Chapter 25
Yuzon Residence
Masaya ang naging araw ko. Hindi man naging maganda ang pambungad sakin kanina ay ayos lang dahil may taong naging sanhi para makompleto ang araw ko at tuluyan kong i-enjoy ng masaya ang araw na ito.
Thanks to Prince dahil siya ang naging dahilan kung bakit ako masaya at natutuwa ngayon. Hindi rin maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi dahil sa mga nakakatawa at bentang-benta niyang mga jokes.
Oo ako na ang masaya! E kasi naman kanina ko lang nakita ang pagtawa at pagiging kwela ng isang Prince Delos Santos.
Isang sikat, gwapo at habulin ng mga babae sa campus ang sumama sa isang binubully at pinagbabanggaan lamang ng mga estudyante.
I wonder kung gusto ba niya talaga ako.
Itinapon ko ang aking sarili sa kama matapos akong mag-ayos ng sarili para matulog na.
Napabuntong-hininga nalang ako nang bigla kong maisip sina Stacey. Gosh! May deal pa naman kami at bawal kong bawiin iyon.
Bigla akong bumangon nang biglang may pumasok sa isip ko.
" Tama! Magpapaliwanag ako at sasabihin ko sa kanila ang totoo ", sabi ko sa sarili. May patango-tango pa ako.
" Gosh! Al, will you stop it! You're being a jerk! Bakit ka ba kasi sumama-sama pa sa Prince na yon e may James ka na ah! ", pasigaw na sabi ng aking konsensya.
" I don't like James! ", sabi ko sa sarili.
" I do like him! ", sagot naman ni konsensya.
Gosh!
" I don't like him! "
" I do like him! "
" I don't! "
" I do! "Grrr! Napasabunot ako sa sarili. Ang gulo! Ang gulo-gulo! Nakakalito! Litong-lito na ako. Ano ba talaga?!
Nagulat na lamang ako sa nakita kong itsura pagkagising ko.
Gulong-gulo ang aking mga buhok at medyo puyat at haggard ang itsura ko. Gosh! May pictorial pa naman ako later.
Yeah, hindi ako makakapasok ngayon dahil sa gagawin kong pictorial mamaya sa isang sikat na studio and magazine.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay lumabas na ako dahil baka kanina pa nag-aantay ang aking handler.
" Smile Al, today is the day to surely wins the title! ", bulong ng aking konsensya.
Napangiti naman ako. Ewan ko ba at minsan ay may sariling utak ang aking konsensya. Ngek?! Ako rin pala yon hehe.
So there, we went to the said studio for my photo-shoot. They said that they will publish on magazines, newspapers, websites, news and even billboards.
Sobrang saya ko dahil sa mga sinabi nilang iyon. Wow! I really can't believe that this is really happening to me.
Nagpatuloy ang photoshoot hanggang matapos ko ang over 1000 shots. Actually, it took for one day. Nakakapagod pero worth it naman.
" This is really the new beginning of my dreams! ", sigaw ni konsensya.
Napangiti naman ako sa sinabi ng aking isip. Siguro nga... Sana nga...
Property of Grasha_Maldita

BINABASA MO ANG
My Book and I
De TodoMy Book and I Written by: Grasha_Maldita Genre: Random This story is genre random. This may still be subject to change (spelling / grammar revisions and minor inconsistency changes), but the plot will be the same. I would appreciate it greatly if y...