CHAPTER 37.
Panay ang tingin ni Kuya Hades sa amin ni Anton gamit ang rearview mirror. Kakalapag lang namin sa Cebu at kasalukuyang hinahatid kami ng Kuya niya sa isang tirahan.
"Saan ba ang gusto niyo? Sa city or sa province?" Tanong na naman ni Kuya Hades.
"As much as possible 'don sa tago." Tinignan ako ni Anton and interwined our hands together. I smiled at him.
"Sa province, sobrang tago. Kaso it's an 6 hours drive. Baka mamaya may emergency at hindi kayo maagapan. Clinic lang meron 'don, walang ospital." Sabat naman ni Ate Demetria.
"'Don nalang sa condo mo, bro." Anang Anton.
"Tamang tama!" Kuya Hades smirked. "Tumitira 'din doon sina Charlene at Prince paminsan. Gusto niyo 'don nalang din kayo? Para hindi malungkot 'yang si Via." Ngumiti siya sa akin.
Charlene? Charlene Dawn? Ang madaldal at judgemental na iyon? Pwede narin. Kaso bak araw-araw lang akong okrayin nun.
"Separate, bro." Anton. Tumango lang si Kuya Hades.
Nakarating kami sa isang matayog na building. Ani Anton ay pagmamay-ari daw ito ng mga Blackwell. At ang itinatayong hotel, casino and resort ay pag mamayari naman ng mga Yuchengco. Ang yayaman. Hindi ko mareach.
Ihinatid kami ni Kuya Hades ate Ate Demetria sa aming kwarto. Nangangatog ang tuhod 'ko dahil nagkakatotoo na lahat ng gusto naming mangyari ni Anton. Ang magsarili. Masyado kaming bata, I know pero atleast diba.. Atleast onti onti ng nagkakatotoo ang lahat. All we have to do is to face the consequences together without fear and without giving up.
"FINALLY!" Binuhat ako ni Anton at pinaikot-ikot nang makaalis ang dalawa. "Finally, Olivia. Solong solo na kita. Walang Coleen, walang Carlo, walang sagabal, just US." Binaba niya ako and cupped my cheeks, "Magsisimula tayo ng panibagong buhay. Okay?"
"Ang pagaaral natin?" 'Yan agad ang pumasok sa isip 'ko.
"Ie-enroll tayo ni Kuya sa isang university na nago-offer ng home school program. 'Wag kang magalala. Hindi tayo tatanda nang walang edukasyon." He smiled. "Magtatrabaho din ako para hindi natin iasa ang lahat kay Kuya. Gusto mo mag open tayo ng join account sa bangko para 'don mapunta ang mga savings natin?"
Natutunaw ang puso 'ko sa mga sinasabi ni Anton. He's really sure na magiging mag-asawa kami. Naluha ako dahil sa sobrang saya. Sobrang saya 'ko. Sobra kahit alam kong sobrang laki ng problema namin.
"Oh, by, bakit ka umiiyak? Nagsisisi ka ba—"
"No. No, Anton. I regret nothing about this." Nagpahid ako ng luha and cupped his cheeks, ang gwapo ng asawa 'ko talaga! "Sobrang saya 'ko lang talaga. Salamat. Mahal mo padin talaga kasi ako kahit na ganito ako."
Ngumiti lang siya at niyakap ako ng mahigpit. This is my life now. With Anton at wala ng iba.
Nagsimula kaming idecorate yung condo. Naglinis at inayos ang mga gamit namin ni Anton. Nageenjoy ako sa mga nangyayari kahit nagaalala ako kung ano na ang nangyayari sa Manila. Kanina pa tumatawag at nagtetext ang pamilya 'ko pero iniignore ko lahat. I'm sorry Ate, Kuya and Mommy. Pero buhay 'ko si Anton and I couldn't bear being away from him.
"By, bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho." Kasalukuyang nagluluto si Anton ngayon. Pinapanuod ko lang siya habang kumakain ako ng bread.
"Sigurado ka ba? May tatanggap ba sa'yo? Ang bata pa kaya natin."
"Edad 'ko ang bata, hindi ang abilidad ko." Nagtaas baba pa siya ng kilay. "Tignan mo nga malapit na ako maging Tatay—"
"ANTON!" Kung tutuusin ay ayaw ko muna mabuntis. Hindi ko kasi alam kung paano ko bubuhayin 'yung anak 'ko kapag nagkataon.
"Nagbibiro lang ako. So bali, once a month na lang tayo mag-sex—Aray by!" Humalakhak siya nang batuhin ko siya ng takip ng palaman.
"Ang bastos!" I pouted.
"Nagbibiro lang ako," hininaan niya ang apoy habang nagluluto at umupo sa tabi 'ko. "Magiingat tayo, ha? Nagpi-pills ka pa ba?" Umiling ako. Magmula nung makunan ako ay tinigil 'ko na dahil baka ma-impeksyon pa ako.
"Nako, deliks. Gusto mo hiwalay na lang tayo ng kwarto? O kaya 'wag tayo magpatay ng ilaw—"
"Siraulo 'ka. Walang mangyayari satin kung magco-control tayo, okay? Kaya ikaw... Magsariling sikap ka muna." Humalakhak ako. Hindi ko maimagine na magkukulong sa banyo si Anton ng mahigit isang oras para 'don.
"Bastos ka 'by ha!" Piningot niya ang ilong 'ko pero 'di ko parin maiwasan na tumawa. Man! That's absurd! Hahaha!
Kumain kami ng dinner habang nagaasaran. Ang sarap ng ganitong buhay. Ito ang buhay na gusto ko kasama si Anton. Yung kaming dalawa lang sa hirap at ginhawa. Char Via!
Kinabukasan ay maaga 'kong pinagluto si Anton. Tinototoo niya ang sinabi niya na maghahanap siya ng trabaho para hindi kami umasa sa sustento ng Kuya Hades niya.
"At anong paga-applyan mo, aber?" Tanong 'ko habang masarap ang kain niya.
"Ittrain ako ni Kuya as clerk sa office niya. And then, pagaaralin niya tayo. Home study." Aniya. I sighed in relief. Pakiramdam ko ang tanda tanda na namin ni Anton. "We'll be successful together, baby. Kapit lang." Tumango-tango 'ko.
"Ang pagba-basketball mo? Pangarap mo 'yon diba?" Nagaalalang tanong 'ko.
"Silly. Ikaw ang pangarap 'ko." Kinurot niya ng marahan ang ilong 'ko.
Nabuhayan ako ng loob. Sa pagalis ni Anton, nagpadala na ng hand outs ang body guard ni Kuya Hades para sa home schooled subjects namin. Aniya'y ang proctor at magsisimula din agad bukas kaya kailangan 'kong mag advance study para hindi ako mahuli sa lessons.
"BY!" Napatalon ako nang marinig ang sumisigaw na si Anton. Pagkapasok niya sa kwarto ay niyakap niya ako ng mahigpit.
"B-bakit?" I hugged him back.
Kumalas siya sa pagkayakap at hinawakan ang magkabilang braso 'ko, "On training clerk officer ako! Can you believe that? Nakitaan ako ng skills ng higher boss namin!" Masayang masaya na sabi niya at muli akong niyakap.
Who wouldn't like him as a worker? Matalino, matiyaga, mabilis kumilos, at higit sa lahat ay masipag. So proud of my husband!
"Wow! Galing naman ng boyfriend ko!" Mahigpit 'ko siyang niyakap at tinatap ang likod niya, "I promise, magiging proud ka din sa akin, Anton."
Muli siyang kumalas sa yakap at hinarap ako ng naka-pout, "Nung araw na naging tayo, you already made me proud, babe."
Sumimangot ako sa pagtawag niya ng babe, "Ang bantot ng babe. Corny mo please." Atsaka ako humalakhak.
"Ah ganon!"
Tinulak ko siya ng marahan atsaka ako tumakbo kay naghabulan kami sa loob ng unit. Ang saya saya 'ko. Sana laging ganito. Sana wala ng sagabal. Sana kami na hanggang huli.
____________________________________
So naisip ko lang na kapag madaming silent readers ay palaging 1 week after ang update ko. #Meangurl
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes