CHAPTER 11.
Naenjoy ko padin ang falls kahit napaiyak ako kanina dahil sa takot at kaba. Nakakainis talaga si Anton! Alam na alam ang weaknesses ko! But atleast, he's sorry for what he did.
"Waaah!" Napatili ako ng buhatin ako ni Anton mula sa bewang 'ko. Tawa lang ako ng tawa dahil sa sobrang kulit niya.
"Uy, Kuya Anton.. Paturo naman pong lumangoy!" Humagikgik ang pinsan 'kong si Ariel, grade 6 palang pero marunong ng kiligin. Aba!
"Naku, Ariel pa man din ang pangalan mo pero hindi ka marunong lumangoy?" Humalakhak si Anton at ginulo ang buhok ni Ariel. "Osha, ganito..."
Nakaupo lang ako sa bato habang pinapanuod na paligiran ng mga pinsan 'ko si Anton. Nakakatuwa dahil ang cute nila ni Ariel. Pag kaya naging Tatay na si Anton, ganyan din kay ang gagawin niya sa anak niya?
Ugh Olivia. Bakit mo naman iyon naisip?
"Kain muna tayo!" Pagtawag ni Kuya Oliver.
Tumayo ako at naunang lumapit. Nakahanda na ang aming boodle fight. Gosh! Sarap ng ganitong buhay! Buhay probinsya!
"Via, marunong ka ng magkamay?" Tanong ni kuya Ranvier, ang lalaki kong pinsan.
"Yes kuya Vier. Haha! Natuto na din ako." Nung huling bisita kasi namin dito, grade 6 palang ako that time at hindi ako marunong kumain nang nagkakamay.
Tumabi siya sa akin at nagkwentuhan pa kami. Ang gwapo ni Kuya Vier, it runs in our blood talaga. Dugong Esperanza. Sana ay mabisita namin muli ang angkan ng mga Paredes. I miss them.
"E-ehem ehem ehem..." Sumingit sa pagitan namin ni kuya Vier si Anton. Parang walang nangyari ay nakipaghigh five siya kay Kuya Vier at ngumiti sa akin.
I rolled my eyes and secretly smiled. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko ang pagiging seloso niya. I love it.
Pagtapos kumain ay sabay sabay na kaming naligo. Yung iba, katulad ni Kuya Oliver, Ate Olive, Anton at Kuya Ranvier ay tumalon mula sa tuktok ng falls. Mga tangina. Lalakas ng loob!
"May knock knock ako... Knock knock!" Ani Anton.
"Who's there?"
"Hit and run."
"Hit and run who?"
Tumayo siya at sinayaw yung steps ng hit the quan, "Please watch your step coz I'm feelin myself! Nananabafgdjskaldjka! Hit and run! Hit and run! Hit and run! Hit and run!"
Maluha-luha ako sa kakatawa dahil sa sayaw niya. Oh my god! Ang cute niya pero mukha siyang eng eng! Naluha ako at napahawak sa tyan ko dahil sa sobrang tawa.
This is the tears and pain I deserve, my tears falling and my stomach aching because of laughter. The best feeling ever!
"Happy siya oh?" Asar niya habang pinapanuod akong tumawa. Hinahampas-hampas ko ang braso niya habang hindi na ako makahinga.
"Tae... Laughtrip ka..." Hinihingal 'kong saad.
"Ayan... Nabawi 'ko na yung iyak mo dahil sa kaba. Ngayon umiyak ka kasi sa sobrang tawa. Sorry na talaga ah?"
Napangiti ako. "Kaya love na love kita eh.." Pinisil 'ko ang napaka gifted at tangos na ilong niya.
"Yiee love you too!" He kissed my lips ng mabilisan at tumakbo palayo.
"Hoy! Puñemas ka!" Hinabol 'ko siya pero hindi naging madali sakin para mahuli siya dahil sa tubig kami naghabulan.
-
"Basta Ate at Kuya, pumunta kayo ng Manila ha?" Naluluha 'kong sabi sakanila. Sunday ngayon at babalik na kami sa Manila dahil may pasok pa bukas. Ayaw ko pa sana umuwi pero kailangan.
"Hush.. Don't cry baby girl! Uuwi kami ni Olive 'don."
Niyakap ako ni Ate't Kuya atsaka kami umalis. Tulog sina Mama at Anton sa byahe, nakasandal pa sa dibdib 'ko ang mokong.
Iyakin ako, sobra at mabilis akong masaktan. Hindi ako madalas masaktan dahil para sa akin ay kontento na ako sa buhay 'ko. Hindi man perpekto, pero atleast ay nasa akin ang mga pangangailangan at gusto 'ko.
Kapag nasaktan ako ng sobra... Hindi 'ko alam 'kung anong pwede 'kong gawin sa sarili 'ko.
When my father died, 10 palang ako non and I committed suicide. It's true. Nagbigti ako and Thank God ay natagpuan agad ako sa CR ng maid namin, mahina na ang pulso 'ko that time. Dinaan ako sa madaming test, I was investigated by a police dahil baka hindi ako ang may gawa 'non sa sarili 'ko. I was also interviewed by a psychiatrist and psychologist. Madaming counselling ang pinagdaanan 'ko. Anti depressant medicines were my breakfast, lunch and dinner. Ako daw kasi ang pinaka-bata na nagcommit ng suicide. Well, atleast I'm fine now.
Kaya ayoko masaktan ulit... Because I know sa sarili 'ko, kapag nangyari 'yon, I'll lose my sanity and might harm myself.... Again.
"Uy, okay ka lang?" Nagising si Anton at niyakap ako ng mahigpit.
Pinahid 'ko ang luha 'ko, "Namimiss 'ko lang ang mga kapatid 'ko... And naalala 'ko si Papa."
"Via please don't stress yourself. Alam mong iba ang nagagawa ng depression sa'yo." Isa si Anton sa nakasaksi ng pagiging suicidal 'ko.
Anton is a part of me. I swear. Kung wala siya, I'm incomplete. He's glued to my soul. Siya lang nakakakakilala sa akin, yung tunay na ako. Not even my mother, my sister or my brother. But Anton. He's my other half.
"Anton..." I sighed.
"Hmm?"
"'Wag mo akong iiwanan ha? Promise me. Kahit maghiwalay ang landas natin.. Or kunwari grumaduate tayo, magkatrabaho at magkaasawa... Dyan ka lang sa tabi 'ko ah?"
He chuckled, "Talang hindi. Kasi sisiguraduhin 'ko na sa akin ka ikakasal. Walang iwanan, Olivia. Kasi ako, sigurado na ako sa'yo kahit bata pa tayo."
Napangiti ako at tinignan siya, "Bakit ako? I mean.. Duh? You know all my flaws. You've seen the worst in me. You've seen my most negative side. Bakit ako Anton? Sa totoo lang.. Di kita deserve. Not even as bestfriends. Maging asawa pa kaya?"
"Olivia for me you're flawless. Literal, pati sa katawan at kutis." Kinurot 'ko ang pisngi niya. Walanghiya, talagang may segway siya sa kamanyakan niya.
"Talagang may segway 'yang kamanyakan mo noh?" I chuckled.
"At kung hindi man kita deserve, edi hindi. Paki ko? Eh ikaw gusto 'ko eh paki ko ba sa sasabihin nila..." Siniksik niya ang sarili niya sa akin at niyakap ako ng mas mahigpit. "Basta Via.. Kahit bumitiw ka, kahit mapagod ako, kahit maubos ako... Ikaw padin. Promise 'ko 'yan."
"Thank you Anton.. Sobrang swerte 'ko talaga sa'yo." And I don't know why, my tears were falling uncontrollably.
Ang sarap sa pakiramdam na may taong tanggap ka. Tanggap yung flaws at imperfections mo. Tanggap ka ng buong buo.
"Bakit umiiyak ka na naman?" He asked at siya na ang nagpahid ng luha 'ko.
"Wala... Mahal na mahal lang talaga kita at hindi 'ko alam kung ano mangyayari sa akin kung wala ka.." Never ako nagdrama ng ganito. Pero ngayon, naguumapaw yung emosyon ko para kay Anton.
"'Wag kang bumanat d'yan Olivia, bubuntisin na talaga kita para siguro ng wala kang kawala sa akin."
Natawa ako at mahina siyang sinapak, "Baka marinig ka ni Mommy—"
"Nako mas okay nga iyon!"
I rolled my eyes at niyakap nalang siya ng mahigpit. Papa God, maraming maraming salamat at ipinagkaloob niyo po sa akin ang isang Tristan Antonio Blackwell.
____________________________________
SILENT READERS :-(
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes