Chapter 58

7 1 0
                                    

Chapter 58




Property of Grasha_Maldita




Ally Condominium




" My real name is Princess Jane Delos Santos Hilton "

" My real name is Princess Jane Delos Santos Hilton "

" My real name is Princess Jane Delos Santos Hilton "




Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Ma'am Hilton. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang nalaman kong iyon. Pero gusto ko pa rin makasiguro kasi baka, mali lang pala ang akala ko.


Ayokong mag-assume kasi mahirap umasa.

Kanina pa ako nakatitig sa laptop at wala pa akong nasusulat sa next chapter kasi hindi mabura sa isip ko iyon.



Geez! Kailangan ko siyang kausapin pero ... bakit pa? Para san pa? Hmm ...

Around 10 in the evening ay nahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako inaantok kaya ang ginawa ko ay nanood muna ng palabas sa TV hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at hating-gabi na pala pero bakit ganoon ... hindi ako inaantok. Geez!



Tama, iniisip ko kasi ang sinabing iyon ni Ma'am Hilton ... ang lakas talaga ng impact sakin ng kahit anong tungkol sa kanya. Nakaka-inis siya!

I stood up and open my drawer on my side table. Napatitig ako sa kanya.




Noon ay iniisip ko na napaka-imposible na mag-hintay ako sa kanya kasi diba, lahat naman ng tao napapagod at nag-sasawa pero hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon, kahit na sinaktan niya ako at iniwan, mahal ko pa rin siya at nag-hihintay ng pagbabalik niya para sakin.



Pero ayokong mag-assume na kapag bumalik nga siya ay tulad pa rin ng dati kasi baka, may iba na siya at hindi na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nangyari nga iyon.

Ang gulo ko kasi naman ... hindi ako makapag-isip ng maayos ... naiistress ako sa kanya kung babalik pa ba siya o hindi na.

Pero mahal na mahal ko pa rin siya at siya pa rin hanggang ngayon, walang nagbago.





ABC Company



" Grabe, ang gwapo niya ... "

My Book and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon