CHAPTER 29.
Nagbihis ako at dumiretso sa field. Nakahiga lang ako doon habang tinitignan ang kalangitan... At syempre, umiiyak na naman ako.
Hindi ko na alam ang gagawin 'ko. Bakit biglang nagbago si Anton? Specially kapag involve si Coleen. Nagiiba siya. Para bang napaka importante ni Coleen. I understand that she's sensitive and fragile... Pero ako din naman ah? Wala akong sakit sa puso pero parehas kaming emosyonal. Dapat mas maalaga siya sa akin kasi I'm capable of hurting myself or worst.... I could commit suicide. Anytime. Baliw ako at alam ko iyon.
Magsuicide kaya ako? Para mabaling ang atensyon ni Anton sa akin? Para magalala din siya sa akin? Ay! Ang talino ko talaga!
Pero bago 'yan.. Mageemote muna ako. Kasi kapag naging successful iyon, hindi ko na talaga mahihigaan ang field na ito.
"Olivia?" Napalinga ako sa papalapit na si Carlo.
"Carlo!" I felt happy deep inside kasi may kaibigan ako ngayon na dadamay sa akin. "Halika, higa tayo!" Masayang sabi 'ko.
"Okay ka lang?" Umupo siya sa tabi 'ko. "I heard you and Coleen had a fight. Bakit mukhang masaya ka pa?"
I chuckled, "This is my last day. I would make the most out of it."
"H-huh? Anong ibig mong sabihin?" Mabilis na bumaling sa akin si Carlo.
Hindi ko pinansin ang tanong niya, "Kung mas pipiliin ba naman ng boyfriend mo yung ibang tao kesa sa'yo.. Ang sakit nun noh?"
"Ano bang nangyari? Pwede kang mag kwento sa akin..."
I sighed. Sinimulan 'kong ikwento kay Carlo ang lahat ng hinanakit 'ko. How he chose to leave me hanging para lang safe si Coleen. Ang sakit... Why would he do that? Naghihiganti ba siya dahil ilang beses ko siyang nireject? Kung ganon, tatanggapin ko yung revenge niya. Magtitiis ako. Wala eh, mahal ko eh.
"Walang matinong lalaki ang gagawin yun sa girlfriend niya. Akala ko ba mahal ka niya? That's why you chose him over me? Bakit ka niya ginaganyan?" Napatitig ako kay Carlo. Kung siya kaya ang sinagot ko, magiging miserable kaya ako? "Makipag break ka na Olivia. You don't deserve him."
"I can't." Umiling ako.
"Ofcourse you can! I'm willing to help..."
Ngumiti ako sakanya, "I swear. Ikamamatay 'ko kung wala siya sa tabi 'ko. Literal. Buong buhay ko dinepende ko sakanya. Ang korni mang sabihin pero sakanya na umikot ang mundo 'ko. Siya ang mundo 'ko, Carlo." Naiyak na ako ng tuluyan.
Magsosorry ako kay Anton. I was wrong. Pinatulan ko si Coleen. Mali talaga iyon, Olivia! Kelangan bago ako mawala ay masabi ko ang dapat kong sabihin.
"Carlo... Dalhin mo ako sainyo."
"H-huh? Seryoso ka ba?"
Tumango ako, "Mag bar muna tayo. Tutal last day ko na naman.." Humalakhak ako.
Tumayo ako at hinila palayo si Carlo.
Nagmakaawa ako sakanya na dalhin niya ako sa isang bar. He was having second thoughts pero kalaunan ay napilit ko din siya.
"WHOOOOOOOO! CARLO! SHOT!" Itinaas ko ang beerpong cup ko. Tumango lang siya at nakipag-cheers sa akin.
Sunod sunod ang lagok 'ko at naramdaman ko na ang kalasingan. Mukhang nahalata ni Carlo na lasing na ako kaya binuhat niya ako at napunta kami sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes