THIS IS FREAKING LATE.
THANKS FOR READING.
***
Chapter Two
Hindi naging maayos ang sumunod ko pang araw. Hindi ko alam kung bakit. Because I'm so anxious of the fact that one move or glance to my right or left, I'd make eye contact with Clint. Kaya kapansin-pansing ang tahimik ko sa kinauupuan ko.
Naiiyak na rin ako.
Kasi pati pangalan niya, ang lakas din ng impact. Para bang libo-libo itong lumilipad na kutsilyo papunta sa tenga ko sa bawat oras na naririnig kong tinatawag siya ng mga kaklase ko or something. Hindi ko rin alam kung bakit pati dibdib ko sumasakit.
"Ms. Magalona?" I heard his familiar voice behind me. Technically, nasa likod ko si Clint base sa sitting arrangement namin. Kaya kahit anong galaw ko, hindi pa rin ako kumportable.
"Yes, Mr. Clint Marasigan?" sabi ni mam. Adviser pala namin si Ms. Magalona.
"Pwede po bang mag-swap kami ni Diandra ng upuan? Mainit po kasi rito eh."
Sinungaling.
Nakaupo kasi si Diandra sa kabilang row. At dun sa upuan niya ay matatamaan ng init ng araw. At dito sa upuan ni Clint ay hindi naman mainit; ang lamig nga dito eh. Kaya paano niya nasabing mainit dito?
Pumayag naman si Ms. Magalona na mag-swap sina Clint at Diandra ng upuan.
Lumingon ako kay Clint. Nahuli ko siyang tumingin sa'kin at agad naman siyang umiwas sa mga mata ko. And I can tell he was satisfied with that.
Ang sakit.
"Masaya ka na ba sa bago mong upuan, Mr. Marasigan?" tanong ni Ms. Magalona.
"Opo. Salamat po." His voice was loud but cold and firm.
Hindi na ulit ako lumingon pa dahil sobra na'to.
**
Nagyaya sina Zeke at Amber na pumunta kami ng mall. Agad naman akong pumayag kasi nase-stress ako ngayon eh. Cool-off muna bilang estudyante. Tatawagan ko na lang si kuya Greg mamaya.
Una naming pinuntahan ang stall ng Bench. Bibili raw kasi si Zek ng bagong shirt and jeans for unexpected occasions. Si Amber naman, bibili ng bagong perfume. At ako... Dibale na. Tinitipid ko ang allowance ko.
After ng mabili ni Amber yung kelangan niya wala pa ring napili si Zeke.
"Walang maganda eh. Halos stock lahat. Nung last time na pumunta tayo same pa rin yung mga naka-display."
"Eh kasi nga nung last last day pa tayo pumunta dito. Wala pa sigurong new arrival. Atat ka."
"Sa Penshoppe kaya tayo baka meron?"
Ng makarating kami sa Penshoppe, mukhang nakuntento na si Zek dahil may new arrival sila. Hindi kasi bumibili ng sale si Zeke. Or stocked. Ayaw niyang nahuhuli siya sa trending list.
"Finally! Astig ng polo shirt oh! Graphic design."
"Tch. Ang arte mo talaga!" sabi ni Amber.
Sumimangot lang si Zeke.
"Hay naku. Mabuti pa kumain na muna tayo. Kanina p----WATDAFAK..... Si Clint!
Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan niya.
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko siyang may kasama. Si Alvin yung kasama niya. Classmate namin si Alvin. At ano naman ang ginagawa nila rito?
Nang mag-meet ang mga mata namin, agad siyang umiwas kagaya ng kanina sa klase. Poker faced pa rin siya. I guess papasok sana silang dalawa ni Alvin rito sa stall na'to kaya lang lumiko si Clint ng makita ako at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin.
"George. Halika na." sabi ni Amber na hinihila ang sleeve ko.
"Hayaan mo na, bro. Tara kain tayo." sabi rin ni Zeke while rubbing my back.
I just nodded and followed them to the food court. At least, with Amber and Zeke's company, I find a little bit of comfort.
**
4:10.
Next day.Sa bagay, tapos na rin akong mag-linis ng room.
Nakita ko siyang hinahanda ang bag niya at aalis na sana ng room. Agad kong humarang sa pintuan. Tiningnan niya lang ako ng walang ka-emosyon.
"Pwede ba tayong mag usap?" napayuko ako ng nasabi ko yun.
"Ano na naman?" sa tono ng pananalita niya halatang wala siyang pakialam. Mas lalo na ako. Wala akong pakialam kung magagalit ba siya sa'kin o hindi.
"Uh----uhm..." I stuttered. Who wouldn't stutter in this kind of situation?
Who wouldn't get nervous? Who wouldn't get pissed? Who wouldn't even be scared? Nervous of what? Of his unwelcoming presence. Pissed of what? Of his stupid and rude manner. Scared of what? Rejection.
"Tch. Kung wala ka man lang importanteng sasabihin, pwede bang layuan mo'ko?"
Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. But if I actually do have something to say, I would've if it weren't for this feeling: jittery.
Part of me wants to cry---again. Although I tried to my best to force back my tears, I can't help but let 'em out. Saka ko na nasabi ang isang tanong na gustong gusto kong mabigyan ng sapat na sagot.
"Bakit?"
He grimaced.
It's maybe when I broke down again. This is actually the third time. Who cares? None. And that includes Clint.
"Bakit?" I croaked.
"T*ngin* naman oh!? Kanina ka pa bakit ng bakit! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, George? Huh!? Ang hirap mong paintindihin ah!? Sabi kong ayoko ng makipagkaibigan sayo! Maawa ka nga sa sarili mo! Tsaka pwede ba? Tumigil ka na!? Naririndi na ako sa kadramahan mo!"
Heto ulit ako ngayon. Nakayuko habang umiiyak sa harap niya. Siya naman, sinisigawan ako. Totally unfair.
Hindi ko man nakikita, pero alam kong nakatingin siya sa'kin. I guess not just a look. Not sympathy. But repugnance. We all know there are reasons behind hatred. And I wanted to know about this one. This shit.
He stood there for a minute and so did I. But not long enough he turned around and grabbed his backpack and intentionally bumped into me, causing me to back off a little.
Sumusobra ka na ah.
Wala na akong narinig pa mula sa kanya. Umalis na siya ng room. Iniwan akong luhaan.
So much for a bestfriend.
**
Well that's it. Done for the second chapter. I know it's too dramatic. And cliché. It's actually based loosely on my personal experiences and add the imagination for that. ^^
Anyways, thanks for having time reading this book.
BINABASA MO ANG
Last First Kiss [boyxboy]
Ficção AdolescenteA story about a typical boy, losing his best friend with an unknown reason, and finds it easily to mend his broken heart when this hot-from-head-to-toe guy comes along --- a weird friendship sparked between them two. But as the time goes by, the clo...