CHAPTER 36.
Anton flooded me with texts and calls pero wala akong gana makipagusap. Nawalan ako ng gana sa lahat. Parang gusto ko na nga makipag break eh. If that what it takes for me to be peaceful.
May pasok ngayon. Lunch na ako papasok para naman may maabutan pa ako at para makapag training din. Wala na akong kawala. Tinototoo na ni Kuya ang pag tira namin sa Dubai. Si ate Olive ay naghahanap na ng buyer nitong bahay namin.
Pumasok ako at agad akong kinamusta ng mg bangaw 'kong kaibigan. They even asked if i brought a sand from Palawan. What the hell? Mga baliw talaga.
"Hindi mo man lang ba hahanapin boyfriend mo?" Segway ni Sasha.
"Actually gusto ko na makipabreak." Pag-amin 'ko. Nagsisi ako bigla. Sana pala hindi nalang naging kami ni Anton. Kasi mas mabuti ang mga nangyayari nung bestfriends lang kami.
"ANO?" Sabay sabay na angal nila. Umiling lang ako.
I don't even know where he is. Wala din si Coleen sa classroom so maybe they're together. Kanina pa ako tinetext ni Anton pero wala talaga ako sa mood kausapin siya.
Nang maguwian ay masayang dumating si Coleen sa training namin. Hindi ko siya pinansin at kumuha ako ng sarili 'kong mat.
"Hi Via! Musta?" Pagbati niya ngunit nagbingi-bingihan ako. Plastic! Sunugin kita d'yan, eh!
"Olivia," napalingon ako sa seryosong tumawag ng pangalan 'ko. It's him.
Hinila niya ang braso 'ko palabas sa gymnasium. Dumiretso kami sa locker room. Umalis lahat ng babae 'don and he locked the door.
"Nasasaktan ako! Ano ba!" Marahas 'kong inalis ang kamay niya.
"Kahapon pa ako ng text ng text at tawag ng tawag. Bakit ni hindi ka man lang narereply o sumasagot?" Mariin na tanong niya. "Nagalala ako sa'yo!"
Namiss ko ang boyfriend 'ko. Why do I have this sudden change of mood? Kanina lang gusto ko na makipagbreak pero ngayon gusto ko na siyang sunggaban dahil sa pagka-miss ko sakanya.
"I miss you, baby." Ngumiti ako at niyakap siya. He sighed at niyakap niya din ako pabalik. I felt his soft lips touched my head.
"I miss you din sobra, Via." Hinarap niya ako. "Bakit di mo ako pinapansin?"
"Wala akong load. Walang paload-an 'dun sa Palawan." I lied.
Matagal niya akong tinitigan. Ayoko ng idamay si Anton sa kung ano mang family problem ang problema 'ko ngayon. Litong lito ako at hindi matanggal sa isip 'ko yung mga rebelasyon na gusto nila ako itago. Na hindi daw ako ibabalik kung kanino man. At na hindi daw nila ako kadugo.
"May problema ka ba?" He asked. Umiling ako at ngumiti. "Ano?"
"Wala—"
"Halos 10 years na tayong ganito, ngayon ka pa ba magsisinungaling sa akin?"
I sighed, "Namiss lang talaga kita, Anton. Malapit na ang monthsary natin."
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes