CHAPTER 32.
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Anton. Siyempre, sari't sari na naman ang chismis na break na daw kami, nagkakamalabuan, away bati and the likes. Pero oks lang. Masaya padin ang buhay.
"Paano 'yan? Next week na ang lakan at mutya! Coleen's still absent.." Anang president namin.
No one knows about Coleen's condition. No one knows about her disease. Kami lang ni Anton.
"Palitan nalang. Ikaw nalang, Via." Anang isa kong kaklase.
"No... Not Via." Pagpigil ng president namin. "Kasi, may sasalihan ka pa. Eh kapag naging representative ka na, bawal na maulit." Anong sasalihan ko? "And besides.. Magpeperform ang cheerleading that day. Right, Via?"
"Anong sasalihan ng girlfriend ko? Bakit hindi ko alam?" Unang sumabat si Anton at umakbay sa akin habang may lollipop sa kanyang bibig.
"Just trust me.. Okay?" Kumindat si President sa akin. "Anyone who could contact Coleen if she's gonna make it to the pageant?"
"By... 'Kaw nalang." Bulong ko kay Anton.
"Huh? Ayoko. Baka magaway na naman tayo—"
"Shungaks. Hindi..." I chuckled. "Kami nalang ni Anton. Tutal.. Designer ako sa costumes nila."
"Uy! Sama kami dyan!" Sabat nina Sasha, Carmela at Zara. Tumango lamang ako.
"Sige, i need the final decision tomorrow."
Nag bigay lang ng pointers to review ang mga teachers namin kasi after ng Lakan at mutya contest ay 1st quarter exams na. Ang bilis.
"By, anong balak mo sa debut mo?"
"Next year pa 'yon, By." Natawa ako. Masyadong excited ang boyfriend 'ko.
"Curious lang ako.. Ako escort mo ah?"
"Baliw. May iba pa ba?"
He just pouted at nakinig na sa aming guro. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang mga staffs kaya wala ding training.
"Via, tambay naman tayo sa amin! Jusko halos isang buwan ka na naming hindi nakakasama.." Pagdadrama ni Sasha.
Nagkatinginan kami ni Anton, "Nagdadrama din sila David sa akin. Magdodota raw kami. Sige na 'by, text text nalang. I love you. Magreply, ah?" Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
"Yes. Ingat! I love you too.."
Nagpatinaod ako kina Sasha na sobrang excited na makasama ako. Kotse ni Zara ang gamit namin ngayon kaya dumiretso muna kami sa favorite naming mall... Sa crown.
Nagpa-manicure, pedicure, nagpa-haircut (sila lang) thread ng kilay, wax ng underarms, nagpa body spa and massage at namili ng bagong damit sa f21, topshop at hm.
Namiss ko din ang mga barkada 'ko. Magmula nung naging kami kasi ni Anton (well, di pa kami umaabot ng isang buwan) ay hindi ko na sila mashado nakakasama. I mean, sa school yes nagkakasama kami. Pero sa galaan and everything, hindi na.
I suddenly remembered our first monthsary... Malapit na!
"OMG! Malapit na pala ang monthsary namin ni Anton! Ano pwedeng iregalo?" Naeexcite 'kong tanong.
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes