Chapter 47.

9.8K 274 47
                                    

CHAPTER 47.

Tinititigan 'ko si Charity habang nagddrawing siya. I asked her to send me 5 drafts on her first day. Sa unang araw niya ay 'don 'ko siya pinapwesto sa table sa gilid ng opisina 'ko.

Napansin 'kong nagskip siya ng lunch. 1:30 na ng hapon at hindi parin tumatayo si Charity sa kinauupuan niya. Tumayo ako at naglalakad patungo sakanya. She already finished 2 drafts and currently starting on her third.

"You eat first," I commanded.

Sinulyapan niya ako, "My internal organs are damaged. I don't feel any hunger." She smiled.

Napataas ang kilay 'ko. Damaged because naoverdose ka noon kakainom mo ng medisina. Gotcha, Olivia. Magdedeny pa, eh.

"Damaged? Because of?"

"Secret."

Hindi niya na ako pinansin ulit. I asked Eleanor to get this Charity girl a meal. Maya maya dumating si Eleanor at kinausap si Charity.

"Galing kanino? Kay Edward ba?" Edward who? Yung manliligaw niya?

"No, from Anton." Eleanor glanced at me.

Sinulyapan ako ni Olivia at umirap, "Fine. Pakilapag nalang d'yan."

Nilapitan ko ulit si Charity pagalis ni Eleanor. She's down on her 3rd draft. Ang bilis kumilos ng isang 'to. I do not remember Olivia having the interest in drawing, painting or something to do with arts.

"Alright. I'll get the first three drafts. Biro 'ko lang yung lima." Sabi 'ko.

Dinabog niya yung kamay niya at tinignan ako ng masama. Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinampas niya ako ng marahan sa dibdib."I hate you! Inistress mo 'ko to think that lima ang gagawin 'ko e tatlo lang naman pala ang kukunin mo—"

"*tsup*"

Ngumiti ako nang mahalikan ang labi niya. Napatakip siya sa bibig niya habang nanlalaki ang mga mata niya.

"Daldal mo kasi, eh." I pouted.

Gigil niyang pinaghahampas ang dibdib 'ko, "Manyak! Manyak! You pervert asshole! Aaahck! Nakakainis ka talaga! Grr!" Sinamaan niya ako ng tingin at umupo sa table niya. Naka cross arms at masama ang titig sakin. Reminds me of my Olivia's reaction when she wants to cuddle. Fuck.

"Smack lang 'yon. Nung tayo pa, hindi lang 'yan ang ginagawa natin." I winked at her.

Nakita 'ko ang pamumula ng pisngi niya at napanganga pa. "Kayo ni Olivia 'yon! Hindi tayo!"

"Yeah right." I rolled my eyes. "Kumain kana."

"No thanks. I can provide my own meal." Taas kilay na sabi niya habang nililigpit ang bag niya.

"Kakain ka o hahalikan kita? Pili."

Padarag niyang nilapag ang bag niya at sinamaan ako ng tingin. Nagsimula na siyang kumain habang titig na titig ako sakanya. Maya't maya siya sumusulyap sakin pero agad ding nagiiwas kapag nakita niyang nakatitig ako.

"Green tea?" I asked. Noon kasi kapag busog kami ni Olivia, palagi kaming iinom ng green tea after kumain.

"No, thanks." Kumuha siya ng gamot sa bag niya at ininom ito.

"Para saan 'yong gamot mo?"

"Maintenance medicine."

Tumaas ang kilay 'ko, "Maintenance? Napano ka ba?"

"Nadisgrasya ako. Haler?" She said in a duh tone.

"Are you sure na maintenance medicine mo 'yan?"

She shrugged, "Don't know. Pinapainom lang ni Mommy 'to sakin. Anyway, I started drinking this since I was 18. So maybe yeah?"

Nagkaroon ako ng kutob. I have this strong feeling na hindi maintenance ang pinapainom nila kay Charity. Fuck. Kailangan 'ko 'to matuklasan agad.

Petiks si Charity sa loob ng tatlong oras. Naglalaro lang siya ng poker sa kanyang desktop dahil wala na siyang gagawin. I badly want to chat with her pero ang dami 'ko pang gagawin.

"Charity! Come here!" Nilingon niya ako at agad na tumayo. "Paki compile nga nito alphabetically."

Napatingin ako sakanya at nakatitig siya mga picture frames na nasa gilid ng table 'ko. Mga litrato iyon ni Olivia at litrato namin.

"Nakita mo ba si Olivia sa personal?" I asked. Umiling siya habang andon padin ang titig sa pictures.

"S-she looks exactly like me." Napahawak siya sa mukha niya habang titig na titig sa picture ni Olivia.

"Yeah. Sobra." I sighed.

She bit her lip at umupo na sa tabi 'ko. Tahimik lang siya habang nagco-compile ng mga papeles. Bigla siyang humirit ng tanong kaya may napagusapan kami.

"Ilang years kayo?" She asked.

"We know each other since 1st grade. 3rd year highscool nagsimula ang lahat. Our first love making, i tried to court her pero.. Rejected." Natawa ako nang maalala si Olivia noon.

"Bakit ka niya nireject?"

"Hindi siya handa masaktan ulit. Naglalaslas 'yun since bata pa kami. Nung namatay 'yung ama na kinilala niya, nagsuicide siya to escape the pain. Imagine. 8 years old palang siya 'non." Napailing ako. Muling nadudurog yung puso 'ko nang maisip si Olivia na umiiyak.

"Kailan naging kayo? Ilang months?"

"4th year highschool. We've been together for only 2 months.. Nakipagbreak kasi ako."

Naikwento ko kay Charity ang nangyari 7 years ago. Nakikinig lang siya at tumatango-tango sa mga sinasabi 'ko. She rolled her long sleeves up hanggang  sa elbow niya. Her cuts are disturbing. Sobrang daming tahi sa kamay niya. Nag bun din siya ng buhok kaya kitang kita 'ko ang parang namamaga niyang liig.

"Ikaw, magkwento ka naman." sabi 'ko habang nakatitig sa liig niya.

"Anong ikekwento ko?"

"Ikaw. Kung anong pwede mo ikwento."

Nagkwento siya na hobby niya magpaint. What? Never did Olivia liked painting. Tss. Naikwento niya din na mahilig siyang magskateboard. Olivia does not do it, too.

"You mentioned earlier na damaged ang internal organs mo, right? What happened?"

Nagbelat siya, "Personal iyon. Osha, 5:00 na. Uwian na."

Pinasa niya sakin ang mga nacompile niya at niligpit ang mga gamit niya. I offered her a ride pero she insisted. Susunduin daw siya ng Edward niya.

"Charity!" Nilingon niya ako bago sumakay ng elevator.

I immediately pressed my lips into her. Hindi lang iyon smack kaya for sure gulat na gulat siya.

"See you tomorrow." Kumindat ako habang siya ay namumula at nanlalaki padin ang mga mata.

Patikim pa lang 'yan, Charity. Sisiguraduhin 'kong mapapaamin din kita.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon