(Batchi)
Shit! Ang sakit. Nasaan ba si Wila? Pumasok ako sa bahay namin. Nakita ko si Abby nakaupo hawak si Marinel.
"Anong nangyari sayo Mahal?" tarantang nyang tanong matapos nyang makita puro ako dugo.
"W-Wala to mahal. Tumaas ka muna isama mo si Marinel." I winced. Ang sakit ng mga sugat ko. May umatake sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano. Nakasuot sila ng coat na itim.
Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng sofa at pumikit. Bawat galaw ko may sumasakit. Ang grabe ng umatake sa akin kanina. Kung ano ano pa ang sinasabi.
Maya maya nakaramdam ako ng may nag pupunas sa akin.
"Mahal ano ba talaga ang nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Abby sa akin.
"Wala to. Tawagan mo naman kapatid kong si Wila. Papuntahin mo sya dito." sabi ko at nakapikit pa din. Naaalala ko yung nga nangyari kanina.
Masama nya akong tiningnan. "Mahal, isa" may pagbabanta nyang turan. Huminga ako ng malalim. "Ito na sabihin ko na. Kumukunot na noo mo." Biro ko sa kanya. Ngumuso sya kung saan ninakawan ko ng halik. Ngunit nakaramdam ako ng kirot matapos tumama ang sugat ko sa labi. Grabeng atakeng ang ginawa sa akin.
"May mga lalaki dyan na tambay ang napagkaisahan ako. Lumaban ako pero ang lakas nila" sagot ko sa kanya. "Mga lasing yata kaya napagtripan ako. Buti na lang may mga tanod na paparating kaya nakauwi ako" pag sisinungaling ko. Hindi mga tambay ang umatake sa akin kanina, pakiramdam ko ay kauri namin nila Wila at Althea. Ngunit, sa pag kakaalam ko ay, karamihan sa kauri namin nila Althea ay wala sa parteng Manila. Kadalasan,sa bandang Norte, sa Baguio dahil ang klima na naroon ang hanap nila.
"Kasi naman Mahal, dapat umuuwi ka na ng maaga. Nagpapaabot ka pa kasi ng hatinggabi sa opisina ni Tito Felix" nag-aalala nyang sabi. Ngumiti ako. "I'm fine Mahal, don't worry. Wala si Dad at Althea. Kami lang maaasahan ni Dad sa negosyo nya" sabi ko sa kanya.
"Can you call Wila for me Mahal? I need to talk to her about work" sabi ko. Tumaas ang isa nyang kilay. "Ganyan ka na nga, work pa din nasa isip mo" nagtatampo nyang turan.
"Mahal, may sasabihin lang ako sa kanya" mahinahon kong sabi sa kanya.
"Okay" she sighs. Tumayo sya bago nagtungo sa hagdanan pataas.
(Flashback)
"Yes, mahal. Bibili ako ng pizza. Wait mo ko dyan. Bye." nakangiti kong sabi sa phone.
"Sige, ingat ka mahal" masayang sagot sakin ni Abby.Palabas na ako ng building ni Dad, ako na lang siguro natira dito at yung manong guard.
"Ingat po kayo" nakangiting sabi ni Manong guard. "Kayo din po. Ingat kayo dyan." sagot ko naman at nag diretso sa may parking lot.
Bubuksan ko na yung pinto ng Montero ko ngunit naramdaman kong may taong nasa likuran ko. May nababasa ako sa utak nila pero hindi ko maintindihan.
I turned around and saw 4 men wearing black coats covering their faces.
"Sino kayo?" tanong ko sa kanila. Hindi nila ako sinagot.
Ano nga nga? Mga ewan. Tinalikuran ko na silang apat. Agang aga nilang mag costume ng panghalloween eh ang tagal tagal pa naman ng November.
Bukas na ang pinto ng driver seat ngunit hinablot ako sa likod ng isang nakacoat at pabagsak na sinandal sa pinto ng Montero ko. Argh! Ang sakit nun ah.
"Ano ba problema mo ha!" sigaw ko sa nakacoat na parang kasingtangkad lang ni Althea.
"¿Dónde puedo encontrar Althea?"
BINABASA MO ANG
Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)
VampirePaano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Paano ba mapapatunayan? Sabi nila, kailangan daw handa sa anumang sitwasyon. Kailangan handa sa bagay na hindi mo inaasahan. Handa mo ba syang pakawalan. Matagal nang magkasintahan si Jade at Althea...