Chapter 25

1.3K 78 2
                                    

(Jade)

I'm late sa una kong klase. I need to attend this class however, wala naman akong matutunan. I'm overthinking from what happened last night. Walang papasok sa utak ko hindi ako makapag focus.

Hindi ko mamessage si Althea, kinuha ni Dad ang cellphone ko. Wala akong phone para macontact sya.

"Sally? Did you bring your phone?" Tanong ko sa kanya. She noticed my red eyes.

"Did you just cry?" She asked. Hindi ako sumagot. "Paheram ako ng phone mo please" Pakiusap ko kay Sally.

Hawak nya ang phone nya pero di nya agad binigay sakin.

"What's wrong ba?" Baling ni Sally sa akin. Kanina pa akong tulala at hindi ko maintindihan ang sarili ko. After arriving here, narito na ang sasakyan ni Dad. Binabantayan nya talaga ang kilos ko. He even gonna send me and Paul to Finland. Ayoko doon, my Uncles are there. Yung mas matapang pa kay Dad. And they will punish me and Paul. This is all my fault. Pati tuloy si Paul nadamay sa nangyari. Tahimik na buhay ni Paul, nakakagala na sya unlike before na laging may bantay but now, ito kami may bantay.

"Jade! Back to earth! What's wrong?" Sally snapped her fingers.

"W-Wala"

"Sa akin ka pa talaga nag sinungaling? Come on, spill the beans! Best friend mo ko. I need to know what's bothering you." pag pupumilit ni Sally.

I want to runaway. I want to runaway with Althea. Gusto ko lumayo sa pamilyang ginagalawan ko, but also I can't do that. Hindi ko din kaya. Ayaw kong lumayo kay Ama, at kay Paul. Kung pwede lang sana na isama ko silang dalawa, gagawin ko. Pero hindi. Kasi hahanapin at hahanapin din ako ni Dad.

"Alam na ni Dad ang tungkol sa amin ni Althea" sagot ko sa tanong nya kanina. Kumunot ang noo nya.

"How?"tanong nya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na di maiyak. Hindi ko kaya na hindi umiyak. Ang hirap sa pakiramdam ng ganito.

"Alam na nya ang tungkol sa aming dalawa ni Althea. And he wanted me to stay away from Althea."

She only mouthed an 'Oh'. And I whispers 'I know'.

"Kasalanan ko rin kasi eh" pagpapatuloy ko sabay tungo. Hindi kami nag-iingat. I mean, ako ang hindi nag iingat. Sa photos palang ng nakita ko kagabi sa folder I was the one kissing Althea, not Althea kissing me. And ako matigas ang ulo.

"Ano mga sinabi nila sayo?"

"Alam mo na yon. Kung ano ang narinig mo sa away ni Paul at ni Dada noon, yun ang sinabi nya sa akin" sagot ko. Kasi, nung second day ng pag aaway ni Paul at ni Dad tungkol sa sexual preference ni Paul ay nasa bahay si Sally. At narinig nyang lahat ang mga sinabi ni Dad.

"No. He can't do that. He should not do that." Sally muttered.

"He can. And he will. At ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko." sagot ko. "Alam na ba to ni Althea?" tanong ulit ni Sally. Umiling lang ako habang nakatungo.

"Bakit hindi mo sinasabi sa kanya? She need to know everything, girlfriend mo sya di ba"

"I know" sagot ko. And for this reason, tuluyan na kami mag hihiwalay ni Althea. Kasi she's insisting na maghiwalay muna kami. I don't think that's the right decision. Kaya hindi ko sinabi na din kagabi sa kanya, after I sent her an emoji pumasok si Dad  sa kwaerto ko. I was about to tell her everything pero kinuha nya ang phone ko. Mabuti na lang inoff ko agad.

Ang happy lang namin kagabi with Paul and Sally. Kasama namin si Althea and we were partying. Hindi rin naiwasan na hindi sya mag selos.

(Flashback)

Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon