Chapter One

142 11 6
                                    

HEY! HETO ANG CHAPTER ONE GUYS. HOPE YOU'LL LIKE IT! ^_^ don't forget to leave some comments! And I'm really sorry for the late update!

**

Chapter One

GEORGE's POV

Ang lamig naman.

Nagising ako ng makaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa paanan ko. Hinanap ko kung saan ito nagmumula at nakita kong nakabukas ang bintana ko.

Nakalimutan kong isara kahapon.

Tiningnan ko kung anong oras na and woah---3:25 a.m. na pala. Ang weird talaga kapag nagigising ako ng ganitong oras. At pagtingin ko sa suot ko.... Naka-pajama na ako at naka-shirt ng maluwang. Kahapon naka uniform pa ako eh.

Kuya Greg naman eh!!!! Binihisan talaga ako habang tulog!??

Bumangon ako at pumunta sa banyo para makapaghilamos man lang. Pagharap ko sa salamin ng brushing area ko----HAYUF.

OH MY EFFIN HOLY GRAIL.

Ang hagard kong tingnan. Maga ang mga mata, ang gulo pa ng buhok, ang putla ko pa! Tapos ang kyut ng muta na dumikit sa mata ko.....

Shet!

Ewan ko kung anong klaseng mukha 'to.

Nag-hilamos na lang ako ng mabuti at nag-toothbrush. Pagkatapos nun bumalik ako sa kwarto para mag-bihis ng shirt na medyo kasya sa'kin.

Pumunta ako sa kusina para kumain man lang kahit konti. Di na ako nakapag-dinner kagabi kasi.....

....umiyak ako.

Yeah, yeah---- ayoko ng pag-usapan.

Kumuha na lang ako ng isang malaking bowl at nilagyan ng maraming-maraming cereals. Tahimik lang akong kumakain ng may narinig akong footsteps sa hagdan...

Sumilip ako mula sa kusina at nakita ko si kuya Greg na papunta dito.

"Oh? Ang aga mong kumain?" halatang antok na antok pa rin siya.

I just shrugged in response. Ewan ko ba ba't tinatamad akong magsalita.

Kumuha si kuya ng isang baso ng orange juice sa ref at umupo sa harap ko.

"Di ka ba papasok?" tanong niya.

Umiling na lang ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-kain, wala talaga ako sa mood magsalita eh. Ewan ko ba.

"George...." Greg started.

"Kuya?"
Akala ko ba hindi ako magsasalita? Pambihira nga naman.

"Okay ka lang ba?" Okay nga ba talaga ako?

"Opo, kuya..." mahina kong sagot.

"Maaari ko bang malaman kung bakit ka umiyak kahapon?"

Ayoko talagang pag-usapan yan, kuya. Sorry.

"Kuya... Ayokong pag-usapan yun. Sorry." mahina kong sabi.

"Sige.... Okay lang. Basta pag may problema ka, sabihin mo agad. Masama sayo ang nase-stress.." he said thoughtfully.

"Alam ko kuya ... "

Inubos na ni kuya ang orange juice niya at nilagay sa kitchen sink.

"Sige, matutulog na ako ulit... Hindi ka ba talaga papasok?"

"Hindi kuya... Absent muna ako.."

"Sige... Night, bunso.." sabi niya tsaka ginulo ang buhok ko.

Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon