CHAPTER 17.
Kinabukasan pag gising ay nadismaya ako nang sinabi ni Mommy na hindi dumaan sa bahay si Anton para sunduin ako.
Nakakapanibago. Parang ngayon nalang ako ulit pupunta ng school nang nagcocommute. Hay. Ginusto ko 'to. Kaya paninindigan 'ko.
Nagjeep ako patungong school. Namataan ko agad si Anton kasama sina David, Tashi, Allen at Javier. Ni-hindi niya man lang ako tinignan nang dumating ako.
"What's wrong? Bat hindi kayo sabay?" Tinabihan agad ako ni Zara, Carmela at Sasha.
Pabulong kong kinwento sakanila ang nangyari kagabi except the part that we did something. Nabigla sila at halatang nadismaya sa sagot 'ko.
"Hindi mo talaga mahal? Sigurado ka?" Seryosong tanong ni Sasha.
"H-hindi.. Bilang bestfriends lang talaga."
"Huh! Eh paano na 'yan? Edi nagiiwasan kayo?" Malungkot na saad ni Zara. I nodded and sighed.
"I rejected him. Malamang susukuan niya na ako. Napagod na ata siya." I said.
"So... Okay lang sa'yo na may iba siyang girlfriend?" Tanong ni Sasha.
Napatitig ako sakanya. What is she saying? "Do you like Anton?" Mariin 'kong sabi.
"Yes, I do. I like him." She smiled sweetly. "Thank you for rejecting him. You gave him a chance to see another girl that would deserve him. Sana hindi ito ikasira ng friendship natin? You already let go of him.."
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi ni Sasha.. No. Why does she like Anton? No! Hindi pwede! Ayoko!
"Sasha..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Please don't... Don't make a move."
Tumaas ang kilay niya, "Bakit?"
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam. Ayoko. Nalilito ako. I don't know how I'll react pag nalaman kong sila na.
"Sash baliw ka ba? I thought you want to help to get Via and Anton together?" Zara.
"Noon. Pero nang ireject ni Via si Anton, nasabi ko na... Ay, sayang 'tong si Anton kung magpapaka-tanga lang." Aniya. "Laters! Puntahan ko muna siya..." She winked and walked away.
Napatulala ako sa notebook ko. Imagining Sash and Anton together makes me wanna cry a river. Masasaktan ako kasi yung kaibigan ko, si Sasha, makikipag relasyon sa bestfriend 'ko na asawa ang turing sa akin.
Well.... That's okay. I should accept the fact that I did reject Anton. And he deserves someone who'll love him whole heartedly at si Sasha iyon.
I faked myself the whole day. Maya maya ko'ng sinusulyapan si Anton but the never lent his eyes on me. Naguusap sila ni Sasha and I can hear their laughter from my seat.
"Magttraining ka?" Tanong ni Anton kay Sasha. Tatlo nalang kami sa classroom dahil hindi pa ako tapos magligpit ng gamit. Nakatalikod ako sakanila para hindi kita ang expression 'ko.
"Yup! Ano, tara?" Kinalabit ako ni Sasha, "Olivia! Tara!"
"Ah.. Sige." I smiled. Sinulyapan ko si Anton at nakatingin siya sa malayo.
Ako-Sasha-Anton. Silang dalawa lang ang naguusap habang naglalakad kami patungo sa gymnasium. Sa tono ng boses ni Anton ay mukhang masaya siya. Maybe he does not love me at all. Maybe I was just his bed satisfier. Ako yung hanggang pang-kama lang. That's all. But it's okay. I deserved it. I deserve this.
"Hoy dinner tayo later! Tara?" Pagaya ni Sasha bago sila maghiwalay ng pupuntahan.
"Sige ba. Libre mo?"
"Sure! Hahaha! Game yan ha!" Nag-highfive pa sila.
"Nagbibiro lang ako..." Anton chuckled. "Lilibre kita. I'll just wait you here. Text text nalang!" Hinalikan niya si Sasha sa noo at kumaway na palayo.
How could he????? Takteng Anton 'to! Talagang pinandigan ang sinabi niya ha! Pwes! Ako din!
"God! He's so sweet diba? Sisikapin ko talaga ang lalaking iyon! I will court him!" Daldal niya habang nasa locker room kami.
"Edi ligawan mo.." Mahina kong sagot.
"May sinasabi ka?" She raised her eyebrow. Aba?
"Ligawan mo." Klaro kong sabi. "If that's what you wanna do to make him fall for you, then do it."
"Talaga? Okay lang sa'yo?" Nakangiti niyang tanong.
Duh? "Duh! Oo naman! Why not?" Nag taas-baba pa ako ng kilay. Fake it, Olivia. Pretend that it's alright.
"Yaaayyy! Thank you Via!" Niyakap niya pa ako. I rolled my eyes. Duh?
Hindi ako masyado makapag focus sa training. Medyo nagiimprove si Coleen kaya hindi ako masyadong nastress.
Pagtapos ng training ay agad akong dumiretso sa locker room para maligo at makapag palit na. Nagsuot lang ako ng flannel at leggings.
"Hey! Thank God naabutan pa kita!" Namataan ko si Carlo na tumatakbo palapit sa akin. "Dinner? You promised..."
"Tara ba!" I will learn to like Carlo para hindi ko na maisip ang bwisit na Anton na iyon.
Sa carinderia lang kami nagdinner. Napagkasunduan namin ito dahil lagi nalang fancy ang dinner namin so we decided to eat in a carinderia. It's not that bad.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Anton... "By, hindi ka dapat pinapakain sa carinderia. Dapat pinapakain sa sa long table na may nakahanda ng utensils at ulan, dapat may magpupunas ng dumi mo sa gilid ng labi, dapat may cup of tea ka after your meal. Hindi ka pwedeng madapuan ng bacteria coz you're a queen. My queen."
Napailing ako. I should stop thinking about him! He's busy with Sasha and I should be busy with Carlo too.
"Via..." Napakamot siya sa ulo niya habang naglalakad kami patungo sa bahay. Coding ang kotse niya kaya hindi niya nadala.
"Yup?"
"M-mamasamain mo ba kung manliligaw ako sa'yo?" He bit his lip at napaiwas ng tingin habang nakangiti.
"Carlo... Are you serious?"
"Yes.. Pero hindi kita minamadali. Hindi kita pinepressure. I wanna know more about you, Via. Interesado ako sa'yo."
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya, "A-ayaw ko pa kasi talaga ng commitment. D-dapat, kilalanin mo muna ako bago ka manligaw."
"Yes, yes, I know. Kikilalanin muna kita. But atleast.. Gusto kong magpaalam sa'yo na lagi akong aaligid sa'yo wherever you are... I hope hindi ka ma-annoy sa akin."
Umiling iling at tumawa nalang. I have the dirtiest secret... And I know for a fact na pandidirihan niya ako kapag nalaman niya iyon lahat.
Only Anton knows all about this. About my dirty secrets. Ofcourse, he's involve. Tanggap niya kahit ganitong klase akong babae pero sinayang at nireject ko lang siya. You're so fantastic, Olivia. Take the sarcasm as your cup of tea.
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes