Chapter 1

3.3K 125 4
                                    


(Jade)

"BAAATTTCCCHHHIII!!"

Nag takip ako ng tenga, ang lakas ng sigaw ni Althea. Inis na naman sya kay Batchi panigurado. Ano na naman kaya ang ginawa ni Batchi sa girlfriend ko.

"Althea ano ba! Ang boses mo ang lakas lakas. Tulog kaya si Dad. Ano na naman ba ginawa sayo ni Batchi ah?" inis na tanong ni Wila habang pababa ng hagdan karga karga si Marinel kasunod si Abby.

"Yan kasing si Batchi eh, yung higaan ko." maktol ni Althea.

"Ano bang meron? Teka nasaan ba si Batchi?" tanong ni Wila kay Abby. Ay oo nga pala, girlfriend na ni Batchi si Abby.

"Nasa banyo eh." sagot ni Abby na parang walang sa pagtatalunan nina Althea at Batchi. Hinawakan ko yung braso ni Althea para pigilan, aba ay susugudin si Batchi sa banyo.

"Teka teka. Ano ba meron sa kama mo?" tanong ko. Kararating ko lang din kasi bahay nila. Dito kami sa dati nilang bahay nag punta para daw mag lunch. -.- Charot lang, kami lang dalawa ni Abby at ni Marinelle ang kakain.

"Pagpasok ko kasi, may suka yung gitnang part ng bed sheet ko. Muntik pa nga ako dumamba at humiga. Nakakainis si Batchi" inis na sabi ni Althea.

"Suka? Bakit? Ano bang ginawa ni Batchi kagabi?" tanong ni Abby. "Hindi mo alam? Nag punta sya kagabi sa Bar." explain ni Lablab.

"Ano?!" nag sisimulang magalit na tanong ni Abby. Nako lagot. Buti nalang hindi sumama si Althea, mag katext kami kagabi pero bigla na lang hindi nag text.

"Isinama nya pa nga ako." Singit naman ni Althea. Tumingin ako sa kanya habang nakaismid. Kainis naman ang babaeng 'to.

"Ano?! Sumama ka?! At di ka man lang nag paalam sa akin? Anong ginawa mo sa bar na yun ha? Ano!" nangigigil kong tanong at piningot ang tenga nya.

Kaya pala ang text nya sa akin kagabi, ang ganda daw ng pinapanood nya. At ano ang pinapanood nya yung mga babaeng gumigiling giling ang bewang?!

"Love. Masakit! A-Ano. A-Ano kasi nakaupo lang ako sa may nag sheshake nung wine. Pero hindi ako ang tumikim si Batchi lang. Kaya ayun, nag suka nasobrahan sya siguro sa alak." sumbong nya habang nakapikit.

"Ah my nag sheshake pala ha, e kung ikaw ishake ko. Gusto mo?" inis kong sabi sabay bitaw sa tenga ni Althea. "Love naman eh." pout nya.

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin mag katext pa naman tayo?"reklamo ko.

"Itetext naman dapat kita eh. Kaso nakita ko si Batchi nakahiga sa sahig."explain nya inirapan ko lang naman sya. Natigilan nga lang kami ng marinig ang sigaw ni Abby sa may kusina. Ay, nawala na agad sa tabi ni Wila si Abby. Ang bilis ah.

"Itataas ko lang sandali si Marinel. Panigurado away na na naman yan." sabi ni Wila at agad na tumaas. Natatawa naman kami ni Althea sa naririnig naming pag susuyo ni Batchi kay Abby.

"Mahal, ui. Sorry na. Mahal." rinig naming sabi ni Batchi.

"Mahal sorry na. Hindi ko na uulitin. Promise hindi ko na uulitin" suyo ni Batchi. Papalapit sa amin. Tumango sa akin si Althea at hinawakan ang kamay ko. Hinila nya ako palabas ng bahay at umupo sa upuan.

"At isinama mo pa talaga si Althea!" rinig naming sigaw ni Abby. "Bakit ba nag lasing si Batchi?" tanong ko kay Althea.

"Hindi ko alam dun." sagot nya. Ngumiti sya sa akin ng pag kakatamis tamis. Medyo nakaka curious ang pag punta ni Batchi sa bar.

Nag kwentuhan lang kaming dalawa ni Althea. Hanggang sa tawagin na kami para kumain. Si Tito Felix mismo ang nag luto ng kakainin. Si Abby naman, hindi kinakausap si Batchi. Kanina din nung nag uusap kami ni Althea, pinuntahan nya sandali si Batchi sa may sala. At kinausap ng madalian.

Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon