Chapter 6

1.7K 100 3
                                    


(Batchi)

"Wila? Ano ayos ka na? Dali! Mahuhuli na tayo sa party ni Paul!" sigaw ko kay Wila.

"Patapos na!"

"Ang bagal mo!" sigaw ko sa kanya habang inaayos ko ang kwelyo.

Pogi na ba ako? Maiinlove lalo sa akin si Mahal nito. Hahaha! Joke lang.

May paparty si Paul, at sa condo ni Althea gaganapin. Ayaw nya sa bahay nila. Pumayag naman si Althea  na doon, kahit wala pa sya. Kaibigan naman nya si Paul at kapatid nito si Jade. Birthday ni Paul ngayon, sayang nga lang kasi wala si Althea.

Pero sa totoo lang, dito nya gusto sa bahay mag paparty. Sinabi ko nalang wag na, kasi nga baka biglang sumugod yung mga nakacoat ng itim at pati sina Paul madamay.

Kami kami lang naman ang  mag cecelebrate eh, sina Pia, at yung mga dating classmate ni Paul.

Habang inaayos ko yung sarili ko. Nakakarinig ako ng mahihinang usapan at parang sa labas ng pinto namin. May tao ba? Bakit hindi mag doorbell kung may tao, di ba?

Door bell rings

May nag doorbell ba? Punong puno kasi ng kaba yung dibdib ko kaya parang ewan ako ngayong gabi. Yung isip ko lipad dahil sa mga nangyari noong isang gabi. Madali naman nawala yung sugat ko kaso nga lang yung mga nangyari nung isang gabi parang hindi pa din mawala.

"Batchi may nag dodoorbell!" Sigaw ni Wila. Lalong kumunot ang noo ko. Sinabihan ko si Mahal na don na lang kami hintayin sa condo. Nagtataka akong tumingin sa taas ng hagdan, nandon si Wila, nag susuklay.

"Pinapunta mo pa ba dito si Abby?" tanong ko kay Wila.

"Hindi" sagot nya. Lalo akong kinabahan. Sinubukan kong basahin ang isip ng nasa labas ngunit wala.

"Sino ang mga ito" bulong ko. Kinakabahan na ako ng bongga. "Buksan mo na Batchi" pagpupumilit ni Wila. Umiling ako.

"Hindi pwede Wila" mahina kong sabi. Lumingon ako kay Wila. Nakatitig sya sa akin. May narinig akong ibang lenggwahe mula sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyang maramdaman kung sino ang nasa labas.

"Wila, nasundan nila ako" saad ko. Naulit ko sa kanya ang mga naka itim na halos patayin ako. "Seryoso ka dyan?" May halong pag aalinlangan na tanong ni Wila.

"Wila hindi ako nagbibiro sayo.

"Ano? Oi, ah.  Wag mo ko pinag loloko. Buksan mo na yung pinto. Baka si Althea na yan" singhal sa akin ni Wila tapos bumaba sya hagdan.

"W-Wila! Hindi! Wag mong bubuksan. Dyan ka lang. Sila to. Yung mga nakaitim. Maniwala ka" sagot ko. Pinigilan ko syang wag makahawak ng door knob. Kasi once na mahawakan nya yung door knob, sabay bukas na nung pinto.

"Mukha mo maitim. Umalis ka dyan Batchi!" Inis nyang sabi sa akin.

Bakit ba ayaw nya maniwala sa akin? Eh papano, nag biro ako nung isang araw. May nag doorbell tapos sinabi kong mga nakacoat yung nasa labas ng bahay. Tapos, si Wila halos taranta ako naman tawa ng tawa. Kaya yun nagalit sya sa akin. kaya ito hindi sya naniniwala.

"Ayaw! Gusto mo bang mamatay?! Ha?" pigil ko pa rin sya na huwag hawakan yung pinto.

"Ikaw baka gusto mong mamatay!" banta nya tapos, pinanlalakihan ako ng mata. Pero hindi nya makayang ipalaki pa yung mata nya. Singkit eh.

At dahil sa loko kong isipan, hindi ko na namalayan. Hawak na na nya yung door knob tapos tinulak ako palayo sa pinto.

Ang tigas talaga ng ulo ni Wila. Ewan ko lang kapag nakita nya yung mga nakacoat. Nag wide eyed si Wila at nakita nga ang hinihinala kong bisita namin.

Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon