Chapter 20

1.4K 83 3
                                    

(Jade)

Narito pa rin kami ni Paul sa bahay nila Althea. Paul told me what happened last night. Mabuti na lang talaga wala pa sya sa sasakyan ng mangyari ang carnaping. Buti na lang nasave sya nila Batchi at Wila.

"Mahabang explanation na naman tayo nito kay Dad" sabi ko. Ngumisi lang sya at tumawa ng mahina.

"No worries, ako na bahala." Sagot ni Paul.

Lumingon si Paul sa balcony kung saan naroon si Althea at Batchi. "Laki din ng problema nila" sabi ni Paul.

Nag hum lang ako. Hindi ko akalain na muling babalik ang babaeng nahumaling kay Althea. Naniniwala naman ako sa mga sinasabi ni Althea. Kung mahal nya pa ang babaeng yon, hindi sya mag dadalawang isip na bumalik dito.

Naiintindihan ko ang punto nya, ang protektahan ako pero hindi kailangan mag lihim sakin.

Nagawa nyang maglihim sayo upang protektahan ka.

Mahal ko sya at kahit anong mangyari hindi ako papayag na sumama sya sa mga naghahanap sa kanya. Lalo na don sa kamukha kong bampira na may sore eyes ang mata dahil sa sobrang pula.

Gusto ko naman na mag-open kay Paul tungkol dito, pero parang hindi naman nya alam ang totoong pagkatao ng nga Guevarra. Mas pinili nya kanina na lumabas.

"Chin up Shobe" pagtataas ni Paul sa baba ko. "Everything will be okay" he smiled. "Kung ano man ang naging usapan nyo ni Althea, isipin mo na lang kung ikaw ang nasa kalagayan nya, what would you do? Does she know David is here?"

Umiling ako. Hindi pa pala alam ni Althea narito si David. Bumalik na ang demonyo. Parang pinopoint out ni Paul quits lang kami ni Althea na nag lihiman.

"I'm not saying na quits kayo. Kasi naglihim sya at naglihim ka." Biglang sabi ni Paul.

Huh?

"What I mean, yung nababasa ko sa mata mo now. You should tell her na andito na din sa David. Or maybe, she knows already pero iniintay ka lang nya na magsabi sa kanya."

Natahimik ako. Hindi nga kaya may alam na si Althea?

"Hindi masama maglihim, kung ang paglilihim ay makabubuti sa isang relasyon. Ngunit kung ang paglilihim ay may kaakibat na kasinungalingan, dyaan masisira ang relasyon. And I think, kailangan mo na din sabihin sa kanya na dumating na si David" mahabang sabi ni Paul.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko. I glance at Paul na worried na worried ang tingin sa akin. Paul is so nice and can understand me, kami na lang dalawa ang nakakaintindihan. Ano nalang ang gagawin ko kapag nawala sya sa tabi nya? Kaya nag papasalamat ako sa pag sagip nila Batchi kay Paul.

"Paul..." I started. Gusto ko mag-open kahit paano sa kanya. "Dumating ang babaeng nahuhumaling kay Althea. At gusto nyang kunin si Althea mula sa akin." Finally kahit paano naibalas ko din. Hindi man detalyado ngunit tama lang upang mawala ang mabigat sa kalooban ko.

"Easy, shobe" sagot ni Paul. "Of course mahal mo si Althea and hindi yun mangyayari. Unless, Althea chooses to be with that girl. Anyways, giver her a million."

Kumunot ang noo ko. "A million?" Ulit ko sa salitang sinabi nya kanina.

"Yes, tapalan mo ng pera ang mukha para lumayo kay Althea. Use your Tanchingco power para lumayo yung babae." Ngisi nya.

"Paul, it's not about the money. Not this lady. She is way more powerful than us. Than anyone else. Money isn't about everything. Hindi lahat nabibili ng pera Paul. Hindi sa babaeng to" paliwanag ko.

"Ha? Why? Mafia ba yan? Mas mayaman pa sa atin?" Naguguluhang sabi ni Paul. Umiling ako.

"She's different. She's not ordinary." Sagot ko na lang. "Hindi kita maintindihan" Paul said. Neither me. Hindi ko na din maintindihan ang gagawin ko. Ayoko naman na dakpin nila si Althea, pero kung mas makapangyarihan sila, mapapadali nila ang pagdakip kay Althea.

Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon