Chapter 70

21 2 0
                                    

Chapter 70





Property of Grasha_Maldita




Dalawang araw na ang nakakalipas pero eto ako, buhay pa naman. Hanggang ngayon masakit pa rin e. Hindi na ako pumasok pa sa opisina simula no'ng araw na iyon. Ikinalat ko ang mga dokumento sa sala para kitang-kita ko ang ginawa niyang panloloko sakin. Nasira na ang phone ko kaya itinapon ko na iyon. Hindi na rin ako nakakapag-update sa story na ginagawa ko. Tulala at hindi alam ang iisipin ko sa mga nangyari.

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa kitchen para kumuha ng tubig nang mapansin ko na may tira pa palang in can na beer sa refrigerator. Kinuha ko ito kasabay ang isang balot na chips papunta sa sala. Itinapon ko ang mga dokumentong iyon sa hindi ko malamang direksyon dahil wala na rin naman akong paki-alam sa kanya tsaka ko inilagay ang dala ko sa table at inumpisahang inumin ito.

Wala rin naman akong paki-alam kung ano ang sasabihin ng iba dahil hindi nila nararamdaman at nararanasan ang sakit at sobrang pagkabigo dahil sa lecheng pag-ibig na iyan!

Nakaka-tatlong lagok pa lamang ako ng beer ng may mag-doorbell. Well, kahapon pa iyan at hinahayaan ko nalang sila dahil wala rin naman akong pakialam! Ngunit hindi pa rin talaga tumitigil ang pagtunog ng doorbell at naiirita na ako. Tumayo ako at nagtungo sa radio, I turn it on and play a song. I selected the maximum volume para hindi ko na marinig pa ang bwisit na pagdoorbell na iyan. Nakakainis lang kasi!






NP: MORE THAN THIS by: One Direction

I'm broken, do you hear me?
I'm blinded, 'cause you are everything I see,
I'm dancin' alone, I'm praying,
That your heart will just turn around,

And as I walk up to your door,
My head turns to face the floor,
'Cause I can't look you in the eyes and say,



Tamang-tama lang ang kantang ito para sakin. Oo, nabaliw ako sa kanya at sa kanya lang umikot ang mundo ko. Nabulag ako sa pag-aakalang siya na ang forever ko pero hindi, maling-mali pala ako. Akala ko kapag binigay ko ang puso ko sa kanya ay ibibigay niya rin sakin ang puso niya ng buong-buo pero mali na naman ako dahil may kahati pala ako at hindi lang isa kundi dalawa na sila. Sobrang sakit na malamang niloloko lang pala niya ako at ginawa ko ang lahat para sa kanya ngunit wala siyang naibigay sakin sa huli kundi ang sakit at lungkot.



When he opens his arms and holds you close tonight,
It just won't feel right,
'Cause I can love you more than this, yeah,
When he lays you down,
I might just die inside,
It just don't feel right,
'Cause I can love you more than this,
Can love you more than this




Ang sweet niya sakin at iyon ang naging hudyat para buksan ko muli ang puso ko sa kanya at mahalin siya ng sobra. Sana nga panaginip nalang ang lahat ng ito pero hindi dahil eto talaga ang totoo. Mahal na mahal ko siya at sobrang sakit na. Makita ko lang na masaya siya sa piling ng iba ay para na akong sinasaksak ng hindi mabilang na espada sa puso ko. Mahal ko siya sobra.

My Book and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon