleen financially tas kayong apat ng grupo mo ang gagawa."

Fuck that Lakan at Mutya thing! Ugh! "Sure! Kailan namin sila susukatan?"

"Kayo na nila Coleen ang bahala d'yan."

I smirked. Wala kang takas, Coleen Dimaandal. You will never have the chance to seduce my boyfriend! Hmp!

"Coleen!" Ngiting ngiti ako at tumabi sakanya, which is Anton's chair.

"Yes?" Nagtaas siya ng kilay. Aba?

"Since kami ang assigned designers for your costumes, magsstay din kami sa bahay niyo to make the designs." Ngumiti ako ng mapang-asar at nagtaas baba ng kilay.

"You can get it started next week! Why rush? We need to concentrate. Bawal ang distractions."

"Katulad nga ng sabi mo, ayaw mo mag-cram. Ganun din kami. Ayaw din namin mag-cram." I smiled. "Bakit? Gagamit ba kami ng martilyo or something noisy stuff para madistract kayo?" Nagtaas ako ng kilay.

I saw the twinge of annoyance in her face. Ngumiti lang ako at tumayo, "See you later! Sabay nalang kami ni Anton pupunta!" Nag flying kiss ako sakanya at lumabas ng room.

Nakasalubong ko si Anton na kumakain ng chips kasabay ang apat na dagang kanal na mula pa sa kailaliman ng lupa.

Nag slow motion thing drama kami habang papalapit sa isat isa. Yung mga tatakbo kami pero slow motion. Mukha kaming tanga but I don't mind. We could be weird and classy together.

Nang makalapit kami sa isa't isa ay nagyakapan lang kami dahil baka ma-pda na naman kami.

"May practice ka later sa bahay nina Coleen." Nakangiting sabi 'ko.

He pouted, "Bat ka nakangiti?"

"Syempre! Kasama ako eh!"

Natawa siya pero naningkit ang mga mata, "Ano na naman 'yang ginawa mo? Ha?" He slightly pinched my nose.

I giggled and ignored his question. Umupo kami sa bench sa harap ng mga lockers. Ewan ko ba, miss na miss ko si Anton. Sobra sobra na ata yung pagka-baliw ko sakanya. Oh, not ata. Baliw na talaga ako.

I would probably kill myself kapag iniwan niya ako.

"By... Kapag iniwan mo ako, magpapakamatay ako." Agad siyang napatingin sa akin.

"Bakit naman?" Kunot noo na tanong niya.

"Kasi for sure hindi ko kakayanin yung sakit." Naiimagine ko palang na iiwan niya ako ay naninikip na ang dibdib 'ko.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon