"I love you, baby!""I love you too! Bye bye! Mwa!" Kumaway ako sakanya pero tumakbo siya pabalik sa akin. Hinalikan ako ni Anton sa pisngi at tumakbo na paalis.
"Puteeeeek! Nakakakilig talaga kayo!" Sinabunutan ako ng mga kaibigan 'ko dahil sa kilig.
Well, I had a thing with Anton before. He tried to court me. I rejected him. Grade 1 palang ay magkaklase na kami kaya wala ng bago sa amin. I rejected him because I don't want our friendship to go the next level. I'm not yet prepared to have a boyfriend. I'm scared of attaching myself kahit na sobrang attached ako sakanya ngayon.
"Duh?" Ang tanging nasabi 'ko at dumiretso na kami sa bahay nina Sasha.
Nagfoodtrip lang kami at nag movie marathon tapos kwentuhan. The usual days. Sinusulit na namin ang summer dahil malapit na ang pasukan. Señior na kami in a few weeks! Oh my gosh!
Dumating ang boys galing sa basketball.
"Amoy mandirigma!" Nagtakip ng ilong si Carmela nang lapitan siya ni Andrew. Well, may something ata sila at dinedeny lang.
"By..." Naghubad ng tshirt sa harap 'ko si Anton at biglang tumalikod sa akin, "Paki punas ng pawis 'ko." Napairap ako at kinuha 'yung towel sa sports bag niya.
Nag indian seat ako sa sahig at ganon 'din siya. Hinila niya yung legs ko at nilagay sa pagitan ng legs niya. But not close to his manhood. Hindi niya naman ako nililibugan para gawin iyon.
"Hay nako! Ang bantot mo! Mamaya pag uwi mo, maligo ka agad! Okay?!" Sermon 'ko habang padabog na pinupunasan ang pawis niya sa likod.
Sumandal siya dibdib 'ko at tiningala ako, "Sweet naman ng baby 'ko. Paliguan mo kaya ako?"
"BASTOS!" Kinurot 'ko ang bewang niya kaya mas lalo siyang humalakhak at umaray.
Nagtilian ang mga kaibigan namin. Noon pa man ay palagi na nila kaming pinupush dahil sobrang bagay daw kami. Well, can't blame them. Alam 'ko sa sarili 'ko na bagay talaga kami sa isa't isa.
"By... Samin ka tulog mamaya?" Bulong niya sa akin. Sinamaan 'ko siya ng tingin. Meron ako, sorry na. Kaya nagtataray talaga ako.
"At bakit?"
"Dali. Cuddle tayo."
Tinaasan 'ko siya ng kilay. Ganyan talaga siya magsalita, pafall. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi 'ko magawang mafall sakanya kahit ilang years na niya akong ginaganito.
"Oks. Pero... Meron ako, ah."
"Okay lang. Sagot 'ko na napkin mo."
Natawa ako 'don at binatukan siya dahil 'don. Nakakatuwa dahil ganito na kami kaopen minsan.
Kahit madalas gago 'tong BEASTfriend 'ko, mahal na mahal 'ko 'yan. Syempre! Bestfriend 'ko, eh. Malamang ay tatanggapin 'ko lahat ng flaws niya.
________________________________
Title: Ang gago kong beastfriend
Started: 20th of September, 2015.
First time 'kong gagawa ng bestfriends story so please... Makisama kayo sa akin. Hihihi. Ilyall! <3
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Novela JuvenilAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes