Chapter 41.

10.3K 309 234
                                    

CHAPTER 41.

Awkward kami ni Gino habang tinuturuan niya ako. Walang ibang nagsasalita sa amin kundi siya na nagtuturo. Hindi mawala sa isip ko yung patagong iyak ni Anton habang nagaaral siya. Gustong gusto ko siyang komprontahin pero hindi pa ako ready.

"Gino,"

"Via,"

Nagtaasan ang balahibo ko nang sabay naming tinawag ang pangalan ng isa't isa. Hindi ko magawang tignan siya dahil baka may mangyari na namang hindi dapat mangyari.

"Ikaw muna," Sabay na saad namin ulit. I sighed at nanahimik kaya mas nauna na siyang magsalita.

"I'm sorry—"

"Gino hindi mo na kailangan mag-sorry. Ginusto natin yun kahit mali kaya may kasalanan din ako." Sabi ko nang hindi nakatingin sakanya.

"N-nalaman ba ng boyfriend mo?" He asked.

Umiling iling ako at bumuntong hininga, "Hindi niya na dapat malaman."

Pinagluto ko ulit si Gino ng lunch. Naisip ko agad kung ano ba ang kinakain ni Anton ngayon?

"Kanino ka natuto magluto?" Gino asked. I'm glad that he's doing something para mawala yung awkwardness between us.

"Kay Mommy, kay Anton.." I sighed when I mentioned his name. Kinakain na talaga ako ng konsensya 'ko.

"Kung ganon, magaling magluto ang boyfriend mo?" He smiled. My gosh, i almost melted with his smile!

"Sobra." Maikling saad 'ko at kumain narin.

Pagtapos nun ay nagaral muli kami ni Gino. Ewan ko ba pero gustong gusto ko talaga si Gino. I don't know if i'm falling out of love with Anton but I really am sure na gusto ko si Gino.

I like Gino.

"Ano kamo?" Nakita 'kong napatitig sa akin si Gino. Oh my god.. Don't tell me..?

"H-huh?" Napatakip ako sa bibig 'ko.

"You like me?" He smiled.

Feeling ko natuod ako sa kinauupuan 'ko. Did i mention it aloud?

Umiling ako at nagiwas ng tingin. Gino cupped my cheeks at pinaharap sakanya. Shit.

"Via, I need to hear that again. Please." Mahinahon na sabi niya.

Nagkakasala na ako kay Anton pero ano bang magagawa ko? I really do like Gino. Ayaw kong magkaila sa feelings 'ko.

Gino kissed me smoothly and i tightly closed my eyes.  Namiss ko yung ganitong feeling. Yung alam mong may nagmamahal sa'yo and Anton cannot show that to me anymore. He's busy with his job. Baka nga mamaya ay mas nauna pa iyong manloko.

"I love you, Olivia." He whispered. Tumango ako and leaned towards him to continue the kiss. "Paano ang boyfriend mo?"

Napadilat ang mga mata 'ko at tinitigan si Gino, "Makikipag break na ako."

"Seryoso ka ba?"

Tumango ako, "Halata namang hirap na siya sa sitwasyon namin. Tignan mo nga, wala na siyang time para sa'kin. It's the right thing to do, Gino. To end everything between us."

Hinalikan ni Gino ang noo 'ko. We watched movies pagtapos kong tapusin ang seatwork na binigay niya.

I was longing for this relaxation that Anton didn't give me. Siguro hindi na talaga worth it ang pagsasama namin. I should really end everything between us. Running away from our families must really be a foolish decision. We are still imature to even came up with that idea—Ang mag tanan.

Umuwi din pagtapos si Gino. I waited for Anton until 8pm pero wala pa siya. Usually before 7pm ay nandito na iyon, walang palya. Ngayong gabi lang.

I tried calling him pero pinapatayan ako. DAMN HIM! Sinasabi ko na nga ba't tama ang hinala 'ko! He's cheating on me!

Almost 11 oclock nang dumating siya. Nakapamewang ako na sinalubong siya.

"BAKIT NGAYON KA LANG!" Bulyaw ko sakanya.

Umubo-ubo lang siya at umupo sa kama, "Bukas mo na ako pagalitan. Pagod ako." Aniya habang nagtatanggal ng sapatos.

"Eh tangina naman! Kanina pa kita hinhintay! Mahigit apat na oras kitang hinintay tapos 'yan lang ang sasabihin mo?!"

"Uyyy. Miss mo ako, baby?" He smiled. Akmang lalapit siya sa akin pero tinulak ko siya ng malakas. Napahawak siya sa abdomen niya na parang nasaktan. "Aray naman, mahal 'ko." Nanghihinang sabi niya.

"So saan ka nga kasi galing? Bakit ngayon ka lang?" Nababadtrip ako sakanya! Nakakainis 'tong tanginang 'to!

"Nag-over time kami kasi—"

"Lintik na over time! Anton ganito nalang ba lagi? Laging trabaho nalang? Nakakalimutan mo na ba na andito ako? Siguro namnababae ka na noh!"

Napatitig siya ng matagal sakin na parang may nasabi akong mali. His jaw clenched. Nagiwas siya ng tingin at nahiga sa kama.

Nasapo ko ang noo 'ko at hinayaan nalang siya. Mabuti nga kung nagche-cheat siya. Parehas naman kami. Atleast magiging madali samin na magbreak.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon