CHAPTER 8.
I muted Anton on facebook. I turned my cellphone off. Manigas siya d'yan! Kapal ng mukhang sigaw-sigawan ako! So what kung 8 na ako umuwi at kasama ko si Carlo? Tatay ko ba siya? Tss.
Carlo Princeton:
Mas maganda ka pa sa gabi. :D
Napangiti agad ako nang magchat si Carlo. Naging mahaba muli ang usapan namin. Nang mag 12am ay napagpagdesisyunan ko ng maghalf bath at matulog na. Nang kuhain ko sa balcony ang towel ko ay laking gulat ko nang makita pa ang kotse ni Anton sa tapat ng bahay. Ang lakas ng ulan!
Sumilip ako sa ibaba at putangina... Nakasandal siya sa gate namin! Oh my god! Bakit kasi wala pa si Mommy?!
Kumaripas ako ng takbo at agad siyang pinagbuksan. Napatayo agad siya nang makita ako..
"Olivia..."
"Anton! Oh my god! Bakit nandito ka pa!?" Pinayungan 'ko siya at pinapasok sa loob ng bahay. "Basang basa ka sa ulan! Ano ka ba!"
Wala siyang ibang ginawa kundi ang umubo at suminga. Naninisay na siya sa lamig habang nakatitig sa akin.
"Baliw ka ba! Bakit hindi mo ako kinatok? Bakit hindi ka pa umuuwi? Bakit hindi ka man lang pumasok sa kotse mo? Damn it!" Hinubad ko ang uniform niya.
Gamit ang hot water ay pinaligo ko siya sa banyo 'ko. May mga damit naman siya dito kaya walang kaso.
Ginawan ko siya ng noodles at pinakain. Naawa ako sakanya. Bakit niya naisipang gawin 'yon?!
Olivia, ang gago mo!
"Okay ka na?" I asked nang matapos siyang kumain.
"Naulanan lang ako.. Di pa ako mamamatay." Mahina 'ko siyang tinampal sa braso. Ang gunggong na ito, nakuha pang magbiro.
"I'm sorry..." Sabay na bigkas namin.
"No.. Really. I'm so sorry kung ginawa ko sayo 'yon. I just... Ugh. Basta, sorry na ha?" Nagpacute ako sakanya.
"Ako dapat ang nagsosorry, Via... Hindi dapat kita sinigawan ng ganun kasi alam 'kong pinaka ayaw mo sa lahat ay pinagtataasan ka ng boses... I love you. Sorry talaga." Niyakap niya ako and rested his face on my shoulder. I patted his naked back and hugged him back.
"Sorry din... I love you, Anton. Sorry talaga. I love you so much.. Sorry sorry so—" Natigil ako sa pagsasalita nang halikan niya ako.
Binuhat niya ako at pinaupo sa kanyang lap. Namiss ko agad siya. God, Olivia! How could you be so stupid para gawin iyong ginawa mo kanina?!
"I love you, Olivia... Sobra. Halos mabaliw ako sa kakaisip sa'yo.." Aniya.
"Osha... Matulog ka na." Umalis ako sa kanlungan niya. "Maliit lang ang kama 'ko kaya sa papag nalang ako matutulog." I smiled at him. My ever so poging beastfriend!
"Baliw ka ba? At bakit naman kita papatulugin sa papag?" Hinila niya ako at pinatabi sakanya. "Sanay ako sa masikip." Banat niya.
"Ikaw kahit may sakit... Manyak pa din."
"Sa'yo lang ako ganito. Swerte mo."
"Maswerte ba talaga ako? Hmm?" Hinarap ko siya. Magkadikit na ang mga ilong namin dahil sa higpit ng yakap niya sa akin.
"Kung alam mo lang. Handa akong magpakamatay para sa'yo." He smiled. Hinalikan niya ang noo 'ko at pinasandal sa dibdib niya. "Sleep. I love you."
BINABASA MO ANG
Ang gago kong beastfriend
Teen FictionAng gago mo para magdesisyon ng permanente para sa panandaliang nararamdaman mo! Putangina! Binalewala mo ang lahat ng meron tayo! - Maria Anna Olivia Paredes