Special Chapter

16.9K 492 126
                                    

Last and special chapter of AGKB. Maraming salamat Team ViAnton or ChANrity! :)



SPECIAL CHAPTER — Ang tunay na storya.


"KYAAAAAAAAAAH!" Namumula na 'yung mukha niya sa sobrang pagsigaw. "Bwisit ka Anton! 'Wag na 'wag mo lang talaga akong bubuntisin ulit!" Sigaw niya pa.


Sobrang ingay sa operating room dahil sa iyak at sigaw ni Olivia. Oo, si Olivia. Nanganganak. God damn it she's fertile! And it's a miracle for me. We've been waiting for 2 years para magka-anak and there.. It happened. Pero mukhang ayaw niya na magkaroon ng pangalawa.


At oo, si Olivia. Siya yung pinakasalan 'ko. Ang lintik na babaeng 'to, pinagduduldulan niya talaga na si Charity but in the end ay sabi niya, "Hehe. Biro lang ako si Via. Love mo talaga ako noh?" Yung feeling na ang sarap ng manapak nung mga oras na yun dahil sa masamang biro niya. Tss.


I think I married a Psychopath and I'll have to be her doctor forever.


"AAAAAH! LUMABAS KA NA! ANO BA!" Sigaw niya pa.


Maya't mayang sinisilip nung doctor ang entrada ni Via to see the head of the baby pero wala pa ito doon. Damn it! Kanina pa pumutok ang patubigan niya!


"After 3 minutes kapag wala pa yung ulo ng bata, cesarian delivery na." Anang doctor.



"Ayoko! Doc! Ayoko! Ayoko magkapeklat! Lalabas 'din 'yan!" Sigaw pa ni Olivia.



"Baby twins labas na kayo.. Sige na, 'wag niyo ng pahirapan 'tong psychopath niyong nanay— Aray!" I pouted ng sampalin ako ni Olivia.


Maya maya ay nagsisisigaw nanaman si Olivia na humihilab na naman daw ang tiyan niya. Sinilip 'ko ang entrada niya and i can already the see the head of our baby. Holy shit! It's happening!


Unang lumabas ang Lalaki. Halos maluha ako dahil sa tuwa pero at the same time nasasaktan ako kasi naka-kagat si Olivia sa braso 'ko habang umiire. Fuck may rabies ata 'tong si Olivia.



After 2-3 minutes ay lumabas na ang babae. Ang tanging naririnig 'ko nalang sa operating room ay ang iyak ng mga baby namin. Hindi muna ako umalis sa tabi ni Via dahil tinatahi na siya kanyang entrada.


"I made it.." Naluluhang sabi ni Via. "I made it, Anton. I gave birth to our twins.." Malaki ang ngiti niya at walang tigil ang luha niya. Niyakap 'ko siya ng mahigpit. No words can explain how happy I am.



"Thank you so much, Olivia. Sobrang saya 'ko. I love you so much!" Hinalikan 'ko ang noo niya at niyakap niya naman ako ng mahigpit.


Nang malinis na ang baby namin ay pinabuhat agad siya sa akin. Sa kanan ay ang babae at sa kaliwa ay ang lalaki. Dahil sa sobrang saya 'ko ay hindi 'ko na maalala kung ano yung naisipan naming ipangalan sa anak namin.


"Via ano nga ulit pangalan?" I asked. Natawa ang mga nurse at doctor dahil sa tanong 'ko.


Kinuha ni Via sa akin si baby boy, "Tristan Jacques D. Blackwell." Malaki ang ngiti niya. "Ikaw na ang magpangalan sa princess natin." Ako? Ako? Ako talaga?


Ano ba magandang pangalan? Takte may naisip na ako noon eh nakalimutan ko lang!


"Maria Valentine D. Blackwell."


Nagkatinginan kami ni Olivia and she agreed to our princess' name. Sobrang saya 'ko. Finally, nabuo 'ko na ang pinapangarap 'kong pamilya ofcourse with Olivia and our babies. Damn. I couldn't ask for more!


"Ito na ang buhay natin ngayon, hindi na natin baby ang isa't isa. May dalawa na." I chuckled. Natawa 'din si Olivia 'don.


"You're right, Anton. Thank you sa 19 years mong pagmamahal. Simula 7 years old ako, hanggang nung 17 years old ako, hanggang ngayong 26 years old ako.. Andyan ka padin. Salamat, kasi 'di mo ako sinukuan.." Naluha na naman siya. Pinahid 'ko iyon agad.


19 years. 19 years na akong patay na patay sa isang babae lang.. At kay Olivia 'yon. 19 years na puro tawanan, sakit, kabiguan, pag-asa, pagiyak.. Lahat ata ng posibleng maramdaman ay naramdaman 'ko na sa 19 years na namuhay ako kasama si Olivia. Lahat ata ng klase ng sakit at tuwa ay naramdaman 'ko na sakanya.


Pumasok ang pamilya namin. The Dimaandal and Blackwells. Gusto pumunta ng mga Paredes pero hindi pa kaya ni Olivia na makita ulit ang mga taong nanloko sakanya. And I respect that. Maski ako, kung ako nasa part ni Olivia ay mahihirapan akong magpatawad.


Tuwang tuwa si Mama at ang Mommy ni Olivia sa anak namin. Even Coleen takes alot of selfies with our babies. Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi sumama si Charity. Alam kong muhing muhi siya kay Olivia. Lalo na sa akin. And i hope sa tamang oras, magkapatawaran na kami. It's been 2 years at talagang matigas ang puso ni Charity. At mataas din ang pride ni Olivia kaya hindi talaga sila nagka-ayos.


Kinaumagahan ay umuwi nadin kami agad. First day namin sa dream house namin kasama ang mga anak namin and I couldn't explain the pure happiness that I'm feeling.


"Parents na tayo. Hanggang ngayon di parin nagsisink-in sa akin." Anang Olivia habang nagluluto at ako naman, buhat buhat ang anak namin.


"Noon pa kaya. Nakunan ka lang." I pouted.


Natulala si Via saglit. She sighed heavily and forced to smile, "Pinapanuod niya tayo sa langit and I know na masaya din siya para sa atin at sa mga kapatid niya."


After 4 years...


"Valentine! Jacques! It's ligo time!" Olivia grinned.


Nagtakbuhan sina Jacques at Valentine patungo sa akin at nagtago sa likod 'ko.


"Daddy!I don't wanna take a bath!" Anang Valentine habang tumatawa.



"Val you ligo first! Me next!" Si Jacques naman.


"Walang mauuna at walang mahuhuli kasi magsasabay kayo! Andyan na si Mommy!" Via ran towards us kaya binuhat 'ko ang dalawang bubwit na hindi matigil sa kakatili at kakasigaw.


"Mommy ayokshuu!" Valentine giggled. Ang cute cute ng princesa ko talaga! Mana sa reyna 'ko!


Tinulungan 'kong paliguan ni Olivia ang mga anak namin. And at this moment, I pictured the perfect kind of happiness. Being with your own family.


Nakatitig lang ako habang naliligo sa pool ang mga anak 'ko kasama si Olivia. Olivia's wearing 2 piece and shorts. Kahit nanay na ay sobrang ganda at sexy padin.


"Daddy! Ligshu tayu!" Valentine giggled at nagha-hand gesture pa na lumapit ako sakanila.


"Mommy o! Daddy ayaw ligu!" Jacques pouted.


Napangiti ako ng malapad habang magkatinginan kami ni Olivia. My life is soooo complete. Wala na akong mahihiling pa talaga. All thanks to the great God from above!


"Baby, ligo na tayo?" Via winked.


Pakiramdam 'ko bumalik kami sa pagiging highschool. Just like the old times, we're fond of pda-ing.


"I love you so much, Maria Anna Olivia." I kissed her lips gently habang nagtatampisaw sa tubig ang mga anak namin.


"I love you too so, so, sooo much, Tristan Anton... Beastfriend." She chuckled and I kissed her deeper at agad ding humiwalay nang nilingon kami ni Valentine at Jacques.





THE END.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon