Chapter 43
Southville High
Kabadong-kabado ako ngayon. Well, I should be ... e ako ang dahilan kung bakit lahat ng students dito e magulo at galit sa mundo.
Alam ko namang hinahanap nila ang mga sarili nila sa libro na sinulat ko dahil alam nang lahat na andoon sila, iba nga lang ang pangalan. I know it's an insult for everybody but I think it's not really that worst after all dahil first things first ay hindi ko sinulat mismo ang kanilang pangalan sa book at syempre to be a writer, I must be creative and that's how I deal with it.
" the hell she's doing here?! "
" a crazy writer! "
" I bet she's just want a trouble "
" Oh my! She shouldn't be here ... "
I just took a deep breath and walk towards the locker. I should ignore them. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa besides ako na talaga ito. Bumalik na ako sa totoong ako!
Habang naglalakad ako ay sari-saring mga komento ang aking naririnig sa kanila tungkol sa akin. At the middle of the hallway ay bigla akong napatigil nang umeksena ang tatlo sa aking harapan.
Nakapamewang ito at naka-ngiting aso.
" What the hell are you doing here? ... Loser! ", Stacey asked. Sobrang taray na niya at nag-iba na rin ang kanyang itsura.
Napa-atras rin ako ng kaunti. Masasabi kong ang laki ng pinag-bago niya. Hindi ko na rin siya sinagot sa kanyang katanungan dahil alam kong wala rin naman iyong silbi sa mga katulad niya na walang ibang alam kundi ang tama siya.
" Tsk! Tsk! Too bad, you just fell down into the ground without anything or anyone's saving you. I thought you are bitch than me but ... I just realized that you're the loser than I thought. ", Stacey added. Nakangiti pa ito na may halong pang-iinsulto.
Napansin ko rin na padami na nang padami ang mga nanonood. Syempre, they're not going to just ignore us dahil alam ko naman na ito ang kanilang pinakahihintay. Ang paghaharap ng isang popular at isang loser.
Napangiti nalang ako bilang sagot sa kanya. Wala akong maisip na sasabihin e tsaka ayoko na talaga siyang patulan.
She saw me smiling at her and she thought it was an insult that's why her face changed into something I can't explain.
She moved closer to me and said, " Look at you, seems that you really hold the title for being a loser huh. What a cheap dress! It's ew! ". Sabi niya sabay iling. Tumawa ang dalawa niyang kasama.
Geez! Sabi nang ayoko na siyang patulan e, pero inuubos talaga niya ang aking pasensya. Kainis! Sorry siya.
I moved closer to her. She was shocked about it.
" Wow! Is that what you can do?! Gosh, the revelation just went down and you used to be popular in campus and to the world then, just by flipped of my fingers ... you just disappeared and changed for an old one ... plus ... a loser and a ... loser again . Hahahaha --- poor you! " She laughed so hard like an evil.
I just took a deep breath and bow my head. Nagtawanan na sila. Gusto ko mang umalis sa harapan nila ay hindi ko magawa dahil parang napako ang aking mga paa at ayaw itong maalis.
" Guys! you know what to do! ... Ha-ha ... and good luck to our little poor loser ", she added.
Next thing I knew ay naramdaman ko nalang ang malamig na tubig sa aking katawan. Napa-gasp ako ngunit sila naman ay nagtatawanan. Hindi ko inangat ang aking ulo dahil natatakot ako. Ayokong makita nila na mahina na ako at wala nang laban pero sa ginagawa ko ngayon ay parang ganoon na ang pinaparamdam ko sa kanila.
Napangiwi naman ako nang maramdaman ko ang isang bagay na biglang naging malapot sa dinikitan nito sa aking katawan. Isang itlog. Great! Bakit ba kasi kelangan may itlog pa pwede naming tubig lang e.
Naramdaman kong madami nang itlog na natapon sa akin dahil feel ko ay sobrang lapot na ng aking balat.
Habang tinatapunan nila ako ng malamig na tubig at itlog ay panay rin ang tawa at sigaw nila ng "loser". Gusto kong umiyak pero hindi pwede dahil kahit mahina na ako at pinalayas ko na ang masamang ugali ko ay hindi talaga pwede. Kailangan kong ipakita na matatag pa rin ako kahit sa kalooban ko ay hinang-hina na ako.
Siguro nga ito yung tinatawag nilang karma.
Nakatayo lang ako roon nang mahigit isang oras. Matapos iyon ay pinabayaan na nila ako at umalis na sila nang tuluyan. Sobrang lapot na ng aking pakiramdam at feeling ko anumang oras ay matutumba na ako sa aking kinatatayuan.
Maya-maya pa'y bigla nalang akong napaluha habang nakayuko at nakatayo pa rin. Umiiyak ako nang tahimik. Siguro nga ganito na ang mangyayari sakin. Well, it was my entire fault anyway at ito ang kapalit ng lahat.
While I was silently crying, I was shocked when someone grabbed my hand and pulled me to where I don't know. Basta nagpahila nalang ako tsaka wala na rin naman kasi akong lakas para bawiin ang aking kamay. Thanks to this person dahil nailayo niya ako doon. Habang hila niya ako ay nakayuko lang akong nagpapahila sa kanya. Tahimik parin akong umiiyak dahil hindi ko na rin kaya pang itago. Kumbaga sa isang timba ay punong-puno na ito at para hindi matapon at masayang ay kailangan itong bawasan.
Property of Grasha_Maldita
d71
BINABASA MO ANG
My Book and I
AléatoireMy Book and I Written by: Grasha_Maldita Genre: Random This story is genre random. This may still be subject to change (spelling / grammar revisions and minor inconsistency changes), but the plot will be the same. I would appreciate it greatly if y...