CHAPTER 38.
Maagang natapos ang proctor 'ko. From 8am until 5pm ay puro aral lang ang ginagawa namin. Malamang.
Nag online ako sa facebook. Tadtad ako ng messages at madaming nagpopost sa wall 'ko. Some even posted RIP Via. What the hell? Kaya naman nag status ako.
Maria Anna Olivia Paredes: Perfectly fine. Wag niyo na ako hanapin — feeling happy :D
Nagoffline na ako pagtapos. I sighed heavily... Kamusta kaya ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? Are they really worried of me? Syempre naman.
That night ay 7pm na nakarating si Anton. Pinagluto ko siya at pagtapos nun ay nireview niya na din yung mga module at hand outs.
"By... Di ka ba pagod?" Lumuhod ako sa kama at minasahe ang likod niya. It's almost 12 am pero nagaaral padin siya.
He sighed, "Nakakapagod, baby. Sobrang dami kong tinype ngayong araw. And I have decided.. BS Enterpreneurship na ang kukunin kong course sa kolehiyo para makapag-manage ako ng negosyo. Yayaman ka sa akin." He smiled at piningot ang ilong 'ko.
"Paano ka naman nakakasigurado na yayaman tayo dyan?" I joked. Whatever program he'll take, I'm sure magiging successful siya.
"Si Kuya Prime, BS Enterpreneurship. Tignan mo, now he's already one of the billionaires in our country." Pagmamalaki niya. "Kung hindi lang adik sa casino si Kuya Hades, siguro he's also a billionaire now."
"Billionaire siya dahil Presidente ng Pilipinas ang ama niya." I said. Referring to Kuya Prime.
"Wala silang nakukuhang sustento from Tito. Ganon lang talaga kapag maprinsipyo at may inspirasyon ang lalaki. Makakamit niya lahat ng pangarap niya. Look at him, lives in a mansion, owns alot of cars, successful business and mayroon siyang Charlemagne na malapit na manganak. He's probably happy now. Ganon din tayo sa future, I assure you. I have alot of goals."
Napangiti lang ako sa sinabi niya. Anton has really alot of goals in his mind.
"Sige nga. What are your goals?" I asked.
"Gusto ko una, maging basketball player at the same time, makagraduate sa gusto kong program. I want to balance my sports and work. Pangalawa, papakasalan kita and as much as possible, gusto ko mabuntis ka ng mabuntis." Napatawa ako sa sinabi niya. Manyak as ever. "Pangatlo, maglalaan ako ng 50 million at gagastusin lang natin iyon sa pagtravel natin. Lilibutin natin ang buong mundo, Via. Kasi alam 'kong iyon ang pangarap mo. At ang huli ay, maging stable na ang buhay natin. Ipapagawa natin ang dream house mo. Papalakihin natin ng maayos ang mga anak natin at magsasama tayo hanggang tumanda." Nakangiti siya the whole time na sinasabi niya iyon. "Ikaw? Anong pangarap mo?"
Nagpahid ako ng luha at ngumiti. Ang lambot lambot talaga ng puso 'ko at ang babaw ng luha ko kapag si Anton na.
"Una, makatapos ng pagaaral. Pangalawa, ikutin ang buong mundo. Pangatlo, ang pakasalan ka. Pangapat, makabuo tayo ng sarili nating pamilya. At ang huli ay, pangarap kong hindi tayo makahawak ng annulment paper."
"I'll make all your dreams a reality. I assure you that, Olivia." He kissed my hair at sabay na kaming natulog.
Mahimbing ang tulog ng boyfriend 'ko pero ako, hindi ako makatulog. Syempre! Kinikilig ako, eh! Hindi na ako makapaghintay na maging successful kami together!
Nakayakap ako sa kanya hanggang sa pag gising namin. Nagmadali siyang maligo, aniya'y late daw ng 20 minutes yung gising and he's going to be late.
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Fiksi RemajaAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes