PICTURE OF LUKE CONDE AS ZEKE ABOVE.😘
GEORGE's POV
Hinila ako ni JB papunta sa room nilang dalawa ni Zeke. Masyado siyang seryoso. Nag-aalala ako kasi---aggh! Ang gulo! Sino ba talaga yang si Devon!?
Kanina pa siyang palakad-lakad sa harap ko at nahihilo na ako sa kanya.
"JB, ano ba talaga ang nangyayari?" tanong ko.
Pero hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako ng napaka-blangko niyang expresyon.
***
Akala ko mabait si Devon. Kasi nung in-approach niya ako kagabi sa CR, napaka-nice niya. And, yeah, nagwapuhan ako sa kanya. But he's not. Hindi siya yung taong inakala kong ganun.
Hay naku. Iba na talaga ang mga tao ngayon. Parang lyrics lang ng kantang True Colors ni Cyndi Lauper.🎵I see your true colors shining through🎵
LUL.
Pero di nga. Akala ko talaga kasi mabait siya. Sa ugali niyang yun di ko inakalang mas malala pa pala siya kesa kay JB. Dati kasi suplado si JB pero ngayon hindi na. May pusong mamon din naman siya kahit papano.At dahil sa encounter nila kanina, nag decide silang umuwi na lang kaming lahat. Nagtaka sina Zeke at Amber kung bakit kami uuwi ng biglaan e two days pa lang kami dito sa resort.
In-explain naman nina Dave, Seth at Kane kung bakit. Kasi daw hindi pwedeng magkita sina Devon at JB dahil rivals sila. Mukhang fact naman e kasi nag-aangasan silang dalawa kanina. Like, exchanging verbal spars. Honestly speaking, si Devon lang kasi madaldal sa kanilang dalawa. Kesyo aagawin niya raw ako.
Oo, aaminin ko na natatakot ako kasi lumabas talaga ang totoong personality ni Devon. Hindi ko siya lubusang kilala. At mukhang di ko siya mapagkakatiwalaan. At hindi ko rin alam ang back story niya kung bakit siya ganun. And I think he's not interested with me being me. I have a feeling that he's only interested with my body. Para siyang perv kasi kinindatan niya ako. And the way niya akong tingnan. Sa totoo lang nandidiri ako kahit na gwapo siya. And yeah, natatakot na rin. Pero naniniwala akong poprotektahan ako ni JB. I have faith in him.
Dahil ayaw pa nina Amber at Zeke na umalis, nag decide na lang silang lahat na lumipat na lang ng ibang resort. May katabing resort itong pinasok namin at sa tingin ko mas maraming tao dun kasi mas maingay compared dito. Kaya ayun, lumipat kami dun.
Pagdating doon, agad nag-check in sina Amber at Zeke sa hotel. Para sabay-sabay na kaming kumain, nagpa-reserve na rin silang dalawa sa restaurant. Hindi pumayag si JB na sa restaurant kami kumain. Ewan ko sa kanya. Mas lalo siyang naging clingy. Ayaw bitawan ang kamay ko. Minsan nga e kapag nakaakbay sakin ayaw na ring bumitaw. Dahil sa pagiging clingy niya, napilitan si Amber na pag-isahin kami ng kwarto. Gaano ba talaga kalala si Devon para maging clingy siya? I mean, may balak daw kasi siya sakin. Masama raw. Like, egggh? Di ko siya ma-gets eh. Nakakainis na rin kasi ayaw niyang sabihin kung bakit. Basta ito lang ang mga sinabi niya na tandaan ko raw.
"Wag kang lalabas ng hotel na wala ako."
"And never talk to strangers. Never."
Sheez, ginawa akong bata. Ag ag.
Ewan ko ba kung anong nangyayari. Nalilito talaga ako. Kulang na lang sasabog tong ulo ko e. Ano ba kasing meron sa kanilang dalawa ni Devon? Pilit ko siyang tinatanong ayaw niya ring sabihin. Pati na rin sina Xavier at yung tatlong unggoy. Kibit-balikat lang ang response. K fine! Hmmpft.
BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Teen FictionA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...