Chapter 5
[ Eli saves the world]
'Yan ang isinulat kong title.
Southville High
Maaga akong pumasok dahil maaga ring umalis si Daddy sa bahay.
I was wearing a fitted jeans and a lousy shirt and chose to wear a rubber shoes. Nagdala na rin ako ng mga libro but most of it ay mga gawa kong story. Naglalakad ako sa hallway na akap-akap ko ang mga librong iyon.
" ooppss! "
" excuse me! "
" tabi! "
" step aside! "Mga naririnig ko mula sa kanila. Panay ang iwas ko para hindi nila ako mabunggo. Yeah, I used to it. Ganito naman talaga lagi kapag hindi ka kilala. Binubully, binabangga at syempre nilalait.
Booooggggsssh
Oh well, it's a start of a hell day in Southville High.
Ano pa nga ba?! Ayun, natapon lahat ng mga daladala kong libro. Even me nga ay gusto rin ata nilang itapon palabas ng campus e. I don't have a choice but to pick up all my books. Syempre, wala namang tutulong sakin rito dahil sa mga mata nila ay isa lamang akong hamak na ordinaryong estudyanteng naligaw sa school na ito.
After all, sarili ko lang naman talaga ang tutulong sakin. Nothing else.
Matapos kong pulutin ang mga libro ko ay kaagad akong nagtungo sa locker. Ang mga locker sa school na ito ay nasa hallway lamang.
Pagkabukas ko ng locker ay ipinasok ko kaagad ang aking mga libro.
" Sinu-sino ba ang mga sasali sa cheering squad?! "
" I bet they're not really that good! "
" haha, I think so "
Narinig kong usapan. Napalingon ako sa hallway at hinanap ang nag-uusap na iyon about squad. Hindi na ako nag-atubili pang isara muna ang aking locker.
Paglingon ko sa right side ng hallway. Napanganga ako at hindi napagalaw. Hindi rin nawala ang aking paningin sa kanila.
[ There they are, the populars! The bitches of all bitches in the kingdom. They are so cruel specially the leader, Stacey! ]
Oh great! Scratch that last part. Let me rephrase it...
[ They are so cruel specially the leader, it's Myrna.
When she entered the hallway with her horrific cyclones evil, they are so bitches and having this milk curdled inside their name. W ---- ]" excuse me?! "
Naputol ang iniisip ko nang biglang may magsalita sa harapan ko. Napatingin ako dito at laking gulat ko dahil si Stacey ang kaharap ko kasama ang dalawa niyang alalay/kaibigan.
" Y-Yes!? ", tanong ko sa kanya. Nagtinginan naman ang dalawa niyang alalay.
Si Ashley Joy Sy at Neri An Reyes. They are rich but bitches. Pareho silang maganda ngunit masungit at bitch nga diba. Para silang mga models, I mean they are models but not so popular. Kung makasuot sila ng mga damit ay aakalain mong nakulangan sa tela but no, they call it fashion kahit kita na ang lahat sa kanila.
" Excuse me, you're blocking my way! " napatingin ako kay Stacey.
" I'm sorry ", nasabi ko na lang at tumabi. Nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit napahinto sila dahil sa tanong ko.
" You're going to audition for the cheering squad?! ", I asked. Napatigil sila at sabay-sabay na napalingon sakin.
" You do?! ", Stacey asked. Nag-smirk naman ang dalawang kasama niya.
" N-No ", I answered nervously. Nakakatakot naman kasi siyang tumingin.
Then she smirked and said, " Good for you because you won't belong there! ", she laughed and looked at me from head to toe.
Nakitawa na rin ang dalawang kasama niya. Afterwards ay naglaho na lamang sila sa aking paningin.
There was something pain in my heart. Masakit naman talaga sa damdamin ang mapahiya ka at pagtawanan pa.
Walang buhay kong isinarado ang aking locker at pumunta na kaagad sa banyo to change dahil gym class ko ngayon. Actually, classmates ko sa lahat ng aking subject sina Stacey and her friends tsaka 'yong crush ko na si James Paul. Part of me was ok, dahil classmate ko ang crush ko but half of me was feeling bad dahil lagi kong nakikita na magkasama sila ng Stacey na bruhang iyon. Ang sweet pa nila and I hate it seeing them together.
After gym class, sabay-sabay kaming naglunch nina Nelly and Mica. Wala si Guzman dahil may klase pa siya. So there, naglalakad na kami ngayon going to the next class.
" What's your first subject?! ", Mica asked.
" Gym class ", I answered plainly.
" That rope again?! ", Nelly asked.
Well, naikwento ko kasi sa kanila 'yong about sa first day ko sa gym class.
Napatango na lamang ako.
" Ouch! ", reaction ng dalawa.
After class ay mabilis akong umuwi sa bahay. I need to write the next chapter of my " Eli saves the world ". Pagkapasok ko ay kaagad kong binuksan ang aking laptop.
Oo, naiinis ako sa Stacey na iyon. Hindi lamang once, twice or thrice niya akong pinahiya, pinagtawanan at nilait kundi maraming beses pa.
BINABASA MO ANG
My Book and I
RandomMy Book and I Written by: Grasha_Maldita Genre: Random This story is genre random. This may still be subject to change (spelling / grammar revisions and minor inconsistency changes), but the plot will be the same. I would appreciate it greatly if y...