Chapter 9
Southville High
[ It's been couple of months and let that shock wave begin! ]
Rrrrrrriiiinggggggggggggggggg
Yesterday, I told Mica na isabay nalang ang papers ko sa isa-submit niya ring project.
Actually a minute ago, I received a text coming from her na naipasa na niya. So there, wala na akong iisipin pa.
I went directly to my locker. Kinuha ko na ang mga books na gagamitin later. Pagkasara ko ng locker, bigla nalang lumitaw ang mukha ni Stacey.
" I told you not to block my locker's way! ", masungit na sabi niya sakin.
Nag-ngitian naman ang dalawa niyang alalay.
Gosh! I thought they're gone pero bumalik na pala. Bakit hindi ako nasabihan?!
" What are you staring at there?! Get lost! ", she said in a loud voice. She smirked so as her two cyclones.
Napansin ko rin na nakatingin na 'yong mga estudyanteng dumaraan sa hallway. Napayuko nalang ako at dahan-dahang naglakad palayo pero bago ako makahakbang ng dalawa ay binangga pa ang left shoulder ko ng Stacey na ito. Kainis. Pinagtawanan pa nila ako.
" I'm so happy about the results of your project and we'll gonna post the winner in the front page of the Southville newspaper itself by next week. I hope that blah blah blah blah ", Ms. Jefferson said.
Wala na akong gana pang makinig. Tiningnan ko nalang ang aking tablet at nagpatuloy sa pagsusulat.Oo, naiinis parin ako sa mga estudyante dito lalo na ang Stacey na iyon.
Dati kasi ay naiinggit ako sa kanya dahil popular siya, maganda at mayaman. Sinubukan ko rin ngang sumali sa group nila dati e kaso sumuko ako dahil kung anu-ano ang ipinapagawa sakin.
[ The history of Myrna and her cyclones arises again. They thought that they're gone forever but they are wrong. Eli was wrong. She couldn't understand the thing that they're back again. More popular, more powerful and more confident.
Eli didn't know what do to first because she has this thing of investigating the king devil but she don't know how to start it. Yeah, she's very powerful that only flip of her finger will changed you to forever however she don't the heart t ---- ]
" Ally! "
Napahinto ako ng pagsusulat nang sigawan ba naman ako ni Nelly sa tenga. Lumingon ako sa kanya, " what?! ", naiirita kong tanong.
" Baka gusto mo nang kumain. Hello, lunch break na po ", she said sarcastically.
Napalingon naman ako sa loob ng room at oo nga, kami nalang ang natitira rito.
Sinabi niya narin sakin na nag-aantay sina Mica at Guzman sa cafeteria.
Habang naglalakad kami ni Nelly papuntang cafeteria ay bigla siyang nagtanong. " Why so silent?! ".
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako ng lakad. Nababadtrip parin kasi ako hanggang ngayon e. Naiinis parin ako.
" Ally, just put in mind that no matter what happen we are here for you, your bestfriends ", she said in a sincere and worried voice.
Napahinto ako ngunit nagtuloy-tuloy siya ng paglalakad.
Naisip ko na oo nga, andyan lang pala sila. Napangiti ako roon. Hindi na ako nag-isip pa at hinabol ko siya pero dahil sa paliko na ang daanan ay hindi ko napansing may kasalubong pala ako.
Boogggsssshhhh
" Shit! "
" Aray! ", reklamo ko. Napahawak pa ako sa aking noo. Nakapikit ako sa hindi ko malamang dahilan.
Gosh! Ang sakit!
" Shit! "
Narinig ko na naman ulit ang salitang iyon. Panlalaking boses. T-teka, bakit ba kasi siya mura ng mura.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.
Hindi ako makagalaw. Ni wala ngang boses na lumalabas sa aking bibig.
" Get off me! ", utos niya sakin. Oo, nadaganan ko siya.
Bago pa man ako makatayo ay itinulak na niya ako. " Aray! ". Kainis, ang lakas non ah at napaupo pa talaga ako sa semento.
Habang nagrereklamo ako ay napansin kong pinapagpag niya ang kanyang damit at hindi kalaunan ay umalis nalang ito ng wala man lang na sorry.
Mabilis akong tumayo. Hahabulin ko na sana siya kaso biglang may humawak sa braso ko.
" Hayaan mo na siya, gamutin nalang muna natin yang sugat sa siko mo ". Napaharap ako kay Nelly at tumango.
Pasalamat ang lalaki na iyon dahil may pumigil sakin dahil kung hindi ay malilintikan ang lokong iyon. Kainis! Badtrip na nga ako, dinagdagan pa niya.
Clinic
" aw aw, masakit! Dahan-dahan lang kasi ", panay ang reklamo ko sa nurse na gumagamot sa sugat sa may parteng siko. Actually, gasgas lang siya pero swear, mahapdi at masakit talaga.
Si Nelly naman ay umalis na pagkatapos akong ihatid dito dahil may klase pa siya. Tinext ko narin ang dalawa na hindi na muna ako makakasabay ng lunch sa kanila.
Afterwards ng pang-gagamot ay nagpahinga muna ako ng sandali. Bigla kong naalala ang nangyari kanina. 'Yong mukha ng lalaking iyon ay parang familiar. Parang nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang maalala. Hmmm.
Biglang nag-flashback sa utak ko ang lalaking makapal ang mukha na walang modo sa pizza parlor namin at ang lalaking nakabangga ko na wala ring modo at bastos.
Napatayo ako sa aking pagkakaupo sa hospital bed ng clinic. " No way! ", nasabi ko nalang.
" May problema ba rito Ms. Yuzon?! ", baling sakin ng nurse. Nagtaka pa ito ngunit nginitian ko nalang. " Wala ho, ok na ako pwede na bang umalis?! ", tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito. Agad ko namang kinuha ang aking gamit at bag at tuluyang lumabas.
Nagtataka talaga ako kung bakit andito angbwisit na walang modong lalaki na iyon.
Property of Grasha_Maldita
BINABASA MO ANG
My Book and I
RandomMy Book and I Written by: Grasha_Maldita Genre: Random This story is genre random. This may still be subject to change (spelling / grammar revisions and minor inconsistency changes), but the plot will be the same. I would appreciate it greatly if y...