Chapter Thirty-Nine

25 3 1
                                    

GEORGE's POV

"Mahal kita, George. Mahal na mahal kita.."

"A-ano???" Natulala ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Hindi rin ako makaisip ng diretso, as if parang nag-malfunction ang utak ko dahil lang sa mga salitang narinig ko. George. Mahal. Kita. Three words: pangalan ko, mahal, at kita. Paano ba naging compatible yun at parang nawawala ako sa sarili ko? Totoo ba tong mga nangyayari sakin ngayon? Please do me a favor. Slap me 100 times.

Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Clint, nag-aantay kung sino ang unang magsasalita. There was this deafening awkward silence, blanketed the entire room. Wala akong masabi. I'm freaking speechless. Kailan lang ba 'to? Kailan lang ba nagsimula ang nararamdaman ni Clint para sakin?

"Please hear me out, George." Desperado niyang sabi. He wants to explain things? Now?

I really don't know what to say. Kaya umupo na lang ako ulit sa harapan niya. Gusto ko ring malaman. Part of me is still angry at him. Galit kasi hindi ko alam kung bakit na lang niya ako tinaboy. Pero may part din sakin na---ugh. Ewan ko. Everything is so complicated.

I looked at his desperate eyes, wet in tears. Why is he doing this to me?

"Mahal na mahal kita. Dati pa. Simula pa lang. Bigla na lang nagbago ang pagtingin ko sayo. Akala ko mawawala tong nararamdaman ko, pero hindi e. Lagi kitang naiisip. Hindi talaga kita maalis sa isipan ko. Natatakot din ako kasi kapag nalaman mo, magagalit ka sakin at iiwasan mo ako. Natatakot ako, George. Kasi baka wala ka ring nararamdaman para sakin. Kaya gumawa ako ng paraan para maiwasan yun. Sinaktan kita para lang mawala ang nararamdaman ko para sayo..... I pushed you away. Kasi akala ko gagana yun. Pero hindi e. Mas lalo akong naiinis sa sarili ko kasi... nakikita kitang nasasaktan."

Tuloy-tuloy siyang nagsalita. Sagad na sagad siya, parang ilang taon na niyang gustong sabihin sakin 'to.

"Naalala mo yung binalik mo sakin ang baller bracelet na binigay ko sayo? Umiyak ka nun diba? George, nasaktan ako nun. Di ko inakalang ganun ang mangyayari kapag ginawa ko na itaboy ka. Sobrang bobo ko! Ikaw lang ang tunay kong kaibigan pero, tinaboy kita dahil lang sa kabaklaan ko. Shit. Simula nung araw na hindi na tayo nag-uusap, feeling ko tuloy parang may isang bagay na nawala sakin. Feeling ko parang wasak na wasak ako dahil nawala ang bagay na yun. At ikaw yun George..."

Oo. Naalala ko.

"P-pero... Dapat sinabi mo na lang sakin... Maiintindihan ko naman e...." sabi ko. "Bestfriends tayo e."

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa bintana. Umaagos pa rin ang kanyang mga luha na para bang mga dyamante kasi nasisinigan ng araw. Ako naman, nag-aantay ng sagot.

"Sobrang lungkot ko nung hindi na tayo nag-uusap. Mag-isa lang ako sa bahay. Nakaka-depress kasi hindi kita kasama. Sinubukan kong umaktong wala na akong pakialam sayo. Sinubukan kong ituring ka na parang wala lang. But no matter how I tried, masakit pa rin. Hindi ko matiis ang sakit...." I just let him talk. I have so much to know.

"Hindi ko nga alam e kung pano mo ako mapapatawad sa ginawa ko sayo...." Matapos niyang sabihin yun, mas lalo siyang umiyak. Alam niyo yung tipong kapag nakikita mong umiiyak ang bespren mo, nasasaktan ka rin? Kasi hindi mo kayang nakikita siyang umiiyak, nalulungkot. Kaya ako, lumalabo na ang paningin ko kasi napupuno na ng luha ang mga mata ko. Pati ako hindi ko kaya.

"Sorry, George..... S-s-sana.... Mapatawad mo ko..... Sorry talaga.... Sorry, sorry..... Sorry....." para siyang batang may malaking kasalanan at humihingi ng sorry kasi ayaw mapagalitan. Naaawa ako kay Clint. Sobra.

"Sshh.. Ayos lang... Napatawad na kita..." Pinunasan ko ang kanyang luha at ginulo ang kanyang buhok. Na-miss ko talaga 'tong asungot na'to.

"Minamasdan kita sa bahay niyo. Hindi mo lang alam. Pumupunta ako dun sa may bench sa may kanto---"

"----At ikaw yung nakaitim na umuupo dun?" Naunahan ko na siya. Kasi wala naman akong kilala na taong pumupunta dun e. Unless adik siya.

"Oo... Pumupunta ako dun. Tinitingnan kita mula sa bintana mo. Gusto kong malaman kung OK ka lang ba, napagod ka ba sa school? Mga ganung bagay. Kasi mahal nga kita....."

Awkward silence after that.

"George...." Bigla niyang sabi.

"Bakit?"

"Mahal mo ba ako?"


Mahal. Sino? Siya? Sino pa nga ba. E kaming dalawa lang dito. Shit ang bobo ko. Nakakabigla kasi ang tanong niya e. Apat na taon na kaming mag-bespren pero wala talaga e. Oo aminin ko, mukhang nahulog na sa kanya kanina, but that doesn't mean I love him. I do love him, as a friend. He's my bestest pal ever. I love him, as a friend. And only a friend. Pero anong isasagot ko? Yun ba? Ang mahal siya, bilang kaibigan? Ayokong masaktan siya. At mas lalong ayoko magsinungaling. Masasaktan siya. Simple. Does anyone get my logic?

"Uhm------" Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Mukhang nag-aantay siya sagot ko. Umaasa ata siyang oo.

"Sorry, Clint.... Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sayo.... Mahal kita, bilang kaibigan. Ikaw ang pinaka the best na taong nakilala ko. Sana maintindihan mo...." OK so, nadismaya siya sa sagot ko. Lalo siyang sumimangot at binalik ang tingin sa bintana.

"Huy.... Galit ka?" Baka kasi galit siya. "Hindi.... Ayos lang sakin..." sagot niya.

"Clint...."

"Ayos lang.... Naintindihan ko. Hindi rin naman tayo pwede para sa isa't-isa kasi.... Kayo na ni JB."

Wait, what?? How did he know?

Tumingin ulit siya sakin.

"Sinabi sakin nina Alvin at Harold." Ambilis naman nilang malaman.

"Nung hinalikan ka ni JB sa harap ng mga kaklase natin, akala mo lang binalewala ko yun. Pero deep inside, nasaktan ako...."


Oo nga. Yung first kiss ko.


"Masaya ka ba sa kanya?" tanong niya.

"Oo naman...."

"Hindi ka ba niya sinasaktan??"

"Hindi..."

"Hindi ka ba niya pinapabayaan?"

"Hindi..."

Huminga siya ng malalim as if relieved na relieved siya.

"Mabuti kung ganun... Kasi kung pabaya siya sayo, susugurin ko yun at sisirain ang mukha niya."

"Ssshhhh... Wag kang magsalita ng ganyan...."


"Ayoko lang kasi na baka isang araw, iiyak ka ng dahil sa kanya. Bespren kita..."


"Hindi niya yun magagawa sakin. Pangako yan."

"Sure?"

"Sure!"


"Dapat lang talaga...."

Sinubukan niyang bumangon pero agad ko siyang pinigilan. Umaray pa nga siya e.


"Wag ka munang gumalaw... Hindi ka pa gumagaling e.."



Nag-pout lang ang mokong. Pakyut. Aisht!


Tinitigan niya lang ako at kinabahan ako kasi hinawakan niya ako sa mukha. Titig na titig ako sa kanyang mga mata.






"I wish I could kiss you right now... Just for once..."







***



END OF CHAPTER 39.
RECONCILIATION. HAHAHA^^

BTW, THANKS 4 SUPPORTING THIS STORY. ^^

Last First Kiss [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon