(Jade)
"Good Morning Ma!" I greeted her while she's bringing my breakfast. Inayos ko ang mga papel ko sa study table. Wew, ano kayang naisipan ni Mama kung bakit ako dinalhan ng breakfast.
"Good Morning!" she greeted me back. Tapos, pinatong nya sa study table ko yung tray.
"Jade? Hindi ka natulog?" mas nananaig ang pangungusap kesa sa pagtatanong.
"No, hindi ko po kasi matapos tong ginagawa ko eh." sagot ko naman sa kanya sabay inom ng kape.
"Jade naman. Dapat natulog ka. Kaya naman pala hanggang ngayon bukas pa rin lamp shade mo. Ano ka ba naman pano nalang pag nagkasakit ka? Graduating ka pa naman." Sermon na naman ni Mama tapos pumunta sya sa may lamp shade ko at pinatay yun. Ayan na naman sya, nag sisimulang pumutak na parang manok.
At oo nga pala, tama kayo sa nabasa nyo. 4th year college na ako. Ang bilis di ba? At kumuha ako ng business add. Marketing. Hindi ako nakapasa sa Accounting eh.
"Ano na naman ba ang senesermon mo sa baby natin?" pukaw ni Dad habang nakasilip sa pinto.
"Ito kasing anak mo Oscar! Magdamag ginawa ang kanyang mga projects. At hindi man lang natulog." inis na sabi ni Mama.
"Hayaan mo na Amanda. Ngayon lang naman nya ginawa 'to. At saka hindi ka ba natutuwa masipag ang baby natin?" nakangiting sabi ni Dad sabay tap sa balikat ko.
"Ano ka ba naman Oscar syempre natutuwa ako. Hay naku Jade! Ubusin mo na yang kinakain mo baba na ako. Padala mo kay Yaya nanay." sabi ni Mama.
"Yes Ma."nakangiti kong sagot. Si Dad naman natatawa kasi napipikon si Mama.
"Hayaan mo na Mama mo. Pag natapos ka dyan matulog ka na muna. Pahinga ng kaunti. Wala ka naman sigurong pasok ngayon?" "Uhm, later pa po 3 ng hapon." sagot ko.
"Sige. Kaya mo yan. May meeting pa ako sa mga Guevarra." nakangiting sabi ni Dad bago ako iniwan sa kwarto.
After ko kumain at matapos ang mga ginagawa ko. Humiga ako sa kama para naman makabawi ako ng tulog. Mamaya pa naman ang klase ko.
**
Naalimpungatan ako kasi parang may nayugyog sa balikat ko.
"Jade! Jade!"
Boses yun ni Mama ah. "Jade? Akala ko ba alas tres pasok mo? Aba, alas dos na. Malalate ka"
Bigla kong minulat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon.
"Thanks Ma!" sigaw ko habang papasok ng banyo. Buti nalang ginising ako ni Mama, kung hindi tuloy tuloy na yung tulog ko hanggang mamaya.
Pinark ko ang kotse ko and saw a lady waiting and smiling at me. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi love" she greeted.
"Hello, Althea." I greeted back. Kita ko namang napasimangot sya pero agad din naman nawala ang simangot sa mukha nya.
"Tara na?" nakangiti nyang sabi sa akin. Nilahad nya yung kamay nya, tiningnan ko lang yun. At imbes na tanggapin, sa braso nalang nya ako humawak.
Hindi naman sa nagiging cold ako sa kanya, ang sa akin lang natatakot ako na baka may makakita sa aming dalawa. At malaman nalang ni Papa. Kasi hanggang ngayon, patago pa rin kami. Kaya hanggang ngayon, nag aaway kami. Ibang school na tong pinapasukan namin.
"Bye" she said at ngumiti. Nag glance sya sa finger ko. Ay oo nga pala, hinuhubad ko yung ring. Kahapon ko pa ito hindi naisusuot at kita nya pa, magagalit na talaga sya. Pilit na pilit na ngiti lang ang pinakita sa akin. "Bye" nakangiti kong sagot sa kanya.Tinalikuran na nya ako pagkasabi nun. Sakto namang pumasok si Sally sa room. Nakatingin sya sa akin ng 'What was that?'
BINABASA MO ANG
Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)
VampirePaano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Paano ba mapapatunayan? Sabi nila, kailangan daw handa sa anumang sitwasyon. Kailangan handa sa bagay na hindi mo inaasahan. Handa mo ba syang pakawalan. Matagal nang magkasintahan si Jade at Althea...