15
Devine's POV
Malpad ang aking ngiti ng pumasok ako saking trabaho ng araw na 'yon. makahulugan ang mga tingin na Ibinibigay sakin ng mga katrabaho ko.
"Oh bat ganyan kayo makatingin sakin?" tanong ko sakanila.
"Wala lang parang blooming ka ngayon Eve anong sikreto mo?" napangiti ako sa sinabi sakin ni Angela. Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ng bestfriend kong naka busangot ang mukha sa 'kin.
"Eh sino ba namang hindi mag bu-blooming kung Bumalik na ang prince charming?" Sabat ni Lia kaya sakanya nabaling ang atensyon ni Angela.
"Prince Charming?" tanong nito.
"Oo! ang ultimate crush niya since childhood ay nag babalik."
"Woah! Talaga? Ikaw na Eve."
"Naman! Bukod palang babae sa lahat." Sabi ko sabay tawa na parang loka-loka, natigil lang ako nang sikuhin ako ng bestfriend ko.
"Kwento ka naman Bes, Wag mo sabihing hindi kayo nag date. Nakita ko kayo!" Sabi ni Lia kaya nanlaki ang mata ko. Oo andun siya nang sunduin ako ni Ian pero pano niya nalaman na nag date kami?
"Teka-" Itatanggi ko pa sana.
"Kwento!" Sabay nilang sabing dalawa kaya't wala nakong nagawa kundi ikwento sakanila na lumabas nga kami ni Ian kagabi.
Nag pasundo ako sa kanya bago mag alas'sais trenta. Sa isang simpleng restaurant lang ako dinala ni Ian at hindi sa Isang mamahalin. Nag-usap lang kami habang kumakain. Nag kaayos na kami at pumayag ako sa alok niyang maging mag kaibigan ulit kami. Matagal na kaming mag kakilala wala pa kaming mga muang ay mag kasama na kami.
Natigilan lang ako ng mag tanong sa 'kin si Angela.
"Buti hindi nag seselos iyong gwapo mong boyfriend Devine? Mukhang close na close kasi kayo nung Ian base sa kwento mo Daddy narin tawag sa Papa mo,"
Pati ang bestfriend ko ay natahimik sa tanong ni Angela sa 'kin kaya't napa ayos ako ng upo.
"Ano Ange, Tara balik na tayo sa trabaho pag nahuli tayo ni Boss na nag chi-chismisan yari tayo." ngumiti lang ako kay Lia at palihim na nag sabi ng Thankyou dahil hindi kuna kailangan pang mag paliwanag sa tanong ni Angela.
Bumalik na kami sa pwesto namin at inopen ko ang aking computer. Hindi rin nawala sa isip ko si Miguel dahil kahapon masaya akong kumakaen sa labas kasama si Ian. Naalala ko iyong voice mail niya.
"I need you Devine.." I shake my head. eto nanaman ako. Ano kayang nangyari sa kanya kahapon? I was too occupied by Ian with me that I almost forgot about him.
Wait. Why do I even care about him? Ako narin ang nag sabi, Hindi kami. Tama at walang kami, kaya wala siyang paki kung saan man ako mag punta o kung sino man ang kasama ko.
Kahit may iba siyang kasama? my subconcious mind tells me. Bigla parang nainis ako sa ideyang may kasamang iba si Miguel bukod sa 'kin. May iba siyang katabi, kayakap at ka siping..
"Oh my god. No! stop thinking about non sense Eve Focus. Focus." I told my self. Wala kang pake okay? Wala. It's non of my business kung meron man o wala but I was hoping deep inside me that he was not sleeping with someone or he's not with someone right now either of the two.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pag susulat ng bagong nobela ko at pinipilit ang sarili kong alisin ang gwapong mukha niya sa isipan ko.
Halos nasa kalahati na ako ng sinusulat ko ng istorbohin ako nila Angela.
"Ano Eve kakain kana ba ng Lunch?"
Umiling lang ako at hindi sila tinitignan.
"Mamaya nako Angela tatapusin ko muna 'to at baka makalimutan ko pa. Sige na wag niyo nakong intayin at mauna na kayo," sabi ko at sinimulan uli ang pag susulat. rinig ko ang pag bukas ng pinto ng office na nagsabing umalis na sila.
BINABASA MO ANG
2: That Erotic Nights (S-Chapter Update)
General FictionMiguel Evara Unlike my Friends I was Into serious relationship and stuff. I think in the gang, me and Nathan are more alike. I'm a happy go lucky Man, The only thing I don't take seriously is Life yeah. It was just a normal day at the club people ar...