Chapter 15.

19.2K 504 86
                                    

CHAPTER 15.

Pagdating sa bahay ay tinanong agad ako ni Mommy kung nasaan si Anton. Sinabi 'ko nalang na masama ang pakiramdam.

"Oh? Masama pala ang pakiramdam bakit hindi ka 'don natulog?" Asked Mama.

Sanay kasi si Mama na kila Anton ako natutulog kapag may sakit siya ganyan.

"Uhmmm. Madami po kasi ako assignment. Baka po bukas."

Dumiretso na ako sa kwarto at natulala sa ceiling. Why would Anton suddenly think that he doesn't matter to me? Nakuha niya na ang lahat sa akin at pagdududahan niya pa ako ng ganon? How could he?

Kinaumagahan ay nagulat ako nang sunduin niya ako.

"Anak, pasok ka. Breakfast ka muna." Ani Mama at pinaupo si Anton sa sofa.

Napatingin sakin si Anton habang pababa ako ng hagdan, "Tapos na po. Hihintayin ko nalang po si Olivia."

"Ganun ba? Osha Via, kain na. Pasalamat ka maaga si Anton at hindi ka malelate."

Matagal 'kong tinignan si Anton. I felt sympathetic. Mabilis akong kumain at agad din kaming umalis.

"Bakit sinundo mo pa ako? Akala ko ba galit ka?"

"Mad but I still care about you." Maikling sabi niya.

Lihim akong napangiti. Hindi siya madaling mabulag ng galit niya. Nagulat ako nang huminto kami sa isang pharmacy.

"Bakit?"

"Wait." He said.

Pagbalik niya ay may dala siyang plastic bag.

"Ano 'yan?" I asked habang inaabot niya ito sa akin.

"Pads and buscopan venus."

Naalala niya pa na ngayon ang 1st day ng period 'ko. Wait oh my god.... Oh my god!

Shit.

Hindi pa ako nagkakaroon....

"Anton..." Kinakabahan 'kong sabi. "Hindi pa ako nagkakaroon."

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumingin sa akin. "Regular naman mens mo diba?"

"O-oo... Oh my god..." Napahawak ako sa tiyan 'ko.

Naiiyak ako sa sobrang kaba... I can't be pregnant!

"D-do you want to buy pregnancy test? Andito narin naman tayo."

"N-no!"

Napalunok siya... "K-kung mabuo man, pananagutan naman kita."

"Anton hindi pwede! I'm on pills! Hindi pwedeng buntis ako! Anton!" Naiiyak na ako sa sobrang kaba. Please Lord, not now. I'm too young!

Nakangiti siya.. "Do you think it's a girl or a boy?" Halatang excited siya at nakasandal pa siya sa manubela niya.

Napasimangot ako, "Excited ka pa? Ha? May pambubuhay ba tayo kung mabuo man 'to?"

"Oo naman! Pwedeng pwede ako mag working student—"

"Nababaliw ka na talaga!" Hinampas 'ko ang braso niya. "Tara na nga!"

Nagdrive siya ng nakangiti.. "Olivia, don't you dare abort that."

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon