Chapter 7

25 3 0
                                    

Chapter 7






" May bagong transferred student raw sa campus and guess what?! ", Nelly said while giggling. Wow, binitin pa talaga kami at may pa guess what guess what pa siyang nalalaman ah.

" What?! ", sabay sabi namin ni Mica. Si Guzman kasi panay lang ang kain.

" Ang gwapo raw! "

Ngek! Napawi ang excitement namin ni Mica. Well, si Mica kasi hindi na siya naging interesado pa dahil may gusto na siyang iba. Oo, loyal yang si Mica. Kapag may nagustuhan siya ay ang tao lang na iyon at wala nang iba kahit na wala itong gusto sa kanya.

Ako naman, I don't mind how handsome he is dahil si James Paul lang ang pinakaunang crush ko. Oo, pinakauna dahil may pangalawa ,pangatlo... and soon. Ganoon talaga.

Pagkatapos ng klase ay diretso na kaming pumunta sa pizza parlor.

Pizza Shacks Parlor

Alright, ako pa rin ngayon ang tiga kuha ng order nila. Si Nelly na ang tumayong kahera at si Mica naman ang tiga linis ng table. Wala kasi si Mommy ngayon. Sabi niya ay may pupuntahan siyang meeting with her close friends.

7:35 na at ilang minuto na lang ay magsasarado na kami. We're closed at exactly 8:00 pm.

" Excuse me! ", sigaw ng lalaki sa bandang dulo.

Nakikipagdaldalan kasi ako kay Nelly.

" Later na lang tayo mag-usap ", pabulong niyang sabi at sumenyas na pumunta na sa lalaking tumawag.


Well, we're talking about our project in English. Oh well, kahit ano naman ang topic e as long as informative ay pwede na. Nagpunta na ako sa table ng lalaking tumawag kanina. Dala ko na rin yong pen and paper ko in any case na mag-order.

" Yes sir?! ", agad kong tanong.

" tissue! "

Uh-oh, walang modo. Pasalamat siya at customer siya rito...

Ayon, kumuha ako at ibinigay sa kanya. Paalis na ako nang tinawag ako bigla.

" Give me a water ", utos niya nang hindi man lang ako tiningnan.

Gosh! Kung hindi lang ito customer rito ay kanina ko pa nasuntok ang taong 'to.

Argh! Umalis na ako at kumuha ng water niya.

" here's your water ", Sabi ko sabay lapag sa table.

Paalis na ako nang magsalita siya ulit.

" I said with ice! "

Napalingon ako sa kanya. Inaabot na niya sakin ang isang basong tubig. Tiningnan ko muna ang basong puno ng tubig at nagtungo sa mukha ng lalaking ang kapal ng mukha. Kung makapag-utos ay akala mo katulong niya ako. Grrr, kainis 'to!

Nang makita ko ang mukha niyang nakatingin rin pala sakin ay ganoon na lamang ang aking pagka-gulat. Woah, infairness ang gwapo ng lalaking ito. Masama lang ang ugali. Hmp! Hindi pa rin gwapo.

Kinuha ko na lang ang baso at nilagyan ng punong-punong yelo. Tsk, pasalamat siya at customer siya rito dahil kung hindi, naku. Patay 'yon sakin. Pagkalapag ko ng hinihingi niyang tubig na may yelo ay kaagad akong umalis sa harapan niya.

" Hey, What's with the look?! ", Mica asked. Magkatabi na sila sa counter as konti na lang ang tao at hinihintay na lang na lumabas sila para maisarado na. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Magsasalita na sana ako para ikwento sa dalawa ang nangyari ng pagkabadtrip ko ngunit hindi pa rin ako tinatantanan ng lalaking iyon.

" Waiter! ", pasigaw niyang tawag.

" What's with him?! ", Nelly asked.


" Don't bother him, he's crazy! ", I said.

Umalis na ako hindi para pumunta sa harapan ng table ng lalaking iyon kundi papunta sa kusina to checked my Dad and Bro. Sila kasi ang naglilinis ng mga utensils sa kitchen as sila rin naman ang nagluluto o gumagamit.

" Is everything alright Al?! ", my Dad asked. Tumango nalang ako.

Kakatapos lamang nila ng paghuhugas ng mga kagamitan. Napatingin ako kay Dad na nag-aayos na ng kanyang sarili para sa pag-uwi. Paglingon ko kay brother ay busy ito sa pagtext.

Nang mapansin niya ako, " Yow! ", ayon lang ang nasabi niya.

T-teka, mukha ba akong lalaki para ganyan ang bati niya sakin. Ai naku!

Umalis na ako at bumalik sa counter. Pagdating ko roon ay andoon na ang lalaking panay ang reklamo dahil sa water niya. Pesteng tubig yan!

" I won't pay my bills here because I didn't satisfy the service here!! "

" bbut Sir, you hhhave tto pay the bills ", Kinakabahang sabi ni Nelly.

I doubt kung dahil ba sa pagrereklamo ng customer kaya siya kinakabahan o dahil ito'y gwapo kaya siya nabubulol.

" I don't care! Just see this thing! ", itinaas niya ang basong punong-puno ng yelo.

" How can I drink this if she poured out an ice?! She's stupid right?! So I have the reason why I don't want to pay my bills! ".

Napanganga naman ako sa sinabi niyang iyon. Tsaka nakakanosebleed naman ang taong ito. Pwede namang magtag-lish e. Napalunok pa ako ng wala sa oras.

Gosh! Siya nalang pala ang customer na narito sa parlor namin. Th ---

" That's her! "

Napatingin ako sa kanila.

" BBut sir sh----- "


" I don't care! ", he said at binagsak pa ang baso bago tuluyang umalis.



Property of Grasha_Maldita


My Book and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon