(Wila)
"Ehem. Ano pong kailangan nyo?" tanong ko sa tatay ni Jade na palinga linga at parang may hinahanap sa loob ng bahay namin.
Hinahanap ba nya si Jade dito? Wala kaya dito si Jade. Pero parang nararamdaman ko ang aura ni Jade. Baka, imagination ko lang.
"Nasaan ang anak ko?" matapang nyang tanong. WOw, dayo na nga lang sya dito nag mamatapang pa.
"Si Jade? Wala sya dito." mataray kong sagot sa kanya. Sabay roll eyes.
"Layuan nyo ang anak ko. Ayaw na ayaw kong lalapitan ni isa man sa inyo si Jade."
Wow, ang galing nya mag utos. Ano sya lord? At saka kung makapag salita tong si Oscar na to akala mo hawak ang lahat. Ubusin ko kaya dugo nito ng wala ng mag exist na demonyong tao sa lupang to. Ang sama ng ugali.
"Teka nga lang ho ah. Pwede ba, paki explain. Bakit namin kami lalayo kay Jade eh kaibigan namin yon" sabi ko. Kunwari di ko alam na alam na nya ang tungkol sa relationship ng anak nyang si Jade at si Althea.
"Dahil imoral kayo. Inimpluwensyahan nyo ang anak ko ng masama" nangigigil nyang sabi. Ako din nanggigigil sa naglalarong mall of asia nya sa mukha!
At napakapal naman ng pag mumukha nya para sabihan kami ng harapan ng imoral at inimpluwensyahan ang anak nya ng pagkatomboy. At sa bahay pa namin. Duh! Ang love basta nalang nadating yan, at kusa yang mararamdaman. Eh, malay ba namin na naramdaman ni Jade yun kay Althea.
"Ah ganun!" inis kong sabi.
"Pwes, sabihin mo dyan sa taling mo, umalis dito sa pamamahay namin dahil tresspasing kayong mga aso kayo. Bastusan pala gusto nyo eh" sigaw ko sa kanya at pinagduduro sya. Hindi porket malaki sya, kaya nya kami. Kung tutuusin yang laki nyang yan, sisiw lang sa akin lalo na kay Althea pag pinatay nya.
Ay jusko. Gusto ko talagang tuluyan ang tatay ni Jade. Dahil sa sama ng ugali nito. Letse ah !
Kung hindi lang kay Jade, naku kanina ko pa talag tong sinairan ng dugo.
"Wila ano ba yan" May nag salita sa likuran ko.
"May bitter" sabi ko. Humarap ako at nag roll eyes. Kung nadito lang si Dad, baka kanina pa nyang ginulpi si Oscar. Pero syempre hindi pwede gawa ng co-partner nya sa business. Ewan ko lang ngayon, kung partners pa sila.
"Mr. Tanchingco?" gulat na gulat na sabi ni Althea. Nanlalaki pa ang mata. Asus, kunwari pa. Alam ko ramdam nyan na kausap ko ay si Oscar.
"Nasaan ang anak ko?" tanong nya kay Althea. Hmp, tinaasan ko ng kilay si Oscar at sabay irap. Ayaw ya pang maniwala sa akin na wala nga dito sa bahay si Jade. Pero, parang nararamadaman ko ang aura ni Jade na andito nga sya.
"Wala po sya dito" sagot ni Althea.
Bakit ang galang nya pa din kay Mr. Tanchingco eh, hinarass na nga sya eh.
Hinawakan ko ang balikat ni Althea at iniharap sa akin ang pag mumukha nya.
"Pwede ba Althea wag ka nga mangolopo dyan sa tatay ng jowakels mo. Ang bastos nyang kausap." naiinis kong sabi kay Althea. Ang galang galang, eh hindi naman kagagalang kagalang ang ugali ng lalaking to. Ang demonyo kaya. At kung may masama mang tao na nabubuhay sa mundong ito, yun ay ang Daddy ni Jade.
"Wila ano ba." saway naman sa akin ni Althea at kinabig ang kamay ko. Aba't ewam din tong si Althea. Tanga na ba talaga si Althea? Para pati ang ginawa sa kanya ni Oscar eh wala lang sa kanya?
Kung may igagalang dito, yang naglalarong mall of asia nya sa mukha. Kaya pwede ba wag kang gumalang sa kanya kasi binastos ka na rin nyan. Hinarass at ibinebenta ang anak. Ang sama lang ng ugali nya di ba" imbyernang imbyerna kong sabi kay Althea.
BINABASA MO ANG
Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)
VampirePaano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Paano ba mapapatunayan? Sabi nila, kailangan daw handa sa anumang sitwasyon. Kailangan handa sa bagay na hindi mo inaasahan. Handa mo ba syang pakawalan. Matagal nang magkasintahan si Jade at Althea...