(Wila)
"Si Althea?" tanong ko kay Batchi. Naka upo sya sa may sofa. Nag kibit balikat lang si Batchi at nilingon ang ulo kung hindi ko makikita ang expression ng mukha nya.
Nasaan na ba kasi ang babaeng yon? 2 araw na yata yun hindi umuwi dito ah.
"Flight ni Jade ngayon, hindi ba nya pipigilan?" inis kong tanong kay Batchi.
"Ewan ko sa kanya" sagot naman ni Batchi.
"Tsk. Kung hindi nyo pipigilan si Jade ako nalang ang kukuha sa kanya don" sabi ko. Alam kong mahal ni Althea si Jade. Katatawag lang sa akin ni Paul at kung may balak daw kaming itakas si Jade eh gawin na daw namin. Ito na nga oh gagawin ko na. Kaya ako na mismo ang kukuha. Kung ang point ni Althea ay 'SAFETY' ni Jade. Pwede naman ko namang ilayo si Jade eh. I mean dalhin sya sa lugar na kami lang tatlo ang nakakaalam. At saka malaki na si Jade, 23 na sya kaya pwede na syang mag desisyon ng para sa kanya ano. Hindi kami makakasuhan ng kidnapping. Baka sila pa ang kasuhan kasi masyado silang O.A.
Habang hinahanap ko ang isusuot ko. Naramdaman ko ang aura ni Althea.
"Anong ikaw?" biglang sabi nya. Nasa bandang likuran ko lang. Humarap ako sa kanya at pumayawang.
"Ako ang kukuha sa kanya sa airport. Kasi parang wala kang balak na kunin sya o pigilan sya." irap kong sabi sa kanya.
Tiningnan nya ako ng masama. Bigla ko napansin ko ang mata nya. Kulay pula. Bakit pula na ang kulay ng lens nya?
Sa isang iglap nasa harap ko na sya agad. "Wala kang karapatan na kunin si Jade sa airport." mariin nyag sabi.
"Bakit naman aber? Kaibigan ko si Jade, ayaw nya rin na pupunta sya sa Finland. At saka ano bang problema mo ha! Kung sa tao, para kang nakadrugs. Tingnan mo nga yang mata ang pula pula. At saka bakit ngayon ka lang umuwi ng bahay ah?" irap kong tanong.
"Wala kang pake" walang emosyon nyang sagot. Nag roll eyes ako at tinalikuran sya. Pero bigla nyang hinawakan ang balikat ko marahas na hinarap sa kanya. Ano bang problema ng Althea na to? Ako na nga ang nag mamalasakit sa kanya para maisalba ang relasyon nilang dalawa ni Jade tapos pipigilan nya pa ako.
"Pabayaan mo syang umalis" sabi nya. Tinabig ko ang kamay nya sa balikat ko.
"Ano bang sumuot dyan sa utak mo? Alam naming tanga ka pero hindi namin alam na ganito ka katanga! Bakit ko hahayaang umalis si Jade. Hindi ka ba masaya na makakasama mo si Jade? At gagawin na natin syang katulad natin" sabi ko.
Kitang kita ko lalong nag dilim ang mga mata nya. At naramdaman ko nalang lumipad ako at tumama ang likod ko sa pader. Syang nag cause ng ingay at crack sa pader. Dahil nga sa lakas ng hagis sa akin ni Althea, rinig kong tinatawag ako ni Batchi.
"Ano bang problema mo ha! Bakit mo ko hinagis!" sigaw ko. Dahan dahan akong tumayo. Medyo nakaramdam ako ng kirot.
"Wila? Ayos ka lang?" tanong ni Batchi nasa labas sya ng pinto. Pero bago pa sya maka step paloob sumarado ang pinto.Gamit ang elements power ni Althea sumarado ng sarili ang pinto ng kwarto ko.
"Althea ano ba! Buksan mo tong pinto!" sigaw ni Batchi sa labas. Hindi nya pinapansin ni Batchi imbes nag lakad sya patungo sa kinatatayuan ko.
Kinakabahan ako na ewan kasi ibang Althea ang nagkikita ko sa harapan ko. Nakakatakot, ang mga mata nya mapupula. Nag aapoy sa galit. Bakit sya magagalit? Dapat kami ang magalit sa kanya. Dahil hinahayaan nya na umalis si Jade. Hindi na ba nya mahal si Jade?
"Althea! Ano ba!" sigaw ni Batchi mula sa labas. Tinatadyakan ang pinto.
"Hindi mo ba ako naiintindihan! Hindi ko hahayaang mamatay si Jade sa kamay ni Isabela kaya haayaan ko syang umalis. Kung gusto mong mamatay si Jade, papatayin na kita ngayon" seryosong sabi ni Althea. Bigla nyang hinawakan ang kwintas ko at hinila ng walang pasabi.
BINABASA MO ANG
Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)
VampirePaano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Paano ba mapapatunayan? Sabi nila, kailangan daw handa sa anumang sitwasyon. Kailangan handa sa bagay na hindi mo inaasahan. Handa mo ba syang pakawalan. Matagal nang magkasintahan si Jade at Althea...