Chapter 46

14 2 0
                                    

Chapter 46





Hila-hila ako ngayon ni Prince papunta sa garden. Ewan ko ba kung bakit palagi nalang niya akong sinasagip.



Later on ay binitawan na niya ang aking kamay at naupo ito sa bench. Tiningnan ko lamang siya habang may tinatawagan. Ang nagawa ko nalang ay yumuko at lumuha. Kainis! Nagiging iyakin na ako this past few days. Bakit kasi ganito?!



" why?! "



Napatingin ako sa kanya. Nabigla rin ako nang magsalita siya. Bakit ganoon?! Bakit hindi ako nahihiya na umiyak ako sa harapan niya.

" Bakit hindi mo sila labanan?! Bakit ka nag-papa- api sa mga taong iyon na alam mo namang kaya mo sila ... ", seryosong sabi niya sakin. Hindi ako umimik bagkus ay tumulo na lamang ang aking mga luha.



" Shit! ", he whispered and automatically stood up in front of me and looking at me worriedly.




Napa-iyak nalang ako nang tuluyan. Eto naman talaga ang kaya kong gawin e dahil wala na ang masungit at mataray na Ally. Ako na ngayon ang mahina at loser na Ally, wala nang iba pa.




He moved closer to me and wiped my tears with his thumb. Napatitig nalang ako sa kanyang mga mata. Kung siguro masaya ako ngayon ay kinikilig na ako pero hindi e, iba ang sitwasyon ngayon.




" Shh – please don't cry . I'm sorry ok ... just don't cry ... ", he said in a very sweet voice. Napasinghot nalang ako at yumuko. Hindi ko kasi siya kayang titigan. Nahihiya ako.




" Hey ... look at me Ally ", he said pero napailing nalang ako. Ayoko! Ngunit hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ito sa kanya. Kainis! Manhid ba siya. Sobra na akong apektado sa mga pinagagawa niya ngayon e.




" No need to be shy ok ... I just want you to know that I'm always here for you no matter what. Just don't cry please. I --- ", I cut him off.




" Bakit mo 'to ginagawa?! ", I asked him seriously. Nakita kong nagbago ang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang kanyang iniisip pero napabuntong-hininga siya.



" Hindi ka ba nandidiri sakin huh?! Tingnan mo ako ... tinatapunan ng mga pagkain at laging pinagtatawan. Lagi nila akong tinataboy at laging pinag-uusapan ", sabi ko. Nagulat siya at ako naman ay tuluyan ng umiyak. Napa-atras rin ako nang sa ganoon ay may distansya sa pagitan namin.

My Book and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon