(Unknown)Pinag sisihan ko ang mga ginawa ko noon. Alam ko nag karoon ng masamang marka sa pangalan at negosyo ng aking pamilya. Isang pagkakamali na dahilan para mawala ang kaisa isang tao na pinakamamahal ko.
Marami ng nabago sa akin simula ng tumigil ako doon sa Finland. Ngunit hindi nabago ang pagtingin ko sa iisang babaeng itinitibok ng puso ko.
Hindi ko sya masisisi na iba ang tinitibok ng puso nya. Dahil hindi naman isip ang mag didikta kung sino ang taong mamahalin mo. Kundi puso. Pero sa tradisyon namin, hindi puso mo oh isip mo ang magdidikta sayo, kundi ang mga utos ng aming mga magulang.
At ngayon, handa na ako muli humarap sa kanya, para sabihin na mahal ko pa rin sya at handa akong gawin para mahalin nya ako ulit. Ngunit, mahal kaya nya ako? Ngayo'y alam kong iba ang mahal nya.
"Siguro naman, pinag sisihan mo na ang ginawa mo 4 years ago, ijo?"
"Yes, Pa. Alam kong napakalaking kahihiyan ang ginawa ko sa pangalan ng ating pamilya at pinag sisisihan ko ang lahat ng iyun." Sagot ko naman sa Papa ko.
"Mabuti naman kung ganun. Handa na ba ang mga gamit mo? Uuwi na tayo sa Pilipinas para iharap kang muli sa pamilya ng mga Tanchingco"
"Hindi po ba magagalit si Tito Oscar sa ginawa ko noon sa anak nya?"
"Napag usapan na namin yan ni Oscar at naliwanagan sya na hindi magiging maganda ang negosyo nila kung ilalayo ka sa kaisa isa nilang anak na babae." Sagot ni Papa na ikinatuwa ko.
Ngunit napalitan agad ng lungkot dahil alam kong may takot pa rin syang na dala dala dahil sa ginawa ko noon sa mahal nya.
Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nakita nya akong muli. Matatakot ba sya?
Oo, maari syang matakot dahil muntikan ko ng mapatay ang mahal nya.
"Pa, siguro hindi tama na umuwi tayo ng Pilipinas" sabi ko kay Papa. Kumunot naman ang noo nya na nakatingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"
"Baka matakot si Jade pag nakita nya ako?" Tanong ko. Mas mabuti pang huwag na lamang ako umuwi.
"Matakot man sya oh hindi, alam naman ni Oscar na kaya mo yun nagawa dahil sa matinding selos at pangamba na baka mawala sya sayo"
"Sino bang lalaki ang kinahuhumalingan ni Jade noon kaya ka nagkaganyan?"
Hindi ako sumagot, imbes umiling lang ako at tumingin sa kawalan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nalalaman ni Papa at ng pamilya ni Jade kung bakit nagawa kong bumaril ng tao. Nilihim ko sa kanilang lahat. Matapos nila akong dalhin pansamantala sa isang bilibid pinakawalan nila ako kaagad, at dinala ako sa ibang bansa para pag sisihan ang ginawa kong kasalanan kay Jade at kay Althea.
Tanong sila ng tanong noon kung bakit ko nagawa yun, hindi naman ako sumasagot. Tahimik lang ako nakatingin sa kanila at pinagmamasdan ang pag buka na kanilang mga bibig.
Ayaw kong mapahamak si Jade. Mahal ko si Jade. Baka confused lang noon si Jade kaya nya nagawa ang mga bagay na yun. Siguro ngayon, mapag tatanto nya rin na, lalaki pa rin ang hanap nya at ako yon.
"David anak, mula pagkabata nyo. Minatch na kayo ng isang chinese matchmaker upang maging maganda at lumago pa lalo ang business nila at business natin. Nakakalimutan mo na ba? Matalik kong kaibigan si Oscar. Kaya madali para sa atin
ang makuha muli ang loob nya." Sagot ni Papa."Opo" tipid ko nalang na sagot.
"Umayos ka pag dumating na tayo sa bahay nila. Alam ko, ramdam ko sa mga puso mo na mahal na mahal mo sya. David, sayo nakasalalay ang pag unlad ng negosyo natin."
"Opo." Sagot ko nalang. Iniwan ako ni Papa sa balcony.
Si Althea pa ang mahal nya at alam kong hindi ako. At naguguluhan ako kapag naiisip ko ang mga ganung bagay.
"Sir David, ayos na po ang mga gamit nyo." Pukaw ni manang sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Salamat manang."
"Wala pong anuman. Sige po Sir" nakangiting sagot nya at iniwan ako.
Ngayong bumabalik na muli ako sa buhay ni Jade. Sisiguraduhin ko na hindi na muli sya masasaktan, katulad ng nagawa ko noon sa kanya.
. . .
A/N: Just a short update for this 'character'.
BINABASA MO ANG
Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)
VampirePaano mo ba masasabi na mahal mo ang isang tao? Paano ba mapapatunayan? Sabi nila, kailangan daw handa sa anumang sitwasyon. Kailangan handa sa bagay na hindi mo inaasahan. Handa mo ba syang pakawalan. Matagal nang magkasintahan si Jade at Althea...