Chapter Eighteen

40 8 1
                                    

PICTURE OF JANE OINEZA AS AMBER ABOVE. 👆👆👆
Ain't she pretty, huh? 😍

***

GEORGE's POV


Pagpasok namin sa room, dun na lang namin tinapos ang dapat naming tapusin. Mga ilang sandali, tambay na kami kasi vacant time rin naman.

"Tara cutting tayo." sabi niya ng diretso na akala mo humihingi lang ng candy.

"Ano??! Bakit na naman tayo magcu-cutting? Nakakarami na tayo sa pag-cutting ah?"

Agad siyang may dinukot sa bulsa niya at halos ibandera na niya ang dalawang ticket sa mukha ko.

"Gago! Hindi ako naglalaro ng lotto!"

[BOOGSH]

"Tanga!"

"ARAY!! Bakit kailangang mambatok?"

"Hindi ito lotto tickets. Cinema tickets 'to. My God, George!"

"Manunuod tayo ng sine??"

"Hindi. Magshu-shooting tayo. Duh."

Uggh.

"Oh? Ayaw mo?"

"E ano bang movie papanuorin natin?"

"Fifty Shades of Grey." /wink/

"Kidding, right? Nung 2015 Valentine's Day pa ipinalabas yun. LUL!"

"HAHAHA! Joke!"

Ha. Ha. Ha. So funny mauubo ko na atay ko shet whooo funny tawa tayo taralets yow! -_-

"Ayoko. Mag-isa kang mag-cutting."

"Sige na kasi! Pumayag ka na lang tutal vacant time rin naman e. Tsaka malapit na ring mag-lunch."

"Pero paano 'tong research paper natin?"

"Edi ipapasa natin ngayon. Shunga."

Inirapan ko siya. Kung maka-shunga e. Naku. Kung alam niya lang pa'no pumili ng tamang words or ayus-ayusin niya man lang ang vocabulary niya or kung mayroon man lang siyang tinatawag na good morals and right conduct pagdating sa'kin edi sana malaki respeto ko sa kanya. Nakakasira kasi siya ng bait e. Kung anu-ano na lang pinagsasalita niya sa'kin. Nakakairita. Sobra.

"O ano? Payag ka na?"

Uggh! Mapilit e! Payag na lang ako.

"O sige! Sige! Payag na!"

"Yes! Tara na ipasa na natin to!"

***

Pinasa na namin ang research paper namin sa teacher namin sa English. Pagkatapos nun ay umalis na kami ng school papuntang mall.

Naglakad lakad lang kami sandali. Parang window-shopping na nga e. Kasi tumitingin pa si JB ng mga damit sa mga stalls na nakadisplay.

Pero mga ilang sandali, nakarating na rin kami sa cinema.

"Oh my god! Showing na pala ang The Angry Birds Movie???!"

Jusko! Favorite ko pa naman si Chuck!!!!

Tumakbo ako sa malaking poster at stand-ons ng Angry Birds na nakadisplay dun katabi ng Captain America: Civil War na promotional poster at stand-ons pa nina Steve Rogers at Tony Stark na nag face-to-face. Gusto kong mapicturan sarili ko. Dinukot ko ang phone ko kasi WAAAAH excited ako masyado!

Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon