CHAPTER 19.
Hinatid ako ni Anton sa bahay. Kahit sobrang galit siya sa akin ay inaalagaan niya padin ako. Sabi ng doctor ay maari akong mabinat dahil kagagaling ko lang sa miscarriage. Anton paid 50 thousand just to please the doctors not to call our parents. I forced him to do so. Lagot ako kay Mommy kapag nalaman na nabuntis ako and worst, nakunan ako.
"Olivia? Oh god! Saan ka ba galing bata ka?" Pagaalalang tanong ni Mommy. Hapon na kasi nang makauwi ako sa bahay.
"Ma, uhm... Sinundo ko po siya kagabi 'don siya natulog sa bahay. I'm sorry hindi ko na po kayo ginising at ngayon ko lang siya hinatid." Ani Anton.
"Jusko naman Via! Why didn't you text me? May nareceive akong natext mula sa kaibigan ko nakita ka daw sa hospital? What happened? Ikaw ba iyon?" Pinaupo niya ako sa sofa at diretsong tinignan mula sa mata.
"N-nahimatay po si Via... Sobrang pagod po sa cheerleading kasi puspusan po sa training." Anton spoke for me.
"Via I can pay for your fees on college. Sabi naman ng kuya't ate mo ay susuportahan ka nila sa pagaaral mo..."
Kapag kasi grumaduate ako nang hindi natatanggal sa cheerleading, may 70% scholarship ako kapag nagcollege plus magiging varsity ako ng university pep squad. That's why I'm not gonna give up cheerleading.
Hindi pinaalis ni Mommy si Anton sa bahay. Aniya'y pupunta siyang Cabanatuan. Dapat daw sasama ako pero eto ako... In pain. Emotionally and physically.
"Ano gusto mong kainin?" He asked at umupo sa dulo ng kama 'ko.
"Anton... Galit ka pa ba sa'kin?" I asked. Nagiwas siya ng tingin. "Nahihirapan na kasi ako.." Ayokong umiyak sa harap niya. I want to show him that I'm fine without him.
"Bakit ka nahihirapan?"
Kasi.. Naguguluhan ako. Ewan ko kung saan. Basta naguguluhan ako.
"Wala..." I smiled. "Pagluto mo ako ng sardinas na may sibuyas at kamatis."
Walang kibo siyang umalis. Pagbalik niya ay andun na ang pagkain ko at at may blue lemonade pa na favorite ko.
"Thanks... I love you, baby." Niyakap ko siya nang umupo siya sa tabi 'ko. Tumango lang siya at nanuod ng tv.
"Dito ka matutulog?" I asked.
Tumango siya, "Sa lapag. Kukuha nalang ako mamaya ng foam."
"Why not beside me?" At kelan pa siya hindi tumabi sakin kapag matutulog kami?
"Basta..." Aniya at hindi na muling kumibo.
Hanggang sa mag-gabi ay hindi niya ako pinapansin. Pinagsisilbihan, pero hindi siya umiimik sakin.
Tinabihan ko siya sa lapag at niyakap siya ng mahigpit, "Olivia go back to bed. Baka mabinat ka dito." Aniya.
"Baby naman eh... Bati na kasi tayo? Please?" Tiningala ko siya and tried my best to look cute.
"Just go back to bed, Via."
"Tristan Antonio Blackwell... I love you." Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at hindi na siya muling pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes