Chapter 21.

16.4K 544 73
                                    

CHAPTER 21.

"Ano? Tatanga ka nalang d'yan? Di mo ako sasagutin?" Nakanganga lang siya habang nakatitig sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa ginagawa 'ko.

"Via—"

"Will you marry me?" Paguulit 'ko.

"O-ofcourse.." Hindi makapaniwala niyang sagot.

Kinuha ko ang kamay niya at sinuot 'yong singsing, "Oh. Suot mo din sakin." Sabi ko at inabot sakanya ang isa pang singsing.

Natawa nalang siya at sinuot sakin 'yon, "Halika nga dito." Umupo ako sa pagitan ng hita niya at niyakap siya.

Natahimik kami ng ilang minuto nang magkayakap lang kami. I can feel Anton's kissing my shoulder at marahan na hinihimas ang likod 'ko.

"I love you Anton.. 'Wag mo na ako iiwan ulit ah?" I said and cupped his cheeks. Hindi talaga ako mabubuhay ng wala siya. I swear!

"I love you more.. Hindi na ulit kita iiwan. Basta 'wag mo na ako ipagpapalit ah?" He also cupped my cheeks at pinagdikit ang noo at ilong namin.

Sana ganito palagi. Kontento na ako sa kung anong meron ako. Kontento na ako kay Anton at sa kung anong meron kami ngayon.

I asked him to marry me to kasi ayoko na may kahati ako. Gusto ko sakin lang siya. Ewan ko ba, nababaliw na siguro ako. Sobra yung pagmamahal ko sakanya. Biglang umusbong. Dati kampante ako na mahal ko siya bilang bestfriend lamang... Ngayon, higit pa 'doon.

Kaso hindi ko talaga kaya ibigay yung commitment na hinihingi niya. Natatakot akong sumugal. Ayoko ng label. Hindi ko din maintidihan ang sarili 'ko. Mahal ko siya pero ayoko pa siya maging boyfriend.

Sa gabing iyon ay tinext ko si Mommy na kina Anton ako matutulog. Aniya'y kailangan ko umuwi dahil may paguusapan kami.

"Ano naman kaya ang paguusapan namin ni Mommy sa ganitong oras?" Nagsisimula na akong kabahan. Never kaming nagkaroon ng serious talk ni Mommy ng ganito ka late. It's almost 11pm.

"Kalma ka lang. 'Wag ka kabahan." Huminto kami sa tapat ng bahay. Naka-on pa ang ilaw sa sofa! Omg! "Just text me and I'll call you. Okay? Balitaan mo ako."

"Yep. Goodnight! Ingat ka!" Nagyakapan kami at lips to lips. "I love you. Text me pag nakauwi kana."

"Yes, baby."

Nakailang hinga ako ng malalim nang bago pumasok ng bahay.

"Mommy," nag-mano ako sakanya at humalik sa pisngi niya.

"Maupo ka Via." Umupo kaming dalawa sa sofa. She sighed first bago magsalita, "Ayoko ma magpaliguy-ligoy pa... Anak, ano ba kayo ni Anton?"

I felt my heart raced. Shet. Bakit ganito ang tanong ni Mommy?

"B-beastfriends po."

"Tumawag ang principal niyo kanina dito. She told me to talk to you. Anong issue iyon na buntis ka daw?" Malungkot na tanong ni Mommy.

"M-mommy hindi po ako buntis. Gumagawa lang po ng kwento 'yong babae kanina..." Halos maiyak na ako sa kaba. Shet. Shet! Tulong!

"Really?" May kinuha siya mula sa likod niya, "I saw these on your room. What is the meaning of this?"

Napanganga ako nang ipakita ni Mommy 'yong pills na ginagamit 'ko.

"Anak, why are you using birth control pills?" Naluluha na si Mommy sa harap 'ko.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon