CHAPTER 31.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ko alam kung paano ako dapat sumagot.
Hindi.... Hindi ko ipamimigay si Anton. Tanga ba siya? Ikamamatay ko nga na mawala sakin si Anton tas ipapaubaya ko pa? Magkamatayan na pero hindi ako papayag.
"Hindi bagay si Anton na ipinapaubaya lang. Mahal ko siya at mahal niya ako. Hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang iyon kesa naman masaktan ka ng ganyan?" Naiiyak ako. I felt attacked. Yun lang yung sinabi niya pero pakiramdam ko sobrang naabused ako.
I can't lose him.
"Hindi.." Umiling-iling siya. "Hindi ka niya mahal Via."
"Mahal niya ako!" Natatakot ako sa di malamang dahilan. I'm certain that Anton loves me... Right?
"Kung mahal ka niya, bakit mas inuuna niya ako kaysa sayo? Bakit sobra siya magalala sa akin kaysa sayo? Bakit parang tatay ko siya kung pangaralan niya ako kung ano oras ko iinumin ang mga gamot ko at maya't maya niya ako kinakamusta sa text or paminsan tinatawagan niya pa ako? Via alam natin pareho na mas priority ako ni Anton.. Pakawalan mo na siya. Don't be selfish!"
Hindi ako nakapgsalita agad. Tagos na tagos 'yung sinasabi ni Coleen. Nung magbestfriends kami ni Anton, maya't maya ang pagtetext at tawag niya. Kung paano ako itrato ni Anton noon, ganoon niya itrato si Coleen ngayon.
Nung kami na, bihira nalang ako makatanggap ng text mula sa kanya na kinakamusta niya ako. Pero kay Coleen wala siyang mintis sa pagtetext!
Onti onti na akong naniniwala... Na.. Baka hindi na ako mahal ni Anton. Siguro katawan lang talaga ang gusto niya sa akin. Na sawa na siya sa akin kaya naghahanap na siya ng iba. Na hindi naman talaga niya ako minahal tulad ng inaakala 'ko.
"H-hindi totoo 'yan..."
"Kahit ipakita ko pa sa'yo 'tong cellphone 'ko.. Tignan mo ang oras ng tawagan at text namin." Nilahad niya ang cellphone niya pero hindi ko tinanggap.
Ayoko. Ayokong masaktan kahit iyon ang totoo. Face the reality Olivia.
HINDI KA NA MAHAL NI ANTON. NAGSASAWA NA SIYA SAYO.
"Alam kong hindi niya na ako mahal pero wala akong pakealam! Selfish na kung selfish pero mahal ko siya! Hindi ako mabubuhay ng wala siya!"
"My god! Alam mo na palang ayaw niya na sayo bakit mo pa pinagsisiksikan ang sarili mo?"
"Kasi..." Hindi ko din alam kung bakit ko pa pinagsisikan ang sarili ko kay Anton. Tapos na kami sa problema na 'to pero nung nalaman ko na yung sobrang pagka-concern niya kay Coleen, nagiba yung pakiramdam ko. Nanghina ako.
"Via.. Please.."
"Hindi Coleen.. Akin siya. Ipaglalaban ko siya kasi ako yung una niyang minahal. May sakit ka lang talaga kaya siya concern. Don't think too much na mahal ka niya. Wag kang assuming!"
Umalis agad ako doon at napaupo sa upuan. Pagod na ako umiyak. Pagod na ako masaktan! Do I deserve this? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mag mahal at ibigay ang lahat ng meron sa akin ah! Karma ko ba ito kasi ilang beses ko nireject noon? Kasalanan ko ba na takot ako magmahal? Kasalanan ko ba na takot ako masaktan? Kasi pag nasaktan ako, hindi ko kinakaya yung sakit.
Ganun ba 'yon? Makakarma ako kahit duwag ako? Hindi ko alam. Hindi ko na alam.
Dumating na yung kinatatakutan 'ko. Yung magmamahal ako ng sobra, yung ibibigay ko ang lahat sa isang lalaki pero sasaktan niya lang ako. Dapat hindi nalang ako sumugal! Putangina!
"Olivia.. Anong nangyari?" Dinaluhan ako ni Anton.
"Anton bakit ka ganyan?" Umiiyak na ako sa harap niya and I'm making a scene pero wala akong pakealam!
"Anong bakit ako ganito?"
"Diba dati ako lang ang mahal mo? Diba noon ako lang? Noon ako lang yung finaflood mo ng text at tawag? Yung tipong mababadtrip kapa pag hindi ako nagreply. Noon kampante ako na Ako lang at walang iba.." Nanikip yung dibdib ko and I had a hard time to catch my breathe. "Bakit ngayon may Coleen na? Bakit ginagawa mo sakanya 'yon? Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Sasabihin ko naman—"
"Hindi! Sinasabi mo lang 'yan kasi nalaman ko na! All this time akala ko ako lang.. Tangina! Anong nagawa ko? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"
"Olivia listen..." Lumuhod siya sa harap ko habang nakaupo ako sa upuan. "Yung mga paguusap namin ni Coleen, wala yun. Oo, concern ako sakanya pero hindi kailanman nagbago yung pakiramdam 'ko sa'yo—"
"Hindi nagbago? Seryoso ka ba? Pero bakit pinaparamdam mo sa akin na sawa ka na?"
"Fuck. Never akong nagsawa sayo Olivia! Ku—"
"Anton ang sakit sakit ng ginagawa mo sa akin. Sana pala hindi nalang kita minahal! Sana hindi nalang kita sinagot! Sana hindi nalang naging tayo! Kasi mas ramdam kita noong bestfriends lang tayo! Pero ngayon... Wala. Nagsawa ka na ng tuluyan."
"Olivia please... Pagusapan natin 'to. Maaayos pa natin ito.."
Umiyak lang ako ng umiyak habang sorry ng sorry sa akin si Anton. Papatawarin ko naman siya eh.. Kahit anong mangyari. Kailangan ko lang huminga kaunti kasi pakiramdam ko toxic na ako.
Kahit siguro ilang beses akong saktan or lokohin or gaguhin ni Anton ay papatawarin ko parin siya. Kasi nga! Hindi ako mabubuhay ng wala siya!
"Anton iuwi mo na ako.."
"Saamin ka muna. Tara."
Tumango nalang ako. Hanggang sa kotse ay nilalambing-lambing niya ako, ngumingiti lang ako. Alam ko namang he's really sorry for what he did. Kailangan ko lang muna ng time. It's not so easy to forgive him but I will.
Pagdating namin sakanila ay nakabihis ang lahat.
"San kayo punta, Ma?"
"Sa city of dreams, anak. Sama ba kayo?" Nagbeso kami ni Mama Karla.
"Uhh. Hindi na, Ma. Madami po kami assignment." Tumango lang si Mama at ngumiti sa akin. Nahalata niya siguro na may pinagaawayan kami ni Anton kaya hindi niya na kami ginisa ng tanong.
"Babalik ka ba sa hospital?" Mahinang tanong 'ko.
"Hindi na muna.." Tumabi siya sa akin at niyakap ako. "By..."
"Oh?" Walang gana 'kong sagot.
"Susukuan mo na ba ako?" The sadness on his voice is evident.
I sighed, "Napapagod na ako. Sobrang pagod na ako. Pero hindi ko parin kayang iwan ka."
Mas lalong humigpit ang yakap niya, "Babawi ako by... Kung ano tayo noon, mangyayari ulit yun noon. Okay?"
"Mmm mmm.."
"Halika nga dito.. Napaka iyakin naman ng reyna 'ko, eh.."
Pinahid niya ang luha 'ko. Pinagpalit niya din ako ng kanyang tshirt at pinagluto ng midnight snack.
Nakahiga lang kami sa kama niya buong magdamag. I really missed cuddling with him. Sana hindi na matapos ang araw na ito.
"Alam mo ba... Sinabi ni Coleen sa akin na ipaubaya na lang daw kita sakanya?" Hindi ko napigilang hindi masabi sakanya.
Sumimangot siya, "Baliw ba siya?"
Napatawa ako ng kaunti, "Assuming 'yon. Concerned ka lang naman diba? Ako padin naman ang mahal mo?"
Pinaharap niya ako sakanya at hinalikan ang noo, mga mata, magkabilang pisngi, ilong at ang labi 'ko, "Kahit ilang beses pa tayo magaway, Ikaw padin ang mahal 'ko, Olivia. Sana hindi mo na ulit pagdudahan ang feelings 'ko."
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes