Chapter two: Welcome back!

49.1K 696 2
                                    

2

"Oh, Pre bakit mo ba kami pinatawag? nag papahinga 'yung tao eh, ka tanghaling tapat nam- bubulabog ka," reklamong sabi sakin ni Chris. Pinatawag ko sila para sabihin sakanilang susunduin na namin si Nathan at etong si Chris naman makapag salita akala mo naman ang aga-aga ko sila pinapunta kaya nga tanghali eh.

Andito kaming tatlo sa bar ko dahil ayokong sa apartment ko pa kami mag-usap. mamaya pang gabi ang bukas ng bar ko kaya't kami lang tatlo ang nandito.

"Pre wag kang oa ha? mag-aala una na. Tanghali kona 'nga kayo pinapunta may reklamo kapa rin, Bawas-bawasan mo kasi pag babar mo masyado kanang na-aadik." sabi ko sa kanya pano halos ayaw nang umuwi niyan! kulang nalang siya 'yung mag sara ng bar ko eh.

"Awat na. Bakit mo ba kami pinapunta? importante ba?" Awat sa kanila ni Zach.

"Tumawag kasi sa 'kin si Tita kagabe at pinapasundo niya sa 'tin si Nathan, Oo mga pre uuwi na ang inosente ng barkada." Pareho silang natawa sa sinabi ko.

First year college ako nang makilala ko si Nathan, napaka talino niya kaya minsan nahihiya akong I aproach siya dahil hindi kami bagay na maging mag kaibigan pero tignan mo naman taon narin ang nakalipas at heto sama-sama parin kami.

"Buti naman! hindi pa kasi sumama sa 'tin nang bumalik tayo, nag patagal pa ng dalawang taon dun." sagot ni Chris.

"Inoferan kasi siya ng ospital duon sa Cali at nahiya naman siyang tanggihan kaya hindi siya nakasabay sa 'tin umuwi." sabi ko. Saming lahat siya ang pinaka matalino at pinaka tahimik. pero nang makilala niya kami Aba nahawa na sa virus ni Chris. Oo, si Chris ang may dahilan ng lahat kung bakit ganito kami ka kwelang lahat, Pwera nalang kay Zach seryoso talaga un.

"Eh kelan naman at anong oras? may klase ako eh." saad ni Zach.

"Sabi ni Tita kailangan alas otcho andun na tayo eh." sagot ko sakanya

"Ang aga naman! hindi ba pwedeng 9am?" hirit ni Chris kaya binalingan ko siya.

"Matulog ka kasi ng maaga hindi 'yung umaaga kana natutulog, Kotche mo gagamitin bukas kaya dapat maaga ka."

Iyon lang ang huli kong sinabi at pinaalis kona sila. Umakyat ako sa Itaas para kausapin si Tim. Pag katapos ko roon ay bumaba rin ako. kunot noo kong binalingan si Chris dahil hindi parin siya umaalis kung saan kami naka-upo kanina.

"Oh? Ba't di kapa umaalis?" pabiro kong sabi sakanya.

"Wala naman may gusto lang ako itanong." seryoso niyang sabi habang pinapaikot ang straw sa mango shake na sinerve ko sakanila kanina.

Naupo ako sa stool sa tabi niya bago mag salita. "Ano naman 'yon?"

"How was your night with Ella?" sabi niya habang naka ngisi sakin. Hindi ko siya sinagot. Umiling lang ako at iniwan na siya roon. ang isang talagang 'yon lakas maka sira ng araw eh.

...

Kinabukasan maaga akong gumising dahil ngayon na namin susunduin si Nathan.

Pinuntahan ko si Chris na saktong naka gayak na kaya't si Zach nalang ang susunduin namin at deretcho na kami sa NAIA.

After so many years Nathan is finally going back..

Lahat kami graduates ng H.U yun nga lang mas ahead ng one year samin si Zach. He took B.S major in English kaya Prof na yan ngayon. Chris and I were classmates parehong business major in Management ang tinake namin loko-loko lang talaga 'yan.

"Ang tagal naman nun Pre, kanina pa tayo dito," rinig kong reklamo ni Chris nakita ko pang napatingin siya sa kaniyang relo na animo sinusukat kung gano na kami katagal nakatayo.

2: That Erotic Nights (S-Chapter Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon