Chapter 29
" It's Ally! "
Dudungaw na sana ako kaso napahinto ako bigla nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
Kinabahan ako dahil baka nakita nila akong nakikinig sa usapan.
Hindi ako nakagalaw at nakahinga ng maluwag.
" Yeah, I really hate her so much! "
Pagkasabi ng babae ay kaagad akong gumalaw para silipin ang nangyayari. Akala ko kasi ay nakita na ako ngunit hindi pala. Phew! Sobrang kaba ko.
Dahan-dahan akong sumilip sa butas na nasa harapan ko.
Biglang namilog ang aking mga mata nang makita ko ang mga taong nasa likuran ng pader na ito.
" Why don't we just ignore her?! ", sabi ni Mica. Tama, silang tatlo ang nag-uusap sa bahagi ng school na ito.
" Yeah but ---- how?! I mean, we can't do that. She's popular and she's our friend ", sabi naman ni Guzman.
Hindi ko talaga malaman ang pinag-uusapan nila.
Bakit ba nila iiwasan ang isang tao?! Tsaka kakasabi lang ni Guzman na friend nila ito at sikat.. hmm, ano ba talaga ang nangyayari?!
" she's nothing to us Kennedy! She's not worth to be our friend! I have decided, we should stop being a friend to her! ", Mica said seriously.
T-teka, friend?! Diba ako lang naman ang friend nila.
Nang maisip ko ang bagay na iyon ay para bang bumigat ang pakiramdam ko. Parang ako ata ang pinag-uusapan nila.
Nawalan ako ng ganang makinig sa kanilang usapan. Napatayo na ako ng maayos at tumalikod na.
" ......Don't worry guys...... ako na ang bahala ............... ............ I'm sure of it na lalayo na ............ ..si Ally ......... satin! ", bago ako maka-alis sa lugar na iyon ay ganoon na lamang ang huli kong narinig mula sa kanila.
There was a pain in my heart when I heard them said that thing.
Tumulo rin ang aking luha sa sobrang pagkagulat sa narinig kong iyon sa aking mga best friends. Oo, ang sakit pala kapag nalaman mong balewala ka lang sa kanila. Through the years that we've been together ganoon lang pala ang tingin nila sakin. So it means na peke lang ang mga pinapakita nila.
Ang sakit!

BINABASA MO ANG
My Book and I
RandomMy Book and I Written by: Grasha_Maldita Genre: Random This story is genre random. This may still be subject to change (spelling / grammar revisions and minor inconsistency changes), but the plot will be the same. I would appreciate it greatly if y...