Chapter 33.

14.2K 391 110
                                    

CHAPTER 33.

Tinotoo ni Anton ang sinabi niya. Sinundo niya ako ng 6:00, mas maaga para hindi kami malate.

Nakakaasar! Almost 3 am na kay natulog kagabi sa kakakwentuhan namin! Hmp!

"Oh? Bat naka busangot ka?" Natatawang tanong niya habang nagmamaneho.

6:30 palang at on the way na kami sa school. Pano, pagdating niya sa bahay nina Sasha ay pinaligo at pinagluto niya na agad ako ng breakfast para mabilis.

"By naman kasi anton na antok pa ako!" Maktol 'ko.

"Matulog ka na lang sa klase. Atleast hindi ka absent." Humalakhak siya. "Oh, karagdagang breakfast."

Inabot niya sa akin ang bag mula sa starbucks. May lamang Cappuccino iyon at cinnamon bun. Tumambay muna kami sa gazebo para kumain.

"Malapit na ang monthsary natin.. Ano balak mo?" He asked. Napangiti ako ng lihim. Akala ko nakalimutan niya!

"Naalala mo?" Ngiting-ngiting tanong 'ko.

"'Di ko naman nakalimutan." Marahan niyang pinisil ang pisngi 'ko.

Nabuo agad niya ang araw 'ko. Sa simpleng pagalala niya lang sa monthsary namin ay tuwang tuwa na ako.

Nang mag 6:55 ay umakyat na kami sa classroom. Nakakatuwa kasi bumabalik na talaga si Anton sa dating siya. Yung magbibitbit palagi ng gamit 'ko at ilalapag sa arm chair 'ko.

Nginitian 'ko si Carlo kasi alam 'kong nag death glare si Anton sakanya. Tumango lang siya at ngumiti din.

Nang dumating si Coleen ay tahimik siya. Kinamusta siya ng lahat at tinanong kung bakit ang tagal niyang nawala, "Inatake lang ako ng asthma. Okay na ako." 'Yan ang tanging sagot niya. Ayaw niya talagang ipagkalat na may disease siya. I somehow pity her for having that kind of disease.

"Anton! Kamusta!" Sigaw niya habang papalapit sa amin. Anton interwined our hands together habang palapit si Coleen.

"Ayos lang." Tipid na sagot ng boyfriend 'ko.

Napawi ang ngiti ni Coleen nang makita ang kamay namin. Agad 'kong ihiniwalay ang kamay 'ko na ikinagulat naman ni Anton.

"Uhhmm. Mamaya pala susukatan na namin kayo at gagawa na ako ng designs. Sa bahay niyo nalang ba?" Tanong 'ko.

"Yeah sure." Tipid na sagot niya at bumalik sa upuan niya.

Nagsimula ang klase at nakipagswitch na naman si Anton sa nerd 'kong seatmate. Parehas kaming nagsusulat ng notes, aniya'y sabay daw kaming magrereview sa exams.

"By kelan ka pala mageentrance exam?" Tanong 'ko. Nagbabalak kasi siyang lumipat ng university pag nag college.

"Pinagiisipan 'ko pa. Ikaw, dito ka na magaaral talaga?" Tanong niya.

"Oo. Kasi nga diba may scholarship ako kapag pinagpatuloy ko yung cheerleading." Gusto ko sanang lumipat din ng ibang university kaso naawa ako kay Mommy. Ang laking pera din ng maiipon namin kapag naging scholar ako.

"Baka dito nalang din ako."

Break time nga talaga pumasok ang mga kulugo 'kong barkada. Tumambay kami sa gazebo. Nagsisimula na kaming gumawa ng designs para sa costume ng boyfriend ko at ni Coleen.

"Diba ang isusuot lang naman ni Anton is bahag? He doesn't need a top." Zara. Tumango ako.

Ako, si Sasha at Carmela ay may tigta-tatlong designs na gagawin. Pipili lang si Coleen 'doon at buburdahin na namin gamit ang recycled materials.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon