Chapter Twenty-Six

45 4 0
                                    

NEW ARSES INCOMING. HEHE. ^^
😱😂😂😂😂💩

PICTURE OF ALEX DIAZ AS DEVON ABOVE

***


THIRD PERSON's POV


Makalipas ang mga ilang araw, naging mas malapit pa sina JB at George sa isa't-isa. Sobra pa ata sa mas malapit. They're basically like twins. Hinding-hindi talaga sila napaghihiwalay. Like as if they're bonded together with some strong adhesive or something. Lagi silang magkasabay kumain sa tanghali. Lagi ding sumasabay sa pag-uwi.

Ng dahil dun, maagang umuuwi si George kesa sa dati na lampas pa sa curfew niya. Hindi naman siya gaanong napagsasabihan ni Greg. Kung tutuusin, masaya nga si Greg dahil nakakauwi na ng maaga ang kapatid niya.

Isang hapon nun, ng sumilip si Greg sa kurtina sa bintana katabi ng pinto kung saan madalas siyang nag-aantay kay George, nakita niyang masayang-masaya sina George at JB na naglalakad papunta sa bahay nila.

Nakita pa nga niyang hinalikan ni JB si George sa pisngi.

Nag-alala si Greg. Alam niyang silahis ang kanyang kapatid. Suportado siya kay George kahit ano man ang mangyari, pero nag-aalala siya kasi bakit na nagkakaroon ng halikan silang dalawa ni JB. Na dati hindi naman ganun. Dati, ina-antagonize ni George si JB, sabi pa ngang malaki ang ego. Pero heto sila ngayon.

***

Hapunan na at sabay kumain ang magkapatid na Perez.

"George..." panimula ni Greg.

Inangat ni George ang kanyang ulo at nakitang medyo seryoso ang expression ng mukha ng kuya niya.

"Po, kuya?" sagot niya.

Huminga ng malalim si Greg. Ayaw niyang biglain ang kanyang kapatid.

"Alam mo, nung isang hapon, nakita ko kayong magkasabay ni JB..." sabi niya.

"Opo, kuya?"

"At nakita kong hinalikan ka niya."


Napalunok si George. Hinding-hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kuya niya. Baka isipin niya, fling lang yun. Well, it's not. Kinakabahan siya sa susunod na sasabihin ni Greg sa kanya.

"Anong meron sa inyong dalawa?" tanong ni Greg.

Huminga ng malalim si George. Hindi niya inaasahan ang ganito mula kay Greg. Baka pagalitan siya. Para kay Greg naman, gusto niya lang malaman kung anong namamagitan kina George at JB. Malaki ang tiwala ni Greg kay JB. Alam yun ni George, pero ayaw niyang masira yun. Ano ang sasabihin ni George? Ano ang magiging reaksyon ni Greg?

"Uhm---kuya, wag ka sanang magagalit..." mahinang sabi ni George.

"OK.... Ano yun?" tanong ni Greg.

Kinakabahan talaga si George. Nahihiya rin siyang aminin sa kuya niya pero ginawa na lang niya.

"May gusto ako kay JB, kuya....." sabi ni George.

Pagkasabi niya nito, nabitawan tuloy ni Greg ang hawak niyang kutsara at tinidor at maingay itong kumalagpag sa plato niya. Nagulat siya sa rebelasyong ito. May gusto ang kapatid niya sa JB na yun. Di niya ito inaasahan kasi dati, inaasar lang niya si George na crush niya si JB. Akala niya, isang nobody si JB para kay George pero hindi pala. Pero ngayon, may gusto na si George kay JB.

Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon