Chapter 8

1.7K 95 4
                                    

(Wila)

Nandito kami ngayon sa condo ni Althea. 2 araw na kaming hindi lumalabas ni Batchi. Kaya dalawang araw na rin kaming absent sa school. At dalawang araw kaming hindi bumabalik sa dati naming bahay. Kasi baka mamaya nandun sina Isabellat at yung mga alepores nya.

Sa ngayon, patatlong araw na. Dadating na sina Althea mamayang hapon at dito sila tutuloy.

Sinabihan ko sila na dito nalang muna para makapag usap kami ng maayos.

Phone rings...

"Batchi, tumatawag ulit si Abby" pukaw ko kay Batchi na nakahiga at nanonood ng TV.

"Hayaan mo na lang" cold na sagot sa akin ni Batchi.

"Nakakaawa na oh. Naka sampu na yata syang tawag" sabi ko naman.

"Kailan ka pa naawa? Pabayaan mo na nga sya sabi" inis na sagot nya.

Natahimik naman ako sa sinabi nya. Pero may konting asar din. Kahit paano naman may awa akong dala dala sa katawan ano!

Mula nung matapos yung party nung isang gabi. Kinausap agad ni Batchi si Abby at hindi ko na inalam kung ano man yun. Nakita ko nalang naiyak si Abby at saka nag walk out. Kaya takang takang sina Jade habang nakatingin kay Batchi at Abby.

Tinanong pa ni Jade ako kung anong nangyari pero tinarayan ko lang sya. Kahit na ayaw ko mag taray.

Tumatawag din sila Jade, Paul at Sally sa amin. Pero hindi namin sinasagot. Kahit na gustong gusto naming sagutin, hindi maari. Syempre mag tatanong sila, lalo na si Jade.

**

"Wila? Gising."

Minulat ko mga mata ko. Nakatulog pala ako. Nabungaran ng mata ko si Batchi. Sumabay ang new moon sa atake ng mga bruha.

"Oh, Bakit?" tanong ko, habang kukusot kusot ng mata.

"Narito na si Althea" sagot nya. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Althea na nakaupo sa may sofa habang hawak ang phone. Nasaan si Dad? Siguro dumiretso sa opisina.

She lift her head up ng maramdaman nyang papalapit ako.

"Oh, Althea. Andyan ka na pala. Sorry nakatulog na ako. Kamusta pala yung business trip nyo?" tanong ko.

"Ayos naman. Kayo? Kamusta kayo dito?" tanong nya, sabay lapag ng phone sa coffee table.

Umupo ako sa tabi ni Batchi. Nag katinginan pa kami ni Batchi.

"Actually Althea. Nanganganib ang buhay natin" amin ko. Kailangan na nya malaman to eh.

"What do you mean?" nag tataka nyang tanong.

"May nag hahanap sayo." I stated. "They're wearing cloaks" I added.

"Noong una inatake nila si Batchi. Sumunod na isang gabi, bago kami mag punta dito para sa party ni Paul. Sinugod kami ng limang mga nakaitim. Thanks to their stupidity, they let their guard down, nagamit namin invisibility illusion ni Batchi and run off afterwards.Buti nalang kaming dalawa lang ni Batchi ang naroon sa bahay."paliwanag ko sa kanya.

"Oo tama sya. Kaya may bakat bakat pa na kamay sa leeg ko" sabi naman ni Batchi tapos pinakita yung mga mark ng mahahabang line sa leeg nya.

Pinagmasdan muna ni Althea yung nga markang guhit sa leeg ni Batchi saka ako tiningnan.

"Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin?" May halong inis na sabi ni Althea.

"Ayaw kasi namin maabala ang business trip nyo." sagot ko. Kahit na kating kati akong sabihin sa kanila, syempre mahalagang business yun at napakalaking bagay nun sa ama amahan namin.

Dusk Till Dawn: Black Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon