Chapter 24

1.5K 90 8
                                    

(General)

"Gabriel, where's Jade?" Hangos na hangos na tanong ni David kay Gabriel na nasa garden.

"I don't know. May pinuntahan sya. Why?" Sagot ni Gabriel hindi man lang lumilingon sa kausap. Kahit 4 years na ang nakakalipas, hindi pa rin nya makalimutan ang ginawa ni David sa nakakabata nyang kapatid.

Nasa gayon syang pag-iisip ng marinig ang kanyang ama na tinatawag ang kanyang pangalan at sa tono palang nito ay galit na galit na.

"Gabriel! Gabriel!" galit na galit na sigaw ni Oscar sa pangalan ng panganay na anak. "Nasaan si Jade?!" Tanong ng muli ni Oscar. "

"I don't know. Akala ko you know she went out with Paul and Sally" sagot naman ni Gabriel. He stares at his father, galit at di maipinta ang mukha.

"What's wrong?" He asked once again. Nilapag ni Oscar ang isang kayumangging envelope sa coffee table.

"Ayan!" Turo ni Oscar sa envelope. "Nakapaloob riyan kung ano ang sagot sa tanong mo Gabriel." Pagtutuloy ni Oscar.

Curiously, he opened the envelope. He swallowed an invisible lump while reading and looking on the papers.

"T-Totoo ba ito?" Tanong ni Gabriel sa ama. Alam nya sa sarili nya na totoo ang lahat ng nasa envelope. Bago pa man na malaman ng kanyang ama ang lahat, alam na nya kung ano at sino ang kinababaliwan ni Jade.

Oscar on the hand was just walking back and forth. Hindi makapaniwala sa mga nakalagay na inpormasyon tungkol sa kanyang anak na si Jade. Pinaimbestigahan nya ang galaw ng kanyang anak upang malaman kung ano ba talaga ang meron sa anak nya at sa pamilya Guevarra. Hindi nya alam sa sarili nya bakit nya pinaimbestigahan ang kanyang anak. Ngunit sa mga bawat galaw nito at pag tanggi sa alok ng pagpapakasal kay David, ibig sabihin may kinababaliwan ang kanyang anak.

"I told you not to do this Dad" saad ni Gabriel. Lumingon sa kanya si Oscar. Hindi ito nakapag pigil, nasampal nya ang kanyang anak na panganay.

"You don't know what the Guevarra's are capable of Dad. Alam nila ang ginawa mo" nag titimping sabi ni Gabriel.

"Wala akong pakealam, Gabriel. Yang si Jade ang kailangan kong patinuin!" Sigaw ni Oscar. Umiiling iling si Gabriel na tinalikuran ang ama. Hangos naman si Amanda na nagtungo sa kinatatayuan ni Oscar.

"Ano bang sigawan to Oscar?" Nag aalalang tanong ni Amanda. Nakakunot na humarap si Oscar sa asawa at dinuro.

"Ikaw! Ano bang klaseng matris meron ka, kung bakit mga abnormal ang dalawang anak natin" sumbat ni Oscar sa asawa. Naguguluhang lumingon si Amanda sa kanyang anak na si Gabriel. Binigay ni Gabriel sa kanyang ina ang folder na hawak hawak nya.

Nanatiling nakatatayo at tulala si Amanda matapos mabasa at makita ang mga litrato ni Jade na kahalikan si Althea sa isang exclusive lesbian club. Lumingon si Gabriel sa nakatayong si David. Nagdikit ang mga panga ni Gabriel.

Narito lamang si Dada. I swear, sasapakin ko to mamaya. anang sa sarili ni Gabriel.

"Ano ba ito Oscar?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda habang hawak hawak ang mga papel at litrato.

"Hindi ko alam dyaan sa matris mo Amanda! Isang bakla at isang tom--Ahhh! Hindi ko mabanggit ang salitang yon. Nandidiri na ako!" Sigaw ni Oscar at sinabunutan ang sarili.

Tumaas si Oscar ng hagdanan. Nang mawala sa paningin ni David at Gabriel si Oscar agad sinugod ni Gabriel si David.

"Anong sinabi mo sa kanya?! Hayup ka!" Galit na galit na sigaw ni Gabriel kay David.

Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon