Chapter 42.

10.2K 342 155
                                    

CHAPTER 42.

Pagkagising ko ay wala na sa tabi 'ko si Anton. Napairap ako sa kawalan at bumangon. Sunday ngayon and supposedly, andito siya. Kasi wala siyang pasok. But I don't know where he is. Bahala siya!

Niyaya ako ni Gino mag-date at um-oo naman ako. I don't care kung may makakita man sa amin. Ang gagong Anton na iyon, halatang halata na nambababae.

Sinundo ako ni Gino and it shocked me dahil wala pala siyang kotse. Naglunch kami sa mall at nanuod ng movie. After manuod ay nagikot-ikot kami sa mall. Nagshopping kami pero treat niya kaya pumayag nalang ako.

Habang naglalakad ay napadaan kami sa pharmacy kasi may bibilhin siya kaya sinuyod ko ang buong pharmacy at nagtingin-tingin muna.

"Anton, ito ba iyon?"

Napatingin ako sa babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Anton. May face mask. Naka-akap ang babae sa bewang ni Anton at naka-akbay naman si Anton sa kanya. Tumalikod ako at mabilis na umalis.

Confirmed. He is cheating on me! Kahit mag face mask pa siya ay kabisado ko ang bawat detalye sa kanya. Atleast ngayon may rason na ako para magbreak kami.

Nakauwi ako ng condo. Makalipas ang isang oras ay nakauwi nadin siya. Tanggal na ang face mask niya.

"Kamusta ang araw mo?" Malambing na bungad 'ko.

He cough, "Ayos lang naman. Ikaw?"

"Okay lang din." Sabi 'ko.

Pinagmamasdan 'ko ang kilos ni Anton. Ang laki ng pinayat niya and he looks pale. Naghubad siya ng tshirt at napatitig ako sa likuran niya. There are hickeys. Sinasabi ko na nga. Fuck.

"Wow. Ang rami mong hickeys ah? Your girl must be really good in bed." Sarcastic na sabi 'ko.

"Wala akong babae, Olivia." Kalmadong sabi niya.

"Sige. Sabi mo, 'eh. Hindi naman halata na wala."

"Think what you want to think. Basta ako, malinis konsensya 'ko. Hindi ako nambababae. I am not CHEATING on you." Aniya at hinarap ako. "Sana ikaw din." Atsaka nahiga sa kama.

Napairap ako sa kawalan at dinedma ang sinabi niya. Ang kapal ng mukhang magdeny! Eh huling huli na nga sa akto!

Naalimpungatan ako nang may marinig na ingay. Nagising ako at wala si Anton sa sa tabi 'ko at maliwanag sa CR. Napatayo ako at dinaluhan siya sa banyo.

"Anton?" The door is locked. I can hear Anton coughing so hard inside.

"Tumatae ako!" Aniya.

Hinintay ko siyang lumabas. Napatitig ako sakanya dahil nagiiba yung kilos niya. Something's wrong.

"Anton may sakit ka ba?" Tanong ko habang sinusundan siya sa kwarto.

"Wala."

"Seriously! May sakit ka ba? Yung totoo?"

"Oo, meron." Nilingon niya ako. "Masakit yung puso 'ko. Parang dinudurog ng pinong pino. May gamot ba? May magagawa ka ba para mawala 'to?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang kapal din naman ng mukha niyang sabihin sakin iyon gayong siya nga ang harap-harapan na nanloloko saming dalawa?

Maybe he knows about Gino and I? Dapat lang. Sana alam niya na. Napapagod na talaga ako sa relasyon namin.

Kinaumagahan ay, as usual wala na naman siya pag gising 'ko. Pero nagulat ako nang makita ang isang boquet ng flowers, chocolates, letter, paperbag at isang puting envelope. Napakamot ako sa ulo 'ko at binasa ang letter.

Pinakamamahal kong Via,

Sumweldo na ako mahal ko :) ito treat ko sayo para naman kiligin ka sakin ulit. Para mahalin mo ako ulit. Kaso baka hindi ito magwork, eh? :( Sorry kung wala akong time sa'yo. Gusto ko lang sabihin na may naipon na ako na 300 thousand sa bangko natin. Nasa loob ng envelope yung atm card :) I love you, Olivia! Sabi ko naman sayo gagawin ko ang lahat para maging successful tayo :)

- Anton.

Binuksan 'ko ang envelope. Napanganga ako dahil may nakasilid na credit card at atm card doon. I bit my lip para pigilan ang mga luha 'ko. Shit, Anton. Shit. Parang minumulto na agad ako ng konsensya 'ko.

I opened the paper bag, may note ito kaya binasa 'ko.

Love, wear this. I'll pick you up at 6pm. I love you so much! -A

Tinignan 'ko ang mint green na dress. It fits me perfectly. Napahagulgol ako nang walang dahilan. Bigla akong nanlumo. Napaka gago 'ko. I cheated on him. I intentionally caused him pain!

Aamin ako kay Anton. Magsisimula kami ulit. I promise him that.

I texted Gino na wag ng pumunta sa condo dahil may lakad ako. Um-oo naman siya kaya maaga akong nagayos at hinanda ang sasabihin 'ko kay Anton.

Saktong 5:30pm ay ready na ako. Ang tanga 'ko talaga dahil nagbalak akong makipaghiwalay sakanya. What was I thinking?

Nang mag 6:00 ay naghintay ako sa pagdating niya. Umabot ng alas otso at wala padin siya. Halos mapudpod na tong kuko ko kaka-dial ng cellphone niya pero nagriring lamang.

I was about to take off my clothes ng mag ring ang cellphone 'ko. It's Anton.

"HEL—"

"Is this Olivia?" Boses babae. Shit. Sino 'to?

"Sino ka?" I asked.

Hindi niya pinansin ang sinabi 'ko, "Nasa chong hua hospital kami. Please be here now!"

Pagtapos nun ay binabaan ako ng tawag. Maybe pakulo lang ito ni Anton? Or something really happened?

Nagmadali akong pumara ng taxi at dumiretso sa chong hua hospital. Abot abot ang kaba 'ko dahil sa tanang pagsasama namin ni Anton, never pa siyang nahospital. Ngayon lang.

Hindi 'ko alam kung pakulo lang ito or may nangyari talaga. I'm silently hoping na pakulo niya lang ito.

Lord please, please, i hope it's not yet too late na ayusin ko lahat ng nagulo samin. Please, Lord.

Sana hindi pa huli.... Ang pagsisisi ko.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon