Chapter 39.

11.7K 361 53
                                    

CHAPTER 39.

Isang linggo na kami dito sa Cebu. Sa linggong iyon ay busy kaming dalawa. Ako sa pagaaral, siya naman sa pagaaral at trabaho. Sunday ngayon at wala siyang trabaho kaya nagkaroon kami ng oras para makapag bond.

"Namiss kita, ah. Pakiramdam ko ldr tayo." Aniya habang naglalakad kami patungo sa outdoor pool ng condo.

"'Kaw kasi, pag dating matutulog. Gigising kung kelan naghihilik na ako. Paanong 'di mo ako mamimiss?" I pouted at yumakap sakanya. Pakiramdam 'ko hindi ko nahagkan ng isang linggo si Anton dahil sa pagkamiss 'ko sakanya. "Miss na miss 'din kita."

"I'm doing this for you, Olivia. Kapag umasenso tayo, mauunawaan mo 'din."

Nakarating kami sa outdoor pool at tinanggal 'ko na yung sunday dress 'ko. Tinitigan ako ni Anton nang makita akong naka bikini.

"Ano na namang titig 'yan?" Kinurot 'ko ang ilong niya.

Alam 'ko naman kung bakit ganyan siya tumitig, eh.

He bit his lip, "Buti nalang akin ka."

"Suuuuus!" I gently pinched his cheek.

Napansin 'ko ang ang malalim na eyebags ni Anton at medyo pumayat siya. I pouted at hindi nalang inopen ang topic na iyon. Even just for today, gusto 'ko parehas kaming masaya at walang inii-stress.

Lumusong kami ni Anton sa pool. Ang sarap! Ngayon nalang ako ulit nakapag-swimming!

I relaxed myself for a while. Pumikit ako at nagfloating habang nakapikit.

"Via.." Naramdaman 'kong tinabihan ako ni Anton. Nanahimik lang ako. "Sa tingin mo ba makakasurvive tayo dito?"

"Saan?"

"Dito." He sighed. "Sa pagtatanan natin."

Ngumiti ako habang nakapikit, "I trust in you, Anton." Maikling saad 'ko.

"Thank you, Via. I just want you to promise me one thing." Dumilat ako at tinitigan si Anton na seryosong nakatitig din sakin, "'Wag kang gagawa ng mga bagay na alam mong pwedeng makapag-hiwalay sa'tin. Kasi ako, I'll never do the same mistake again. Enough na 'yung nangyari samin ni Coleen noon. I promised myself na hindi na 'yon mauulit."

I chuckled, "Wala akong balak maghanap ng ibang lalaki, Anton."

He just pouted at hinalikan ako ng mariin. Humiwalay din siya agad dahil hindi lang naman kami ang tao dito sa outdoor pool.

"Kuya Hades will visit us. Tara?"

Tumango ako at sabay kaming umahon. Nagbanlaw ako dito sa CR ng outdoor pool at ganon din si Anton. Pagtapos nun ay umakyat na kami sa unit namin. And to our surprise, andun na si Kuya Hades at Ate Demetria.

"Kuya, aga niyo ah." Anang Anton.

Kuya Hades sighed, "Tumawag si Mommy. She's asking kung andito daw ba kayong dalawa." Sinulyapan ako ni Kuya Hades.

"Ano sabi mo?" Anton asked.

"Sabi 'ko wala. Sabi 'ko nanghingi ka ng tulong sakin pero hindi kita pinagbigyan."

"Ano sabi ni Mommy?"

"Yari kayo. Nanghingi siya ng tulong sa mga Yuchengco. Specifically kay Prime at kay Tito Piero para ipahanap kayo."

Ginapang ako ng kaba. Oh my god. Mismong presidente ng Pilipinas ang magpapahanap samin? Oh my god.

Kumapit ako sa braso ni Anton at tinignan niya naman ako, "A-anton paano na? Sigurado akong mahahanap talaga nila tayo."

"Kuya wala ka bang pwedeng gawin?" Anang Anton.

Sumabat naman si Ate Demetria, "All you could do is just stay here at hindi dapat kayo makikita sa syudad or elsewhere dito sa Cebu. Taga dito ang asawa ni Prime kaya kabisado niya dito."

"She's right," Kuya Hades. "'Wag kana muna magtrabaho, Anton."

"Hindi pwede 'yun Kuya!"

"You only have two choices. Whether you stay here forever or harapin ang kapalaran niyo sa Manila. You choose."

Pagalis nila ay walang nagkikibuan sa amin ni Anton. Nakakastress ang mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na humantong kami sa ganitong stage ni Anton. Ang pumili.

"Ano ng gagawin natin?" I sighed heavily. Ayoko talagang mawalay kay Anton!

"We'll stay here. I'll continue my work. Kung makita man nila tayo, so be it! Basta hindi tayo maghihiwalay kahit anong mangyari, okay?"

"I promise." He kissed my forehead. He assured me na walang mangyayaring hiwalayan samin at ipaglalaban namin ang isa't isa.

Inaral nalang namin ni Anton ang mga hand outs. He gave me activities para mas ma-master 'ko pa ang lesson na it-tackle namin ni Felix tomorrow.

"Nakilala mo na ba ang instructor natin?" I asked him.

"Not interested." Sagot niya. "Sabi ni Kuya matandang babae, hindi ba?"

"Uh. Actually.." Hindi 'ko alam kung paano sasabihin kay Anton na isang binatilyo ang nakakasama ko dito araw-araw. "May seminar siya. Kaya si Gino—"

"Lalaki?" His jaw clenched nang tumango ako sakanya. "Anong itsura?"

"Medyo matanda na." Medyo gwapo at makisig... "Pangit."

He sighed, "Talaga? Kakabahan ako pag gwapo at makisig 'yan." He chuckled.

I felt very uncomfortable. Gwapo at makisig si Gino pero sinabi 'ko kay Anton na pangit siya. Ayaw ko naman kasi na ma-paranoid si Anton sa kakaisip na baka kinakalantari 'ko na 'yong si Gino. Ayokong mastress pa siya.

"Ilang taon na daw?"

"Mid-30s." I lied.

"Tanda na. 'Wag mong papatulan 'yon baby ha? Baka malaman ko nalang na sugar daddy—"

"Kadiri ka Anton!"

Humalakhak lang siya at bumalik sa pagsusulat. I felt guilty na nagsinungaling ako pero para din naman sakanya 'yon. Baka mamaya isipin niya pa na may relasyon kami if ever alam niya na binatilyo si Gino.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon