CHAPTER 27.
Pagdating ko sa bahay ay wala ulit si Mommy. Magisa na naman ako sa bahay. Kung bakit kasi nabuntis yung maid namin at umalis? Tss.
Pinagluto ko ang sarili ko ng chicken adobo at kumain. Maga-alas siyete na nang umakyat ako sa kwarto ko at naligo.
Nagring ang phone 'ko. Just I thought it was Anton, si Mommy pala.
"P-po? Mommy?"
"Olivia, I'll be gone for 4 days. May meeting kami sa Macau at New York. Sorry hindi ko nasabi ng mas maaga, impromptu eh. Kila Anton kana muna."
Nalungkot ako sa sinabi ni Mommy. Gusto ko sanang may makausap at mapagsabihan ng nararamdaman ko but I guess it's not for me to be happy talaga.
"I will be fine, Mommy. Ingat ka. I love you!"
"Yes, anak. Umayos ka ha? Baka mabuntis ka na naman.. Naku."
Napatawa ako sa sinabi ni Mommy, "Opo Mommy."
Pagtapos non ay muli akong nalungkot. I'm all alone again. They're all busy with their stuffs and I'm busy worrying if Anton and I are still together even after this problem.
Problema lang 'yan, Via. Kung kayo talaga, malalagpasan niyo din ito.
Nakarinig ako ng busina mula sa ibaba. Nagmadali akong lumabas at halos maiyak ako sa tuwa nang makita si Anton. The love of my life.
Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. He sighed at niyakap din ako pero maluwag lang.
"A-akala ko... Akala ko iiwan mo na talaga ako." Naluha ako when I cupped his cheeks. Namiss ko ang boyfriend ko!
"Olivia pumasok muna tayo.."
Nauna siyang pumasok at nilagpasan lang ako. I sighed heavily. Pumasok nadin ako at nilock yung gate.
"Anton, anong problema?" Humilig ako sa pader habang nakatayo siya ng diretso sa harap 'ko.
"Wala ka bang aaminin?" Tumaas ang kanyang kilay.
"Aaminin na ano?" Kumunot ang noo 'ko. Jusko kung may aaminin man ako aaminin ko agad sakanya!
"Don't play safe, Olivia. We both know you did something that can ruin our relationship."
"Kung may aaminin ako, aaminin ko iyon agad! Wala naman akong nagawa—"
"Anong wala?" Medyo tumaas ang kanyang boses. "I saw it with my own eyes!"
Nagbabara yung lalamunan ko. For the first time sa ilang taong pagiging mag-bestfriends, never niya akong tinaasan ng boses. Ngayon lang.
"N-na ano ba kasi?" Nanghihina ako. Feeling ko any minute magcocollapse ako.
"Nagpahalik ka kay Carlo." Cold na sabi niya. "But that's not my problem here, Olivia. Bakit hinahayaan mong pormahan ka? Bakit ineentertain mo pa? Kaya ba hindi mo kayang makipag-commit sa akin noon kasi nahihirapan kang maging loyal? Nahihirapan kang magseryoso? Gusto mo lahat laro lang?"
"Nahirapan akong makipag commit sayo noon kasi natakot ako!" Sigaw ko sakanya. "Kilala mo ako, Anton. Alam mong ayaw ko ng masaktan ulit kasi pag ako nasaktan, sobra sobra! Diba? Naalala mo naman siguro kung ano yung ginawa ko noon nung namatay si Papa! Anton ayoko na maging depressed! Ayoko na magka-suicidal thoughts! Ayoko gumising sa isang araw na may mabigat na problema! Ayoko! Ayoko masaktan! Pero heto ako ngayon na halos mabaliw na sa sobrang sakit dahil sa mga ginagawa mo!" Napahagulgol ako. Ito na naman yung sakit na nararamdaman ko. The last time I felt this is when my Father died.
"I gave you chance to tell me the truth. I even invited you to our dinner just in case masabi mo sa akin na 'Carlo kissed me but I did not like it' yun lang. Simpleng pag-amin at onting explanation lang Olivia hindi mo nagawa! Kaya pumasok sa isip ko na..." Napatigil siya at nagiwas ng tingin.
"N-na ano? Please... 'Wag kang makipag break. 'Wag mo akong iwan. Anton.. Nagmamakaawa ako.." Lumuhod ako sa harap niya pero agad niya akong itinayo.
"Hindi kita iiwan. As much as gusto na kitang sukuan, hindi ko kaya." He sighed. "Please, Olivia. Gusto ko wala na tayong sikretong itatago. Kasi ako kahit oras ng pagutot ko ay sinasabi ko sayo. I want you be mine and mine alone. Mahirap ba 'yon? Mahirap ba na ako lang?" His eyes were pleading. Nasaktan din siya sa ginawa ko.
"I-I promise. I promise Anton na hindi na ako magtatago ng kahit ano sa'yo. Please.. Please 'wag mo din ako sukuan. Please. Nagmamakaawa ako."
Niyakap niya ako ng mahigpit. Naiyak ako sa dibdib niya dahil sa halo-halong nararamdaman 'ko. I promise not to entertain Carlo anymore. I won't entertain anyone.
Umakyat kami sa kwarto ko at nahiga sa kama. I miss cuddling with him. Naikwento niya sa akin ang nangyari kay Coleen kanina. Yun nga, inatake ng hika. Nalaman niya rin na naoperahan si Coleen sa puso, every 3 years siyang naooperahan. May parang spring daw sa puso ni Coleen na every 3 years pinapalitan kasi kapag hindi, pwede niyang ikamatay iyon. Tapos may asthma pa siya.
Somehow naintindihan ko kung bakit ganoon si Coleen. She can die anytime pala. Huwag naman sana. Matagal naman mamatay ang masamang damo... Joke.
Nang maghubad si Anton ng tshirt ay sinunggaban ko siya agad ng mariin na halik. Namiss ko ang asawa ko. Namiss ko ang hubby ko. Napangiti siya at binuhat ako. I wrapped my legs around his waist.
"I missed you so much baby..." Pinaulanan ko ng halik ang kanyang gwapong mukha. Ang gwapo ng boyfriend ko. Sarap kainin!
Hiniga niya ako sa kama. Napahalakhak ako nang halikan niya ang liig 'ko. It was very tickling!
"Namiss kita talaga..." Pagulit 'ko.
He pouted, "momol lang tayo. Wala ako dala eh. Alam mo na, deds kapag may nabuo ulit. Hehe."
I slightly pinched his nose. Ang cute ng boyfriend ko talaga nanggigigil ako!
Kinaumagahan ay sabay kaming pumasok. Sinabi ko din sakanya na wala si Mommy for 4 days kaya napagpasyahan niya na 'don muna ako sakanila.
"Oh? Bati na kayo?" Gulat na bungad ni Zara nang pumasok kami ni Anton nang magkaakbay.
"Syempre. Nai-score-an nga ako ni Olivia kagabi—Hahaha! Aray ko 'by!" Kinurot ko nga sa tagiliran ang loko.
Nagkatinginan kami ni Carlo nang ilapag ko ang bag 'ko. He gave me a sweet smile at nagiwas lang ako ng tingin.
Nagulat ako ng tumayo si Anton sa may teacher's table. "Hoy. Gusto ko lang sabihin na... 'Wag kayong magtangkang pormahan ang girlfriend ko." Sinulyapan ni Anton si Carlo. Oops! "Nagtitimpi lang ako. Pero pag ako napuno... Sa sementeryo na tayo magkikita brad." Habang sinasabi niya iyon ay nakatitig siya kay Carlo.
Napailing ako. Pinababa ko si Anton sa teacher's table at pinaulanan niya naman ako ng halik sa aking mukha. Nagingay ang mga kaklase namin dahil sa pda na pinakita ni Anton.
"Kelan ang binyagan! Hahahaha!" Halakhak ni Tashi.
"Diba dapat kasalan muna?" Allen.
"Malabo sa kanilang dalawa 'to pre. Magiging ninong muna tayo bago maging grooms men—Aray! Tangina mo Anton!" Napuno ang halakhakan dahil sa pagw-wrestling nina Tashi, David, Allen, Javier at Anton.
Ang iimature. Hmp. Atleast si Anton may time naman na maging mature.
____________________________________
Epic yung last chapter. I accidentally clicked the 'publish' thing. Hahaha! Sherreh neh, megende leng, negkekemele den :-(
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Fiksi RemajaAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes